MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 24

21.5K 336 13
                                    


(BABY CRIES) Naudlot ang intimate moment namin ng umiyak ang aking baby girl. Buti na lang! Good job baby! Nagiwas ako ng tingin sa kanya at patakbong tinungo ang kwarto ko. Gaga ka talaga Jhane! Dapat sinampal mo siya kanina, hindi niya dapat ako hinalikan. Hindi niya na ko nirespeto sa sarili ko pa talagang pamamahay. Ngunit ang kabilang panig ng utak ko ay kinikilig sa naguumapaw na saya, He just confessed his feelings for me, hindi lahat ng tao kayang tanggapin ang babaeng katulad ko, at hindi lahat ng lalaki may lakas ng loob na umamin sa babae ng kanilang tunay na nararamdaman. Ngunit ang kabilang panig naman ng utak ko ay nagngingitngit sa galit, pakiramdam ko kasi pinagtaksilan ko ang asawa ko.

Ah basta! Hindi ako dapat maguilty dahil tapos na kami. Naguluhan na naman ako, sabi na nga ba at hindi ko dapat pinepressure ang sarili ko na makalimot.

"Baby? Anong problema? Are you hungry?" Kakausapin ko na lang ang baby ko kaysa maloka ako ditto sa kakaisip ng kung ano-ano.

Hinele-hele ko pa siya habang pinapadede ko siya. Di din nagtagal ay nakatulog na siya, ang bait-bait talaga niya, iiyak lang kapag nagugutom. Sana hanggang sa paglaki niya ay ganun pa din siya kabait para hindi ako mahirapan.

Ng mailapag ko na siya ay lumabas na ko para komprontahin ang talipandas na humalik sakin kanina. NGUNIT humihilik na pogi na lamang ang aking nadatnan, *SIGH* pinagmasdan ko na lang ang pagka amoamo niyang mukha, napakatangos ng kanyang ilong, makakapal ang kilay maging ang pilik mata. Close to perfection ika nga nila. Karapat dapat nga bang bigyan ng chance ang poging ito? Hindi na nga ba ko iiyak sa piling mo? Sana nga lahat ng sinasabi mo ay totoo,

Natatakot akong sumugal sayo lalo't napakamisteryoso mo, hindi ko mabasa ang takbo ng utak mo. Nadala na ko sa mga matatamis na salita at mga pangako. Ng dahil sa mga salitang binitawan ni Jarred noon ay nagkasugat sugat ang aking puso. Napakalalim na sugat na hindi ko alam noon kung paano ko sisimulang gamutin, wala akong alam tungkol sa pagkatao mo pero bakit sa hindi ko malamang dahilan ay tumibok ng mabilis ang puso ko? Bakit tila yata biglang nakalimot ang aking puso sa sakit na naranasan ko noon? Minamahal na nga ba kita? Ano man jan ang dahilan ay tanging puso ko lang ang nakakaalam.

Hinalikan ko sa pisngi ang lalaking gumulo sa payapa kong pag iisip. Tinungo ko na ang daan papunta sa aking kwarto ng may kiming ngiti sa mga labi. Bukas ko na lamang siguro pagiisipan ang lahat. Agad akong iginupo ng antok at tuluyang napadpad ang aking kamalayan sa mapayapang lugar.

Bigla akong naalimpungatan ng maramdaman kong nanunuyo ang aking lalamunan, agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at sinilip ang aking munting anghel.

Nawala ang antok ko ng magisnang wala sa kuna ang aking baby girl. Hindi na ako nagaksaya ng oras at nagmamadali akong tumakbo palabas ng kwarto.

Nakahinga ako ng maluwag ng Makita ko si Lawrence na karga-karga at pinadedede sa bote ang bata, nanginginig ang aking kalamnan sa pagaakalang nawala na ang aking anak. Hindi naman niya ako napansin at nilaro laro niya lang ang kamay ni Samantha

Unti-unti akong napangiti,imagine? Si Lawrence na restaurant owner and manager marunong pa lang mag baby sit? Hayyy Lawrence, ano ano pa ba ang mga bagay na hindi ko alam tungkol sayo?

Nang maubos na ni Samantha ang gatas na nasa bote ay dahan-dahan na siyang tumayo. Ibabalik na siguro niya si baby Sam sa kwarto, tulog na kasi ulit ang bata. "AY MAGANDA!" Halos mapatalon siya sa gulat ng makita akong nakatayo ilang dipa lamang ang layo mula sa kanyang kinatatayuan.

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon