Bigla naman lumakas ang tibok ng puso ko ng maalala ko ang dalawang beses na muntikan nako halikan ni Marlo. Iniisip ko pa lang yon lumalambot na ang puso ko paano pa kaya kung gawin ko yung mga suggestions ng mga baliw kong kaibigan baka mabaliw ako ng tuluyan. Tsaka ASA pa ako with capital A na magustuhan ako ni Marlo heler? Sa trato pa lang niya sakin hindi niya ako type.

Pero ako? Ano nga ba talaga tong nararamdaman ko for him? Hays.







MARLO'S POV

"WOAW! Chill dude baka mahaggard ka" Sabi sakin ni Daveson. Nagkita kami sa isang exclusive restaurant malapit lang sa beach house namin. Tinawagan ko siya at sinabi ko na gusto ko ng kausap kaya mabilis niyang sinabi na malapit lang daw siya dito. May pinuntahan siyang isang client. Kinwento ko sa kanya ang mga hinaing ko kay Ivory.

"We can sue her for damaging your career" Sabi ng abogado kong kaibigan. Kumunot yung noo ko. "No let her be hindi ako magpapatalo sa kanya" I said with my warm tone tapos sumandal ako sa sofa na kinauupuan ko.

"Still kind Marlo Del Rosario. I see. Kamusta naman yung maid mo? What is her name again? Florentina?" Tanong niya. Bigla naman ako napatigil ng marinig ko ang pangalan niya. "She's okay! I let her go home for 2 days ayoko siyang mapagbuntunan ng galit ko" Sabi ko. Natawa ng maikli si Daveson.

"Woaw? Bago yan ha? Diba nga sabi mo samin gusto mo siya mainis sayo at gusto mo siya mahirapan para hindi siya magtaka ng masama sayo like your old maids did to you? So bakit parang nagbago ang ihip ng hangin?" Sabi ni Daveson. Napasmirk naman ako.

"Still on it pero iibahin ko na yung plano ko" Sabi ko. "So? What ever is it make sure that you will not burn in that fire you want to play" Nagpapaalalang sabi ni Daveson. Napangisi ulit ako. "NO IM NOT! AND I WILL MAKE SURE THAT SHE WILL NOT FOOL ME" Siguradong sabi ko. I will not let that happen again. NEVER.







PAGPASOK ko sa kusina ng beach house may nakita akong lalake na nagkakape sa may island counter. Nabadtrip ako!

"What are you doing here?" Nakakunot noo kong tanong. Tumingin siya sakin na walang ekspresyon tapos ngumisi siya. "Makikikape" He simply said. "GAGU!" Sabi ko at lumapit sa ref para kumuha ng soda. "Alam ko GAGU ka din naman e! Magpinsan tayo e" Sabi ni Vitto. Oo si Vitto yan. Akala ko ba mamaya pa ang dating nito? Tsaka paano niya nalaman na nandito ako sa beach house? Tss!

Hindi ko na lang siya pinansin at binuksan ko yung ref at kumuha ng soda in can. Binuksan ko yung soda at tinulak pasara yung ref gamit ang paa ko tapos ininom yon at tumingin sa pinsan kong nagkakape pa din.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Sabi ko at sumandal sa ref. Tumingin naman siya sakin. "Pumunta ako sa bahay mo wala ka don wala din si Floren. Kaya tinanong ko kay Tita Claire kung nasaan ka.. I heard the news okay ka lang ba? Masyado kasi sayong obsessed yang si Ivory Cruz miski ako na nananahimik ang buhay sa ibang bansa ginugulo niya" Sabi niya. Napahinga ako ng malalim at tumango.

"I will burn her down. Or let say let the bashers BURN HER DOWN! Nakakatamad mag isip ng igaganti sa kanya. Wala naman kwenta" Sabi ko. And i zip my soda. Napatango tango si Vitto tapos inubos niya na yung kape niya.

"Kaya pala ako nandito dahil itatanong ko sayo kung ano address ni Floren gusto ko kasi siya makausap" Mabilis akong tumingin sa kanya at kinunotan siya ng noo. "Makausap? Ano naman sasabihin mo sa kanya?" I ask with curiosity. Natawa naman ng maikli si Vitto.

"Kakamustahin ko lang siya at itatanong na din kung pwede siya agawin kay Rylan" Nakangiting sabi ni Vitto. Napahigpit ang hawak ko sa lata kaya nayupi ito ng kaunti.

"Anong meron sa kanila ni Rylan? Bakit ganon na lang kung mag alala si Rylan sa kanya?" Tanong ko. "Well Rylan is courting Floren kaya habang hindi pa sila aagawin ko na si Floren sa kanya what do you think?" Nakangising sabi ni Vitto. Napakuyom ako sa kamao ko at umiwas ng tingin kay Vitto! Ayoko makita niya ang reaksyon ng mukha ko.

Maid For You (Completed) [Editing]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora