"Ayan ba ang epekto sayo ni Carlo? Porket broken ka sa kanya ginaganto mo ako" Natawa si Scarlet.

"Baliw! I'm on process of moving on. Hindi ko na nga iniisip sinabi mo naman epal mo" Naiinis pero natatawa na sabi ni Scarlet kaya natawa na din ako.

Nagusap lang kami ng kung ano ano at napatigil lang kami sa pag usap nung sinabi ng photographer na shoot na daw ulit.

Masyadong sweet ang pinapagawa ng photographer samin ni Scarlet kaya diko maiwasan na sobrang lapit namin sa isa't isa.

Iba pa din yung pakiramdam na siya yung malapit sakin.

Nag focus na lang muna ako sa pinapagawa samin at inimagine ko na lang na siya ang kadikit ko para maging maayos na at di na paulit ulit.

In the end tuwang tuwa si Direk at photographer sa mga shots namin ni Scarlet kilig na kilig sila kasi bagay na bagay daw kami pati yung mga tingin ko sa kanya very natural daw kaya hindi na kami pinaulit ulit.

Thanks to her, thanks to my baby.

Mabilis na hinanap ng mata ko ang baby ko. Pero bigo ako na makita siya saan kaya pumunta yon?

Lalabas na sana ako para hanapin siya pero hindi ako pinayagan ng mga staffs. Shit!

Nasaan na ba yon? Si Clodet lang yung nandito. Kaya lumapit ako sa kanya.

"Clodet where's Floren?" I asked. Mabilis siyang tumingin sakin.

"Ah si Floren masama daw yung pakiramdam niya kaya pinagpahinga muna namin siya sa clinic. Namumutla kasi siya at naluluha siguro magkakalagnat yon" Sabi ni Clodet na mabilis na kinatibok ng puso ko sa pag aalala.

"Shit! Bakit hinayaan mo siya mag isa?" Inis kong sabi kaya nagtaka si Clodet.

"I need to see her" Sabi ko at akmang lalabas na pero pinigilan niya ako.

"Hindi ka pa  pwede lumabas Marlo may next shoot pa kayo" Sabi niya. Fck! I don't care I want to see her.

Hindi ko na siya pinansin at nagmadali na akong lumabas ng Studio. Rinig ko ang pagtawag sakin ni Clodet at ng mga staff pero diko na lang pinansin.

Nagdirediretso ako palabas para puntahan si Floren.





PAGPASOK ko sa clinic isang nurse lang ang nandon. Ngumiti ito sa akin at tumango.

"Marlo? Si Floren ba ang sadya mo? Nandon siya sa kwarto nagpapahinga okay naman siya napagod lang siguro" Tumango ako at ngumiti tapos mabilis na pumasok ng kwarto kung saan nakahiga si Floren.

Nakatalikod siya mula sa pwesto ko. Nakaharap siya sa pader.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama na hinihigaan niya.

Hindi siya gumalaw pero alam kong gising siya. Binaba ko ang ulo ko para halikan siya sa gilid ng noo niya.

"Baby?" Bulong ko pero hindi siya sumagot. "I know you're awake please listen to me" Bulong ko ulit.

Maid For You (Completed) [Editing]Where stories live. Discover now