MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 25

19.7K 304 18
                                    


                                Hindi ako makatulog, parang hindi pa din kasi totoo na Girlfriend ko na si Jhane. Para akong tumama sa lotto, bukod sa maganda na ang girlfriend ko napaka bait pa.Di lang yon meron pa akong bonus na dalawang makukulit na bagets.

Wala na akong mahihiling pa, nagkaron ako ng instant family. I'm very sure that my dad would be very proud of it. Matagal na kasi niyang sinasabing gusto na niyang magkaroon ng apo mula sakin.

Dati, ni sa panaginip ay hindi ko inasahang magkakaroon pa ako ng asawa at anak. Hindi ko naman kasi priority ang lovelife noon, well, meron naman akong long time partner na hindi nakilala ng mga magulang ko. Alam ko naman kasing hindi nila matatanggap ang dati kong karelasyon kaya itinago ko na lang para walang gulo. I know that it's very hard on my partner's side, it's very unfair. But we love each other back then. Hindi namin alintana kung tutol ang lahat, as long as we have each other walang mali at bawal.

Ngunit darating pala talaga ang panahon na maiisip at maiisip mo yung mga bagay na tatalikuran mo para lang masunod ang kagustuhan mo. Katulad ng mga magulang ko, hindi ko pala sila kayang talikuran at biguin para lamang sa makasalanan kong pag-ibig. Hindi ko pala kayang mawala ang pera, bahay, kotse at lahat ng materyal na bagay na meron ako ngayon. Hindi ko pa pala kayang isakripisyo ang mga bagay na 'yon para lamang sa sayang dulot ng pag-ibig.

Nagtatapang-tapangan lang ako sa harap ni Jhane ngunit wala akong ipinagkaiba sa kanya. Duwag din akong sumugal sa pag-ibig, naduwag din akong panindigan ang pangako ko sa aking mahal na kahit kailan ay hindi ko siya iiwan. Masama nga akong tao kung maituturing, pero hindi ba at mas higit akong masama kung tatalikuran ko ang aking mga magulang? Magulang na gumabay sakin mula pagkabata? Balance ang sitwasyon, parehong may maganda at masamang maidudulot. Ganun naman kasi talaga, kailangan mong isakripisyo ang iba para sa mga bagay na mas mahalaga, yung wala kang talo sa huli.

Hindi ko hinahangad na mapatawad pa niya ako. Ang gusto ko lang sana ay maging masaya siya sa lahat ng bagay na gagawin niya. Makakilala siya ng taong kaya siyang ipakilala at ipagmalaki sa lahat. Yung taong kaya siyang gawing priority at hindi basta option lang. yung taong hindi siya itetake for granted. Pag nakakilala siya ng taong ganon, kahit ikamamatay ko ang sakit, bukas palad kong tatanggapin ang tuluyan niyang pagdulas mula sa pagkakahawak ko. Masaya ko na lang siyang tatanawin mula sa malayo at pagtutuunan ko na rin ng pansin bagong pamilya kong bubuuin.

Speaking of Jhane, gusto ko na sana siyang yayaing mag live-in na kami. Gusto kong ako na ang kilalaning ama ng kanyang mga anak para habang lumalaki sila ay masanay na silang tawagin akong papa. Hindi ko na bibigyan ng papel si Jarred sa buhay nila Jhane. Sa akin na sila, pamilya ko na sila at ako na lang ang may karapatan sa kanila.

Gusto ko na din siyang ipakilala kila mommy at daddy, para maayos na yung mga dapat ayusin.

Bago ako umalis sa bahay niya kaninang madaling araw ay nasabi ko na ng pahapyaw na gusto kong sa iisang bahay na lamang kami tumira. Pilit niyang inililihis ang usapan kaya hindi ko na din pinilit. Hindi pa siguro siya handa. O baka hindi pa siya komportable? A, basta kukulitin ko na lang siya ng kukulitin hanggang sa pumayag siya.

Hindi na ako mapipigilan. Talagang desidido na ako na si Jhane na ang taong gusto kong makasama forever. Siya na at ang kanyang mga anak.

