MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 34

21K 296 41
                                    



Jhane's POV

Kasalukuyan naming hinihintay ang attorney na kakilala ni Lawrence. We decided to file a petition for declaration of nullity/annulment of marriage. Hihingi kami ng legal advice para malaman naming ang proseso ng annulment.

Tama si Lawrence, ngayong nandito na si Jarred, mas magiging madali na ang pagpapawalang bias ng kasal naming dalawa. Ito naman talaga ang tama, ayoko na din kasi yung pakiramdam na nahihiya ako dahil may asawa akong tao at ibang lalaki ang kaniig ko sa kama. Ayoko ng maramdaman yung hiyang lumulukob sakin sa tuwing kaharap ko ang pamilya ni Lawrence.

"Good morning Lawrence, sorry for keeping you waiting. What can I do for you and for this beautiful lady?"

"It's okay Mr. Manalo, this is my girlfriend Jhane." Kinamayan ko ang may edad na lalaki at masuyong nginitian.

'Okay? Nice to meet you Ms. Jhane. So, what can I do for the both of you? Gagawin nyo ba akong ninong sa kasal?" Nagkatawanan kaming tatlo. Medyo gumaan ang hangin sa loob ng silid na aming inookupa.

"No, not yet. We need your help Attorney. As in legal help." Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Lawrence. "Okay, anong klaseng legal help ba ang kailangan ninyo?"

"Gusto ko na po sanang gawing legal ang paghihiwalay namin ng asawa ko. Gusto ko lang po sanang malaman ang mga posibleng paraan para maiannul na ang kasal namin." Ako na ang sumagot sa tanong ni attorney. Tila siya nagulat ngunit panandalian lang. he started discussing. "Alright. First kailangan muna kitang tanungin tungkol sa ilang personal na bagay. Para malaman ko ang mga hakbang na pwede nating gawin. Ano ang rason kung bakit ka humantong sa ganitong desisyon?"

Medyo nagaalangan akong sagutin siya, ngunit kung ito ang paraan para makawala na ako kay Jarred ay gagawin ko. "Inabandona po kami ng asawa ko at sumama siya sa ibang babae. Ngayon po ay napagdesisyunan na namin ni Lawrence na magpakasal."

"Hija, mayroon ka bang ibidensya o dokumentong magpapatunay sa mga alegasyon mo ukol sa iyong asawa? Although kahit mapatunayan mong nangaliwa ang asawa mo, hindi icoconsider ng judge ang ground na concubinage. Abandonment on the part of the husband is a possible ground but if, and only if your husband will say that he is guilty of the certain crime. I'm warning you hija. it is not easy, kakalkalin ng judge ang nakaraan nyo at masasagasaan ang anak ninyo. I want you to think about this carefully, seek for psychiatric help and attend a session for marriage counselling. Other than that it will cost you a lot of money, getting out of marriage is more expensive than getting one. Call me when your decision is final. Prepare yourself 'cause it's going to be a tough battle, not just for you and for your husband bul also for your child or children."

Nanlumo ako sa mga natuklasan ko. Alam kong mahirap ang proseso ng annulment, pero mas mahirap pa pala kaysa sa inaakala ko. "Thank you attorney we'll see you soon." Lutang ako ng magpaalam na si Lawrence kay Mr. Manalo. "Anytime Mr. Cruz."

Umalis na kami at nananatili pa din akong lutang. "Ma, we both know that it's not going to be easy right? We expected this." He hold my hand and he started the engine of the car. "Hindi ko lang alam na ganun pala kahirap. Sabi ni Attorney maapektuhan daw ang mga bata. Parang ayoko na lang ituloy, ayokong pagdaanan ito ng mga anak ko."

"What? Come to think of it, para din naman ito sa mga bata, mas maguguluhan sila kung hindi natin ipapawalang bias ang kasal nyo. Malilito sila kung bakit kasal kayo ng ama nila pero may boyfriend ka. See? Kahit anong piliin mo ang mga bata pa din ang dehado. Biktima lang sila ng mga pangyayari. Kung gagawin nating tama ang lahat, magiging tama din ang mga bagay bagay sa mata ng mga bata habang lumalaki sila. Just trust god. Ako, ikaw at ang mga bata, haharapin natin to ng magkakasama at walang bibitaw. Everything will be alright."

Siguro nga, maybe I just need to trust god about this....

Jarred's POV

Kanina pa ako nagaantay sa labas ng pabrika na pinagtatrabahuan ni Jhane, pitong oras akong masugid na nag antay para lang makausap ko siya. I believe that there's still hope for us, kaya pa naming ayusin ang problema namin. Lahat naman ito ay pagsubok lang sa aming mag asawa.

Nang matanaw ko na ang pigura niya ay nilapitan ko na siya. "Love? Can we talk? Please kahit sandali lang." I just need a minute to make her understand that our marriage worth a second chance. We're married and I am the father of her children.

"Jarred naman. Wala na tayong dapat pagusapan. Baka malaman pa ni Lawrence 'to kung ano pang isipin non." She looks irritated, araw-araw kasi akong nandito at nagiintay sa kanya. "What the hell? I am your husband, I have every rights to talk to you anywhere and anytime that I want to." Napipika nako sa kakasingit niya sa pangalan ng lalaki na 'yon.

"You're unbelievable! Alam mo wala ng patutunguhan 'tong paguusap na 'to." She walk away, but my urge to talk to her wont let her leave me just like that.

Binuhat ko siya papasan sa aking balikat at isinakay sa aking kotse. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala namang naglakas ng loob na tumutol. Hindi ko siya kikidnapin, gusto ko lang talaga siya makausap kahit na sandali. Gusto ko lang na marealize niyang dapat namin ayusin kung ano man ang dapat naming ayusin.

Dinala ko siya sa isang beach resort, kahit anong pumiglas niya upang makababa sa kotse ko ay hindi umubra. Kahit halos mabugbog ang kanang braso ko sa kakahampas niya ay hindi ko siya hinayaang makababa sa kotse. We need this.

"Jarred! Please naman, kailangan ko ng umuwi, baka hinahanap na 'ko."

"Gusto lang kitang makausap kahit sandal. I'll explain."

"No need. Tapos na 'yon, tapos na tayo. Hindi ko na kailangan ng paliwanag mula sa'yo."

"NO! give me a chance. This is for our children, ayusin natin 'to. Please bumalik ka na sakin. Ano bang gusto mong gawin ko? Gagawin ko lahat ng gusto mo."

"Wala ka ng kailangang gawin. Hindi ko na talaga kayang bumalik sayo. Intindihin mo naman ako."

"Pano? Hindi kita maiintindihan, kahit ilang milyong ulit mo pang ipaliwanang hindi ko maiintindihan. Kung gusto mo saktan mo 'ko, sampalain, tadyakan KAHIT ANO. Kahit ano tanggapin mo lang ulit ako."lumuhod ako sa buhanginan, wala na akong paraang maisip. Hindi ko na alam ang gagawin ko, walang tigil sa pag ago sang mga luha ko. "We can be happy. Promise wala ng third party na magaganap. I will give you the privilege to kill me kung sakaling maulit ang pambababae ko. Hindi na talaga please, please please. Sakin ka na lang ulit."

We both cried hard. Kung hindi na niya ako matatanggap, hindi ko na talaga alam ang mangyayari saakin. "I cant Jarred. I cant. "

Hindi na ako magkandatuto sa paghagulgol. Everything stops even my heart beat........





Okay! Updated. May pasok na bukas kaya baka three to four days ulit ang update.

@samsungchinina143

4,"h 7

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon