My Husband's Mistress-Chapter 51

1.6K 25 8
                                    

Jarred

Magaan ang gising ko ngayong umaga, payapa at kumpleto. Wala na akong mahihiling pa dahil kumpleto ang pamilya ko, parang katulad lang dati, ang kaibahan lang ay apat na kami ngayon. Hindi ko inakalang mangyayari at mararanasan ko pa ito, nawalan na kasi ako nang pag-asa ng malaman ko na ikakasal na si Jhane.

Isinuko ko na lahat ng pangarap ko nang makita ko siyang masaya habang naglalakad sa altar, parang natapos na ang buhay ko ng masaksihan ko 'yon. Gumuho lahat ng pangarap ko at punong-puno ng inggit, pait at pagsisisi ang puso ko. Saakin siya e, saakin siya noon pero dahil gago ako. Pinagpalit ko siya sa panandaliang kaligayahan, iniwan at pinabayaan ko siya sa mga panahong mas kailangan niya ako. 

Walang minutong lumipas na hindi sila ang iniisip ko, nauubos ang buong araw ko sa pag re- reminisce nang mga alaala ko nang kumpleto pa kami at masaya. Paulit-ulit kong tinatanong sa diyos madu-dugtungan pa ba ang mga ala-alang 'yon o kung hanggang doon na lang ba talaga. Habang lumalapit ang araw ng kasal ay mas numinipis ang aking tyansa, kahit sabihin pa ng labi ko nang paulit-ulit na gusto kong maging masaya si Jhane sa piling ni Lawrence ay taliwas naman ang sinasabi ng puso at isip ko.

I never wanted their love to fall apart or to end the way it did. I just hope na sana kahit konti maisip ni Jhane na ako pa din ang lalaking minahal niya noon. She once saw me as someone she wanted to spend the rest of her life with, I'm still that guy; the only difference is that I'm armed with lessons learned from my mistakes in the past. 

It hurts but I have to come to terms with the fact that she no longer views me as the partner she wants to spend the rest of her life with, the one she loves and cares about. I'm just Jarred, her children's father. Kahit alam ko namang malaki ang posibilidad na hindi mag work out ang relasyon namin, I'm still willing to try. Hindi man ako magtagumpay ay handa na ako, at least I tried! Isang bagay na matagal ko na sanang ginawa. Kung naging mas matatag lang sana ako sa temptasyon noon di sana'y walang Lawrence na lumitaw sa pagsasama namin.

I don't hate Lawrence, hindi ako papantay sa kung gaano siya kabuting tao. Pinakain niya ang magiina ko nang mga panahong iniwan ko sila dahil sa pagiging makasarili ko, binigyan niya ng masisilungan at seguridad mula sa delikadong mundo. Tumayong ama sa aking mga anak at ginabayan sila ng tama. Kung ako pa din ang dating Jarred, hindi ko kailanman sasabihin 'yan pa-tungkol kay Lawrence. Pero tapos na ako sa pagiging makitid at barumbado, hindi ako makaka move forward kung isisisi ko lahat ng pagkakamali ko sa mga taong nakapaligid sakin.

Walang ginawang masama ang lalaking 'yon bukod sa pananakit sa damdamin ni Jhane, wala ako sa posisyon para husgahan siya, lalong wala akong karapatan na husgahan ang naging desisyon niya. Kung susumahin, walang kapantay ang pagpapahirap at sakit na dinanas ni Jhane saakin.

Kaya't lubos kong ipinagtataka kung anong kabutihan ang nagawa ng isang makasalanang tao na tulad ko para pagpalain ako ng diyos ng isa pang pagkakataon na patunayan kong muli ang aking sarili kay Jhane at sa mga anak ko? Alam kong hindi nagkakamali ang diyos ngunit sa kalagayan ko ngayon ay nagdududa ako kung tama ba na ipagkaloob sakin ang ganito kalaki na biyaya?

"I have to go, baka ma-late na ako." Nagpaalam na ako sa mga bata pati kay Jhane bilang respeto lang dahil kasama ko sila sa bahay, kaswal lang dahil ayoko naman masyadong madaliin ang mga bagay. Ayokong mabigla siya kung aakto ako agad na parang mag asawa kaming muli. Tumango lang naman siya at nagpatuloy na sa pagligpit ng aming pinagkainan.

Baby steps na muna, hahayaan ko na lang mangyari ang mga bagay. Ayokong ipilit ang sarili ko sa kanya, this time hahayaan ko siya iproseso kung may natitira pa siyang damdamin sa akin. Ibibigay ko sa kanya ang desisyon kung saan niya gustong dalhin ang relasyon naming dalawa.

This time gusto kong marealize niyaa na mahalaga ang damdamin niya at may halaga ang opinyon niya. Ayokong bumalik lang kami sa dati na sunod-sunuran siya sa mga gusto ko. Gusto kong matutunan niyang pahalagahan at mahalin ang kanyang sarili, gusto ko na matuto siyang manindigan para sa karapatan niya. Ayokong umikot lang muli ang mundo at buong buhay niya samin, I want her to be more than JUST a wife.

Because she could be more, nagkulang lang siguro ako ng suporta nuon kaya nagsettle na lamang siya sa pagiging asawa at ina. Hindi na nahubog ang iba niya pang talento na pwede sana niyang na-gamit para magkaroon ng career aside from being a Mom.

Naisip ko lang, paano siya nakatagal sa ganoong klase ng pamumuhay? I prevented her from developing and reaching her goals. Ikinulong ko siya sa marriage namin at inubos ko siya, I took everything and gave her nothing but disappointment and heartbreak. But still every day, she welcomes me with a smile. mukha siyang masaya at kuntento. 

Napaka-tatag ng babaeng 'yon. sa lahat ng ginawa ko ay willing pa din siyang bigyan ako ng second chance.

Pasado alas otso ng umaga ay nakarating na ako sa opisina, dahil payapa na ang puso ko ay madali ko lang natapos ang mga trabaho ko. Focused ako ngayon dahil sa mag-iina ko, ang isa pang nakakatuwa ay napakabilis lumipas ng oras, hindi ko man lng namalayan na alas sais na at uwian na. Nag drive ako sa kahabaan ng traffic habang nakikinig ng music. Excited ako umuwi every day dahil alam kong dadatnan ko ang mga anak ko at si Jhane. Araw-araw para akong nananaginip, nitong nakaraan lang parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Napakalungkot ng bahay ko nang mag isa lang ako, hindi tulad ngayon na puno ng halakhak ng mga bata ang bahay. 

Pag-uwi ko ay luto na ang ulam, dumiretso na ako ng kusina ang sinalubong ako ni Andrei ng yakap, binuhat ko naman ang dalawang bata saka hinalikan. Walang nang mas sasaya pa sa puso ko ngayon. Naabutan ko si Jhane na sinasalansan ang mga pinggan sa hapag. Inilapag ko si Samantha sa high chair at si Andrei naman sa upuan ng lamesa. Inagaw ko kay Jhane ang mga pinggan "Ako na, maupo ka na at ako na ang maghahain." Pinagsilbihan ko ang aking mag-iina, maliit na bagay pero ito ang namiss out ko noon.

"Kumusta ka sa opisina?" I can see that she's trying to work this out, she's starting to make small talk. I think it's a good sign. Magiliw kong sinagot ang tanong niya at ikinuwento ko ang buong araw ko sa opisina. Tinanong ko din siya kung kumusta sila sa bahay, matipid siyang sumagot pero okay na yun. pagkatapos naming kumain ay nagprisinta na akong ligpitin at hugasan ang mga pinagkainan. Knowing Jhane alam kong tatanggi siya pero nagpumilit pa din ako. Umakyat na sila para paliguan ang mga bata. 

Nang ma-ligpit ko na lahat ng kalat sa kusina ay lumabas ako sandali para uminom ng beer. Grabe ngayon na lang ako ulit naging ganito kasaya. Nakalimutan ko na kasi ang ganitong pakiramdam matapos ang mga nangyari.

Sumulpot si Jhane at umupo sa katabi kong upuan, hindi siya nagsasalita at nakatitig lang sakin. Dahil doon ay nakaramdam ako ng kaba, nahu-hulaan ko kung anong kailangan niya sakin ngayon, ngunit handa na ba ako? Handa din ba siya?

"Why?" Dahil sa tanong niya, gusto ko na lang mahimatay dito para makaiwas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon