MY HUSBAND'S MISTRESS-CHAPTER 50

950 17 4
                                    

JHANE

Maaga akong nagising at napagdesisyunan ko na ako na ang magluto, gaya nang napagusapan ako na ang bahala sa mga gawaing bahay habang si Jarred ang nag tatrabaho.

Habang dumadaan ang mga araw ay nagiging maayos naman ako pati ang damdamin ko, hindi ko na masyadong dinadamdam ang mga nangyari dahil ako lang din ang kawawa, ang dami kong bagay na napapabayaan na higit na mas importante.

Gabi gabi ko na nga lang pinagdadasal na sana mawala na ang bigat sa puso ko kasama na ang galit na lalong nagpapahirap sa sitwasyon ko. Ibang klaseng sakit ang dinulot saakin ni Lawrence, wala kasi akong sign na nakita na iiwan na pala niya ako, o baka meron pero na disregard. Wala akong maisip na dahilan bakit niya ako iniwan, wala siyang ipinakita saakin kundi puro kabutihan, pagmamahal at pagpapahalaga na ni minsan hindi ko naranasan sa dati kong asawa.

Sa kabila ng galit nandun pa din yung pagmamahal, naging napakabuti din kasi niya sa akin pati sa mga anak ko. Siya ang nagsalba sa aming magiina. Pero bakit pa niya ipinaramdam lahat ng yon kung babawiin din pala niya lahat sa isang iglap? Wala man lang rason kung bakit, sa ikalawang pagkakataon iniwan ako kasama ng maraming tanong, Ano ba ang kulang saakin at lahat sila iniiwan ako. 

Once again nandito nanaman ako sa pagkekwestiyon ng halaga ko, kung dalawang beses na itong nangyari ay marahil ako nga ang may problema. Buong akala ko sapat na lahat nang pag-a-alaga at pagmamahal na binibigay ko ngunit hindi pa pala, ang hindi ko maunawaan ay kung bakit kulang gayong ibinigay ko na lahat-lahat sa akin. Ganun ako magmahal e, lahat lahat ibibigay ko to keep them, yun ba ang mali sakin? Dapat ba sakto lang? Paano ba ang sakto?

Nasasaktan nanaman ako, mas mahirap ang sitwasyon ko ngayon dahil wala talaga akong maisip na dahilan bakit niya ako iniwan, kahit noong mga araw na malapit na ang kasal ay wala akong napansing kakaiba. Ano ang nangyari sa kanya na nagawa niya kong iwan at ipahiya sa mismong araw nang aming kasal? Hindi padalos dalos sa desisyon ang pagkakakilala ko sa kanya o kilala ko ba talaga siya? Totoo ba lahat ng pinakita niya sa aming mag-iina?

Kung hindi yun totoo ay bakit? Bakit sa lahat ng tao ay ako ang napili niyang pagtripan? At talagang nag aksaya pa siya nang panahon na paniwalain ako na mahal na mahal niya ako. Pakiramdam ko ay pinaglaruan niya lang ang aking damdamin, pinaglaruan niya ang buhay naming mag-iina.

Ang sakit-sakit lang isipin na sa ganito lang din pala ulit hahantong ang lahat, napakababa nang tingin ko sa sarili, ganun lang talaga siguro ang papel ko sa mundong ito ang gamitin, pagsawaan at itapon na parang basahan.

Bakit? Bakit ganun lamang kadali akong itapon at iwanan? Hindi naman ako masamang tao, buong buhay ko naging mabuti ako sa mga taong nakakasalamuha ko, hindi ako kailanman gumanti naging masama ka man sa akin. Ano pa ba ang kailangan kong gawin at ibigay para patunayang karapat dapat akong mahalin? Kumpletong pamilya lang naman ang gusto ko, kuntento ako sa kung ano man ang kaya at hindi kayang ibigay ng taong mahal ko. Hindi ako mapaghangad sa salapi o materyal na bagay, yun lamang ang gusto ko pero bakit tila napakahirap makamit.

Bakit noong halos abot kamay ko na ang pangarap ko biglang binawi? Ipinalasap lang sakin sandali ang maging masaya at binawi agad bago ko pa maenjoy ng sobra. Hiling ko lang sa diyos na sana tulungan na niya akong masagot lahat ng bakit at makapagpatawad para mapalaya ko na ang aking sarili sa pait at sakit.

Alam kong hindi ibibigay ng diyos ang pagsubok na ito kung hindi ko kakayanin, ano man ang dahilan niya bakit ipinaranas niya itong muli saakin ay nais ko pa din magtiwala sa kanya dahil siya  ang higit na mas nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa akin.

Nagawa kong magpatawad noon, alam kong magagawa ko ulit ngayon. Sana lang ay makapagusap naman kami ng maayos ni Lawrence para tapusin na lahat-lahat, nahihirapan kasi ako gayong hindi ko alam ang naging dahilan niya.

Deepdown umaasa ako na natakot lang siya, umaasa ako na kakatok siya sa pintuan any minute para magpaliwanag, humingi ng tawad at bawiin kami. But I can only hope base sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi siya ganun kababaw na tao para iwanan ako dahil sa natakot siya sa pang habambuhay na commitment. Hindi isang tulad niya ang aatras sa pangako.

"You're up early" nabungaran ako ni Jarred na naghahain na sa lamesa. "Kain na tayo" pupungas pungas pa siya, tila 'di makapaniwala sa nasasaksihan niya. "I'll get the kids.

Kumportable naman na ako sa presensiya ni Jarred, hindi na katulad ng mga nakaraang araw na talagang iwas ako sa kanya gawa na din siguro ng kahihiyan. Nahihiya ako sa sinapit ko na palagay ko hindi ko desserve, sa pangalawang pagkakataon iniwan nanaman ako.

Napapaisip ako kung anong tumatakbo sa isip ni Jarred, siguro iniisip niya na wala siyang kasalanan. Siguro navalidate ang kung anong reason niya ng iwan niya kami. Dahil nasaksihan niya mismo ng dalawang mata niya na iniwanan ako ulit. Pinagtatawanan siguro niya ako while thingking 'ha! I was right about you all along. Tama ang desisyon kong iwanan ka because something's really wrong with you.' Ganun siguro ang tumatakbo sa isip niya at kaya niya lang ako gusto ngayon ay dahil sa palagay niya madali niya na lang akong makukuha at mamanipula.

Sabagay wala naman talaga akong ibang mapupuntahan at malalapitan maliban sa kanya, ang hirap na kasing magtiwala dahil kahit nga mismong mga taong malapit sa puso ko binigo ako, ano pa kaya ang mga tao na hindi ko kilala? Kung hindi ako magpapakabait ay baka sa kalsada kami pulutin na mag iina. 

Kaya't bago mangyari yun ay aayusin ko na lang ang relasyon ko sa dati kong asawa, walang libre sa mundo kaya gagawin ko lahat ng kaya kong gawin upang mapagaan ang buhay ni Jarred kahit man lang sa simpleng pag maintain ng kalinisan sa bahay niya. Mas madali na kasi sakin pakiharapan siya dahil alam ko sa sarili ko na wala na akong nararamdaman para sa kanya. Para na lang siyang isang dating kakilala na kailangan kong muling kilalanin dahil nalimot ko na kung sino siya dahil sa tagal nang panahon na hindi kami nagkasama.

Healing process can be brutal pero alam kong kakayanin ko naman ito sa tulong ng mga anak ko, sila na lang naman talaga ang rason kung bakit ang pagsuko ay wala sa aking diksyonaryo.

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon