Kaya mas lalo akong ginanahan sa ginagawa ko. Binaba ko ulit ang labi ko sa leeg niya.

Pero malakas niya akong tinulak palayo sa kanya dahilan para mapalayo ako sa kanya at mabilis siyang tumayo at tumalikod sakin.

"Floren---" Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko.

"Marlo ayoko na tama na! Please" Sabi niya. Tumayo ako para hawakan siya sa braso pero mabilis siyang umiwas sakin.

"Floren please let me explain I'm sorry---" Hindi niya ulit pinatapos ang sasabihin ko kasi sumigaw siya at humarap sakin na may luha sa mata.

"MARLO! Tama na. Tama na ang paglalaro sa feelings ko. Please Tama na hindi ko na kaya. Mas okay pa na bumalik tayo sa dati na masungit ka sakin tapos ako katulong mo lang. Mas okay ka yung pasimple mo akong pinapahirapan kesa ganto! Ramdam ko kung anong gusto mong mangyari. Kaya please tama na bumalik kana sa dati"

Pumiyok pa siya dahil sa pag iyak. Mabilis akong umiling at sinubukan hawakan ulit ang kamay niya pero mabilis niya yung iniwas.

"Floren mali ka ng iniisip. Listen, I'm not doing this hindi para lang paglaruan ka I'm doing this----" She stopped my words.

"YOUR DOING THIS PARA UMALIS AKO. Tanda ko yung sinabi mo sakin nung una kong araw dito kung nabilog ko ang ulo ng Tita mo ikaw hindi. Hindi ko pinansin yon kasi inintindi kita kasi sabi ni Mam Claire kasi sabi ng PUSO KO intindihin kita, yung sinabi mong ayaw mo sa pagkatao ko inintindi kita. Yung mga araw na sinusungitan mo ako at pinaparamdam mo na ayaw mo sakin inintindi kita tiniis ko yon Marlo pati yung pasimple mong pagpapahirap sakin HINDI KO DIN PINANSIN pero yung ito, yung ganto na ginagawa mo sakin ngayon yung hinahalikan moko, niyayakap moko at hinahawakan moko hindi ko kaya tiisin to! Dahil aminado ako sa sarili ko na bibigay ako sayo! Tapos ano? Ipapamukha mo sakin na wala akong kwenta, na isang babae lang ako na madaling utuin. Ayon yon diba? Tama na please. MARLO TAMA NA. ANG SAKIT NA" She said.

Hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakatingin sa sahig. Hindi ko ineexpect na magiging ganto kami ngayon.

Hindi ko ineexpect na mas nasasaktan ko pala siya. Ang tanga ko!

Tumaas ang tingin ko sa kanya nakita ko na nakatingala siya tapos mabilis niyang pinahidan ang luha sa pisngi niya at tumingin sakin.

"Wag ka mag aalala hindi ako aalis dito dahil ayokong mapatunayan mo sa sarili mo na TALUNAN AKO!" She said while sobbing then she walked away.

Para ako nawalan ng lakas nung umalis si Florentina kaya unti unti ako napaupo sa kama at sinabunutan ko ang buhok ko.

"SHIIIIT!" Bakit parang pinipiga yung puso ko ng makita ko si Florentina na umiiyak ng dahil sakin?

Ang laki kong GAGO para gawin sa kanya to! Hindi ko alam kung magtitiwala ako sa kanya pero ang sinasabi ng puso ko magtiwala ako at hayaan siya patunayan na iba siya sa lahat.

Naramdaman ko ang mainit na luha mula sa mata ko mabilis ko yung pinahidan at huminga ako ng malalim. Tumingala ako at sinuntok suntok ang dibdib ko.

"ATLEAST HINDI KA NIYA IIWAN MARLO! You should treated her what she deserve"





FLOREN'S POV

HINDI ko napigilan maluha paglabas ng kwarto ni Marlo. Ang dami dami kashitan ang nangyari ngayong araw kumota na ako.

Tama na please. Ang pagseselos ko ng walang dahilan, ang pag eeksena ng hinayupak na si Trevor masabi lang na may exposure, ang paghalik ko kay Marlo, ang mga hawak niya sakin.

Maid For You (Completed) [Editing]Where stories live. Discover now