MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 19

25.4K 389 100
                                    

Jhane's POV

Ang tagal ko ng nag-aantay dito sa tapat ng restaurant, kung saan ako nag tatrabaho. Iniintay ko ang boss ko na inaaya akong mag dinner pero hanggang ngayon ay wala pa. Nakatulog na nga ang anak ko sa mga bisig ko pero wala pa din ang inaantay ko.

So sobrang pagod at ngalay na nararamdaman ko, napagdesisyunan ko ng umuwi. Humihilab ang tiyan kaya hirap na hirap ako sa paglalakad. Hindi ko naman maaatim na gisingin ang anak ko sa kahimbingan ng kanyang tulog.

Ang sakit sakit at ang hirap hirap. Palagay ko ay naglalabor na ako. Hindi ko na maihakbang ang mga paa ko, patindi ng patindi ang sakit, ngunit mas matindi ang aking desperasyon na maiuwi ang aking anak, at makapaghanda ng mga gamit sa paglabas ng baby ko.

Ganito pala kahirap ang maging single parent. Wala kang katuwang, salo mo lahat ang horap mula panganganak hanggang pagpapalaki. Ang palagi ko lang dasal ay sana ligtas ang aking panganganak. wala akong mapag-iiwanan sa aking mga anak. Natatakot ako, lalo na sa isiping hindi pa nila kaya ang mamuhay mag-isa.

Tila dininig naman ng diyos ang aking panalangin dahil huminto ang isang magarang kotse sa aking harapan. Lumabas ang nagmamay-ari ng kotse at laking pasasalamat ko ng mag alok siya ng tulong saakin.

"May problema ba iha?"
"M-manganganak na ho ata ako. " nangingiwi kong sagot sa kanya.

Hindi na siya nagdalawang isip, at walang tanong tanong tungkol sa personal kong impormasyon ay pinasakay niya ako sa kanyang kotse, at dinala sa pinakamalapit na ospital. Sa kabila ng sakit ay nakahinga ako ng maluwag. Diyos ko! Maraming salamat sayo.!

Lawrence POV
"Lawrence! Seriously? Ipagpapalit mo ako sa babae na yun? Isang walang pinag-aralan na may asawa at dalawang anak? Anong kabaliwan ang pumasok sa isip mo?" Nanggagalaiti ang kasintahan ko na malapit ng matawag na ex-kasintahan ko sa panghahamak sa pagkatao ng magiging future kasintahan ko. Ahh! Nakakabaliw na talaga ang bunganga niya! Nakakairita na nakakabwisit na ewan! "Gusto ko ng bago. Yung mas mabait, mas mahinhin, mas..... basta, yung higit sa'yo." Hindi ko na alam kung paano ko ipapaliwanag sa tao na 'to ang gusto kong mangyari. Makitid kasi ang utak niya at paniniwalaan niya lang ang gusto niyang paniwalaan.

"Bakit?" Mangiyak-ngiyak niyang tanong saakin. "Dahil ba mas bata siya? Mas sariwa? O dahil meron siyan-" I cut her off bago pa kung ano ang lumabas sa makasalanan niyang bibig. "OO! OO! Tama lahat ng iniisip mo. I want to try something new. I'm sorry."

I left! Parang hindi ko kayang marinig yung hagulhol niya. Baka bumalik lang ako sa kanya, at pag nangyari 'yon masisira lahat ng plano ko pag nagkataon. Kailangan mapasaya ko si dad. Kailangan maging masaya sila ni mom. Makakaya ko pang makita ang dissapointment sa mata ng ngayon ay dati ko ng kasintahan, kaysa makita ito sa mata ng aking mga magulang.

Mula pagkabata ko, ayoko ng nadidissapoint saakin sila mommy at daddy. Gusto ko laging ako ang best sa paningin nila. Gustong-gusto ko yung pakiramdam na pinagmamalaki nila ako sa iba.

Ayokong maging isang dissapointment. Si Jhane ang- "Tang ina! Anong oras na ba?" Dali-dali akong napatingin sa relos ko. Shit na malagket! Almost 12 midnight na pala! "Nyii!!! Lagot ako kay Jhane nito! Ang hirap pa naman ayain ng babae na 'yon mag dinner"

Nagmadali na akong magdrive pabalik sa restaurant ko. Tang ina mo lawrence! Umiskor ka pa kasing hayop ka! Ayan tuloy na late ka. Saan ko ngayon hahanapin si Jhane.

Jarred's POV
Kahit na ayaw ko ay napilitan akong tanggapin ang alok ng kapitbahay namin dito sa america. Paano ba naman kasi panay ang parinig ni Jullie.

Naging madalas ang pag-aaway namin ni Julie. Umabot pa nga sa punto na nakikipaghiwalay na siya saakin. Tang ina! Siyempre hindi ako pumayag. Wala na kong babalikan kaya sa ayaw at sa gusto namin kailangan naming magsama habang buhay.

Hindi pa man ako natatapos sa pinahuhugasan saakin ay nagtambak nanaman sila ng panibagong set ng hugasin na plato.

Ano ba namang buhay ito! Wala naman akong ibang masisi kundi sarili ko. Hindi naman mangyayari ito kundi dahil sa kalandian ko e.

Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ng magandang si Jhane. Dati rati, may taga hugas ako ng plato, ngayon ako na ang naghuhugas ng plato. Dati rati may taga silbi ako. Ngayon naman ako na ang nagsisilbi sa ibang tao.

Ngayon lang talaga nag sisink in sakin kung anong sinayang ko.

Pero wala ng panahon para pagsisihan ko pa. Nagyari na e. Nandito na ko. Gagawin ko na lang ang mga bagay na hindi ko nagawa sa dati kong asawa. Maninindigan na ako, maninindigan na ako sa aking desisyon.

Napag desisyunan ko na, aayusin ko ang gusot ko kay jullie, kung anong mga hindi ko nagawa noon ay gagawin ko na ngayon. Kung anong pagkukulang ang nagawa ko noon pupunuan ko ngayon. Hindi na nga lang kay Jhane. Pero atleast makabawas man lang kahit konti sa aking kasalanan. Mabawasan man lang ang bigat ng aking kalooban. Hindi ako tumitigil sa pagdadasal na sana ay nasa maayos na kalagayan ang aking magiina.

Hindi na nga akonakakatulog sa gabi dahil sa walang tigil na pagtahip ng aking dibdib sa labis labis na kaba sa kalagayan ng aking mag-iina. Mag isa lang si Jhane at anumang oras ay iluluwal na ang aking anak.


Para akong timang dito, habang naghuhugas ako ng plato. Wala akong kaalam-alam kung ano ng kalagayan ng mag-iina ko. Ni hindi ko nga alam kung anong gender ng bunso ko kay Jhane e!

Hindi ako karapat-dapat na matawag na ama, ni hindi nga ata ako papasa na matawag na lalaki e!

DIYOS ko! Kayo na pong bahala sa pamilya ko. Wag sana ninyo pahintulutan na may mangyaring hindi maganda sa kanila. AKO NA LANG PO! KAHIT AKO NA LANG PO ANG PARUSAHAN NINYO!

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon