MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 8

22.5K 360 10
                                    

Jhanes Pov.
Pinunasan ko ang bibig ko pagkatapos kong magsuka sa banyo. Ilang linggo n akong ganito. Pag naaamoy ko ang kanin parang bumabaliktad ang sikmura ko.

Minsan sumasagi sa isip ko na baka buntis ako. Pero agad ko namang naalala na dinalaw ako 2 linggo na ang nakakaraan. Baka hindi maganda ang bigas namin ngayon kaya ako nagkakaganito.

Napabalikwas ako sa pagkakaupo ng maybiglag nag doorbell. Baka si mommy isabel na yon. Damn, nakalimutan ko ng sunduin si baby jarred.

"Ma, I'm sorry nalimutan ko pong sunduin si andrei, medyo masama po kasi ang pakiramdam ko." Niluwagan ko ang pagkakabukas sa gate para makapasok ang biyenan ko sa loob.

"It's okay iha. Kung wala nga lang akong importanteng pupuntahan ngayon baka hindi ko pa isoli itong si baby andrei." Sagot niya ng makaupo na siya sa sofa.

"Ma, sandali lang po ikukuha ko lang po kayo ng maiinom."

"Okay."

"You looked stressed. Haggard na haggard ka. Sabi ko naman kasi sayo mag hire ka ng maid para may makatulong ka sa pag aasikaso sa bahay nyo." Sabi niya habang sinisipat ang itsura ko.

"Hindi po kasi kami komportable na may ibang tao. Tsaka kaya ko pa naman po." Hayy mommy isabel kung alam mo lang ang totoong dahilan ng pagiging haggard ko.

3 days umabsent ang magaling kong asawa, at sa loob ng tatlong araw na yun ay nakakulong lang kami sa loob ng kwarto. Paano ba naman ayaw niya akong tigilan. Kahit hapong hapo at nanlalambot na ko sige pa din siya sa pag arangkada. Kung di siya magugutom at mapapagod hindi siya hihinto. Sabi ko nga ay magbigay siya ng info sa office para hindi siya ma AWOL but he just tell me that he can handle it. Makailang beses nga siyang tinawagan ng secretary niya e, nirereject niya ang tawag, o kaya'y papatayin niya ang phone niya. Para daw hindi kami maistorbo!

"You looked stressed pero tumataba ka. Iba din ang korte ng katawan at mukha mo, are you pregnant?" Tahasang tanong ni mommy isabel.

"I doubt it ma, dinalaw pa po ako two weeks ago."

"Malay natin? May ganun namang buntis, I suggest that you should visit a doctor to confirm."

"Sige po ma, nagiging mapili po kasi ako sa pagkain at nagiging matakaw kaya baka nga po siguro."

"Great! I'd love to come with you but I have a very inportant person to meet. Kaya I'm sorry iha."

"It's okay ma, kaya ko naman po mag-isa. You dont have to worry"

"Okay, be safe. I have to go now."

Nang makaalis si mommy isabel ay umakyat na ako at inilagay sa crib ang natutulog na si andrei. Naligo na ako at nagbihis.

Naexcite ako kung buntis ba ako kaya napagdesisyunan ko na pumunta na sa doctor para makumpirma ang hinala namin ni mommy isabel.

Iniwan ko muna si baby andrei sa kaibigan kong si mary. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na clinic.

Habang nag hihintay ako na tawagin ang pangalan ko ay nagmuni-muni muna ako. Iniisip ko ang magiging reaksyon ni jarred if possitive ang result ng test ko. Siguradong matutuwa siya. Gusto niya kasi ng madaming baby. 2 months pa mga lang mula ng ipanganak si andrei kinukulit na niya ako na sundan na daw namin. Nakakatuwa talagang balikan ang nakaraan.

"Mrs. Javier, kayo na po ang next."

Tumayo na ako at pumasok sa clinika ng doctora. Tinanong niya lang ako kung ano ba ang nararamdaman ko, kung kailan kami huling nagsiping ng asawa ko at kung kailan ako huling dinalaw.

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon