Wala pa naman akong dalang panligo. Tsk! Bakit ba kasi hindi sinabi ng isang yon na dito niya ako dadalhin psh! Pasuspense pa.

"Wag O.A friend hindi ko alam kung saan kami pupunta kanina kaya wala ako dalang pampaligo sorry na" Sabi ko habang nakanguso.

Pumunta sa gilid ko si Maureen at hinawakan ako sa braso.

"Yaan mo friend I'm prepared meron ako dala for you. Alam ko naman na di ka talaga prepared sinabi din sakin ni Zion" Nakangiting sabi ni Maureen.

Tumingin tingin ako sa paligid bakit diko makita si Marlo o kahit si Zion? Tsee okay na yon hindi ko na siya hahanapin para kumalma tong puso ko.

"Gora na kayo sa ladies room ako na bahala sa gamit ni Floren. Binilin yon sakin ni FAFA Marlo" Malanding sabi ni Angelou.

Hindi na lang namin siya pinansin at hinila na ako ni Maureen papunta sa ladies room. May dalang isang over over laking beach bag si Maureen.

I know her she is fashionista as ever. Napansin ko na walang dalang bag si Bakla baka nakacheck in na sila bakit ba hindi nila ako ginising?

Tsaka diko man lang namalayan ang biyahe dahil tulog na tulog ako. Tinignan ko ang wrist watch ko hapon na pala.

"Nasaan si Sir Marlo bes?" Tanong ko ng makapasok kami sa ladies room ni Maureen. Binigyan niya ako ng malisyosang tingin.

"Ikaw ha may hindi ka sinasabi samin. Pero anyways hindi ko alam kung nasaan sila baka nasa room nila. Kinikilig nga ako kanina nung nakarating kayo dito kung paano ka tignan ni Marlo nung tulog ka parang akit na akit sayo bes! Sinuko mo na ba ang bataan?" Echuserang sabi ni Maureen kaya kinurot ko siya sa tagiliran next time na sa singit.

"Baliw mo! Magbihis na nga tayo" Sabi ko. Napairap si Maureen habang nakangiti habang binubusisi ang bag niyang dala ako naman lumapit ako sa lababo at tumingin sa salamin.

Hindi na halata ang pasa sa pisngi ko pero halatang stress yung face ko.

"OH ITO NA SUOTIN MO NA!" Napaharap ako kay Maureen.

May inabot siya sakin color cream na one piece na pa boyleg tapos yung likod bukas na bukas may maliit lang na tali para sa pambuhol medyo okay naman at di naman kita ang tiyan ko kasi one piece kaso yung likod ko naman expose na expose kery na to.

Binigyan din ako ng shorts ni Maureen na may floral na design. "Thanks wait lang" Excited na tumango si Maureen. Tapos ako pumasok sa isang cubicle para magbihis.




"WRONG MOVE ata tong suot ko bes" Bulong ko kay Maureen. Napatingin sa paligid si Maureen tapos natatawang tumingin sakin.

"Sanayan lang yan maganda ka at sexy bes confident lang tsaka nasa beach tayo heler" Bulong sakin ni Maureen.

Paano ba naman kasi yung mga tingin ng mga tao sakin hinahagod ako ng buo e mas kita pa nga yung kaluluwa nung ibang babae na nandito. Kalerkie.

"NASAAN NA BA KASI SILA? Si Bakla naman di pa tayo sinundo. Porket gwapo yung mga kasama natin pinagpalit na tayo bes" Nakangusong sabi ni Maureen kaya natawa ako.

"Itext mo kaya" Sabi ko.

"Oo nga inunahan mo lang ako" Tapos tumingin siya sa cellphone na hawak niya.

Tumigil kami sa isang gilid para hintayin ang text ni Bakla.

Napatingin ako sa paligid ang ganda ng resort na to ang lawak lawak. Tapos ang dami daming swimming pools.

Tapos sa pwesto namin kita ko na may tulay sa di kalayuan. May pababa na way sa kanan tapos pataas sa kaliwa.

May nakita kaming isang golf cart na pababa sa may kaliwang banda pababa yung golf cart sa pwesto namin.

Maid For You (Completed) [Editing]Место, где живут истории. Откройте их для себя