Kung gugustuhin niya ay pagaaralin ko siya para makatuwang ko siya sa pagpapatakbo ng business, ayaw naman niyang tumanggap ng kahit anong galing sa akin. Nahihiya siguro. Inalok ko din ng posisyon sa restaurant ko, ayaw din.

Gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, napaka independent. Nakakainlove tuloy lalo.

"hay. Makatulog na nga ulit, after work bibisita ako sa bahay nila Jhane." Kausap ko sa sarili ko.

Hindi nga ako nabigo at unti-unti akong nakatulog ng may ngiti sa mga labi. HAPPINESS OVERLOAD.!

Jhane's POV

Nakakatulala talaga, hindi ko lubos maisip na yayayain agad ako ni Lawrence na mag live-in. nakakaloko ang lalaking yun, di mo alam kung kalian seryoso e. atubili nga kong nag change topic kanina kasi naiilang ako.

Tsaka na lang siguro naming pag uusapan kung paano ang magiging takbo ng aming relasyon.

Maghapon akong naglinis ng bahay, at nag alaga sa dalawa kong anak. Hindi naman na ako gaanong hirap kumilos kaya hindi na din ako nahihirapan ng nag iisa. Naupo ako sa sofa ng maramdaman ko ang ngalay na lumalakbay mula sa aking binti papunta sa aking balakang.

"Nakakapagod!" Napasandal ako sa sandalan ng sofa ng mamanhid ang mga paa ko.

"Sabi ko naman kasi sayo, live-in na tayo. Para may katuwang ka na sa buhay." Ipinatong niya ang mga binti ko sa kanyang mga hita at minasahe. Nakakarelax sa pakiramdam.

"Hindi yun ganun kadali. Tsaka alam na ba ng parents mo ang tungkol satin? Siguradong madidisappoint sila. Let's take it slowly okay? May tamang panahon para sa mga ganyang bagay."

"I did, sinabi ko na sa parents and they understand your situation. Sinabi ko na sayo mababait sila mom." Napabalikwas naman ako, seryoso ba siya? Kasi hindi ako naniniwalang matatanggap ako ng ganun kadali ng parents niya. Sinong matinong magulang ang papayag na saluhin ng kanilang anak ang responsibilidad ng ibang lalaki. "Iniinvite ka nga nila na mag lunch sa bahay this coming Sunday e. O diba, welcome kayo agad sa family naming."

"What? Ganun lang nila kadaling natanggap?" Hindi pa rin talaga ako makapaniwala, parang hindi totoo , parang panaginip. Kung totoo nga ang sinasabi ni Lawrence, napakabait at maunawain naman ng pamilya niya. Yung mga ganung klase ng tao ang mahirap hanapin sa panahon ngayon. Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na napakayaman ng pamilya ng boyfriend ko diba? Ang buong akala ko lahat ng mayayaman ay matapobre, akala ko lahat ng mayayaman mapang mata sa kapwa, at akala ko lahat ng mayayaman ay ayaw ng dungis sa kanilang pangalan. Ganun kasi yung mga napapanood ko dati sa mga teleserye e. but this is not a teleserye right? It is reality.

"Babe! Mabait ang parents ko. At susuportahan nila ako kung ano mang bagay na makakapagpasaya sakin. And you are my happiness, kaya natanggap din nila agad ang desisyon ko. Di ka ba masaya?"-LAWRENCE

"Masaya! Masayang Masaya! Hindi lang talaga ko makapaniwala na ganon lang kadali para satin ang lahat."-JHANE

"Wag ka na masyado magisip ng kung ano ano. Relax relax muna tayo. Let's watch a movie later? Sama natin yung mga bagets?"-LAWRENCE

"Wala na talaga akong mahihiling pa sa buhay, lahat ng taong mahal ko at kailangan ko ay kasama ko na ngayon."-JHANE

"Kasi daw mabait ka at saka loyal, kaya binigyan ka ng gwapo tsaka mabait na boyfriend."-LAWRENCE

"At napaka humble pa!" Muli ay tawa nanaman ako ng tawa. Basta talaga kasama mo si Lawrence walang bad vibes. Lahat puro goodvibes lang.

Thank you ulit sa mga nag votes, nagcocomment, nag pa follow sakin at nag babasa ng story na 'to.

@samsungchinina143

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon