MY HUSBAND'S MISTRESS-CHAPTER 47

8.6K 141 23
                                    

Hindi ko naman gustong saktan si Jarred kanina, nagulat lang din kasi ako na may epekto pa din pala saakin ang mga nangyari noon. Kahit ilang ulit kong sabihing napatawad ko na siya o sila, sinusundot pa din ako ng kasalanang nagawa nila saakin. Ganun pala talaga, ang babae kapag nasaktan ay kayang magpatawad ngunit hindi kailanman nakakalimot.

Sabi ko sa sarili ko ay okay na ako, napatawad ko na sila at nakalimutan ko na ang nangyari sa nakaraan, ngunit bakit ganon? Ang sakit sakit pa din pala kapag aalalahanin ko, hindi ko pala kailanman makakalimutan ang lahat.

Pakiramdam ko ay nabuklat muli ang sugat kong naghilom, tila hiniwa ulit ang peklat at nanariwa ang sugat. Hindi naba ako makakatakas sa lahat ng sakit? Mula pagkabata hanggang sa ngayon ay patuloy nila akong sasaktan, ibinibigay ko ang buong tiwala at pagmamahal ko ngunit pinipili pa din nila na saktan ako.

"Jhane, let's talk. Please?" sinundan ako ni Jarred dito sa aking kwarto. Ayokong ipakita na umiiyak ako hanggang ngayon, pero pilit niya ako ng pinaupo sa kama at ihinarap niya ang mukha kong tigmak ng luha sa kanya. "Wala akong ibig sabihin kanina, alam kong hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga ang mga pagkukulang ko bilang ama at asawa,maniwala ka man o hindi ay wala talaga akong ibig sabihin."

"Paano ako magniniwala sayo? Ayokong maniwala sayo. Ayokong maniwala sa manlolokong kagaya mo." tila nasurpresa siya sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil hindi naman siya sanay na nilalabas ko ang galit ko. Nasanay siya na lagi lang akong nakadepende sa mga desisyon niya, sanay siya na lagi lang akong nakasuporta sa lahat ng gusto niya, sanay siya na palagi lang akong sunod sunuran sa kanya. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon, hindi ko na siya asawa, kaya malakas ang loob kong sagot sagutin siya ngayon.

"Hindi mo kailangan magalit, kaya nga tayo naguusap para maayos natin ang mga gusot sa pagitan natin. Kung pakikinggan mo lamang ako ay maaayos natin ito. Maging ang pagsasama natin ay kaya nating isalba kung pakikinggan mo ang mga paliwanag ko."

Sinapak ko siya sa panga at kandangiwi siya sa sakit, sa pananaw niya ay ganun lang kadali ang lahat ng bagay. Hindi lumawak ang pang unawa ni Jarred, para pa din siyang bata kung mag isip.

"Wala ng dapat isalba Jarred. Hindi ko kayang bumalik sa piling mo. Hindi ko na kayang maging asawa ka."

"Wag mong sabihin yan, hindi pa huli ang lahat para satin. Ano pa bang pumipigil sayo na tanggapin ako? Si Lawrence ba? Siya pa din ba?" nanggagalaiti na siya sa galit.

"Walang kinalaman ang kahit na sino dito Jarred. Ikaw ang problema. Ayoko na sayo, ayoko ng bumalik sa dating ako. Ayoko ng maging sunod sunuran sayo. Nagsisisi akong nakilala kita."

Jarred's

Ito na ba ang galit niya? Ito na ba ang galit na matagal niyang kinikimkim? Napakasakit ng binitawan niyang salita. Nagsisisi siya? Nagsisisi siya na nakilala niya ko?

"Nagsisisi akong pinakasalan kita,nagsisisi akong ikaw ang naging asawa ko,nagsisisi akong dumating ka sa buhay ko!" Hindi ko na kaya, sobrang sakit, pinupunit ang dibdib ko sa bigat ng salitang binitiwan niya.

"Nung mga araw na wala kaming masilungan ng mga bata, nasaan ka ba? Nang mga panahon na halos mabaliw ako kakaisip kung paano ko bubuhayin ang mga anak ko, nasaan ka?nasaan ka habang may sakit ang mga anak ko? Nasaan ka ba nung halos mamatay ako sa pagaalala kung kanino ko iiwan si Andrei habang iniluluwal ko si Samantha? Nasaan ka nung halos mamatay ako sa panganganak? Masaya ka. Masaya ka sa piling ni Jullie, masaya kayong magkasama habang hirap na hirap ako dito. Kung sana.... Kung sana nandito ka, hindi ko makikilala si Lawrence, kung sana nandito ka hindi ako masasaktan ngayon, kung sana nandito ka hindi ko mararanasan ang sobra sobrang paghihirap. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito ngayon. Kasalanan mo lahat, kasalanan mo kung bakit ako nag kaganito, kasalanan mo kung bakit kinekwestyon ko ang halaga ko. Ka-kasalanan mo lahat!" Humahagulhol siya habang hinahampas ako sa dibdib. Ang sakit ng mga sinabi niya, sobrang sakit na kinakapos na ako ng hininga ngayon.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi niya ako matanggap, hindi ito dahil kay Lawrence o kay Jullie.

Masyado na palang malalim ang sugat ni Jhane, masyado ng malalim at hindi naghihilom. Siguro ay lumala na lang ang sugat dahil kinimkim niya sa mahabang panahon, hindi niya ko kailanman sinumbatan ng ganito, akala ko tuloy ay okay lang ang lahat. Hindi siya kailanman nagpakita ng galit sa harapan ko, sa katunayan nga, ang sabi niya'y napatawad na niya ako.

Tama lang ang ginawa mo Jhane, kailangan mong ilabas ang lahat. "It's okay Jhane, sige saktan mo ako hanggang sa makuntento ka, saktan mo lang ako hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo." niyakap ko siya sa kabila ng pagsapak niya sa katawan ko. Kung saan saan tumatama ang suntok niya ngunit wala akong pakialam. Ang gusto ko ay mabawasan ang bigat ng kalooban niya, gusto kong sabihin niya saakin ang lahat ng hinanakit niya.

Kahit gaano kasakit ang mga salita niya ay tatanggapin ko, hindi ako magpoprotesta at maluwag kong tatanggapin ang lahat ng panunumbat niya. Hindi ko lubos maisip kung paano niya naitago ang mga hinanakit niya? Ganito pala kabigat ang dibdib niya, dinala niya ang sakit ng ilang taon.

Napapaos na siya sa pagsigaw at pag iyak ngunit tila lalong lumalakas ang mga suntok niya. Masakit na ang katawan ko, pero kaya ko pang tiisin, kakayanin kong tiisin basta para sa kanya. Ito na lang ang paraan para sa paglubag ng kalooban niya.

Hinayaan ko siya hanggang sa mapagod siya at tuluyang makatulog habang nakaupo. Niyakap ko lang siya sa ganito naming posisyon. Nang masiguro kong tulog na tulog na siya ay saka ko siya inihiga sa kama at inayos ang pagkakahiga niya. Mukhang mahihirapan talaga akong bawiin siya. Lalo pa ngayon na nalaman kong sagad sa buto ang galit niya saakin.

Hindi ko din naman siya masisisi. Masyado ko siyang nasaktan, at hindi madaling kunin muli ang nasira niyang tiwala.

Ngunit ipinapangako ko sa sarili ko, na kahit gaano kahirap at kasakit kakayanin ko. Basta ba bumalik lang sakin si Jhane.....

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon