MY HUSBANDS MISTRESS-CHAPTER 20

22.6K 313 24
                                    

Jhane's POV
        Masakit ang buong katawan ko,lalo na ang pang ibabang parte. Hindi ko din magalaw ang aking mga paa. Dulot marahil ng anesthesia.

        Hindi din nag tagal ay nilapitan ako ng isang nurse, "Magandang umaga po! ma'am nandito po tayo ngayon sa recovery room. Nakakaramdam po ba kayo ng pangangatal?" Tanong saakin ng nurse. dahan dahan naman akong tumango. "Okay, sige po cocoveran ko po kayo ng mainit na kumot. Normal lang po yan dulot ng anesthesia. Taas nyo po yung kanang paa ninyo kung meron na pong pakiramdam."

  Sinubukan kong itaas ang aking kanang paa ngunit hindi ko kaya. "Okay po, wala pa din po kayong pakiramdam, you'll stay here for another hour." Pagkatapos niyang palitan ang aking dextrose ay umalis na din siya.

      Ang huli kong naaalala ay tinurukan ako ng karayom sa likod. Cessarian delivery kasi ang ginawa saakin dahil msyado daw malaki ang bata.

          Wala akong kasama sa loob ng aking kwarto habang ako ay naglalabor. Hindi na din kasi pinapasok ang babaeng tumulong saakin dahil nga bitbit niya ang panganay kong si andrei.

       Hindi ako mapakali dahil kahit nagpakita ng kabutihan ang estranghera, hindi ko pa din siya kilala ng personal. Hindi ako mapakali lalo't usong, uso ngayon ang kidnapping at child trafficking. Dasal na nga lamang ako ng dasal sa diyos na sana ay nasa maayos na kalagayan ang aking anak.

       Hindi din naman nagtagal at inilabas na ako sa recovery room. Ganun na lamang ang tuwa ko ng salubungin ako ng babaeng estranghera.

       Tinanong ko siya kaagad king nasaan ang aking anak. "Iniuwi ko muna ang anak mo sa bahay ko. Wag kang mag alala nasa maayos siyang kalagayan. "

         Nakahinga naman ako ng maluwag. Salamat sa diyos at ginamit niyang kasangkapan ang babaeng ito para tulungan ako.

    "Maraming salamat po. Ano ho bang pangalan ninyo?" Tinanong ko na siya, kasi hindi ko na yun naitanong sa kanya kagabi. "Ako nga pala si lourdes. papadaan sana ako sa isang restaurant nung mapansin kita na tila may dinaramdam. Hindi nga ako nagkamali at eto nga at manganganak kana pala kagabi. Mabuti at napadaan ako, bakit ba kasi ngalalakad ka ng nagiisa? Bitbit mo pa ang iyong anak." Napangiti ako. Para kasing nagkaroon ako ulit ng nanay.

      "Ahm, Ija? Kung hindi mo mamasamain. Nasaan ba ang ama ng mga anak mo?"   Bigla akong nalungkot sa tanong niya. Tila naman naramdaman niya ang aking pagkailang."Kung hindi ka komportableng pag usapan, ok lang naman." Napabuntong hininga ako, buti naman at hindi niya ipinilit.

       "Mrs. Javier?  Ito na po ang baby ninyo." Naexcite ako bigla at tumibok ng pagkabilis bilis ang puso ko. Ito na ang matagal ko ng inaantay, kinakabahan ako na naeexcite na ewan! Inilagay ng nurse sa bisig ko ang baby ko. "Hi baby!" Maluha-luha ako ng masilayan ko ang aking baby girl sa kauna unahang pagkakataon. She looks exactly like me, her eyes, nose and evwn her lips. Hihihi! Parang mini me.

       I cant explain the happiness that I'm feeling right now. Paramg lahat ng mabigat na bagay sa dibdib ko nawala ng masilayan ko ang anghel na nasa mga bisig ko. Nawala ang mga tao sa paligid ko at si baby lang ang aking nakikita.

     "Mrs. Javier? Ano pong pangalan ang ilalagay ko sa birth certificate ni baby?" Tanong sa akin ng nurse. "Samantha miss nurse." Malapad ang aking pagkakangiti, bagay sa kanya ang pangalang samantha, matagal ko na itong naisip.

       "JHANE? Are you alright? Sorry na late ako ng dating kagabi" sising-sisi ang itsura ni Sir. "Okay lang po yun Sir. Wait, paano niyo po nalaman na nandito ako sa ospital?" Nagtataka kasi ako kung paano niya nalaman ang eksaktong lugar kung nasaan ako ngayon. "I called your number, then tita lourdes answered it and she tell me your exact location."

     "Lourdes?" nilipat ko ang aking tingin sa estrangherang nakatayo sa aking gilid. "Magkakilala kayo?"

   "Yes. Kaibigan siya ng mommy ko."
    "O-kay."

       Hayy ang liit talaga ng mundo sa dinami-dami ng taong tutulong sakin, yung may kaugnayan pa talaga kay lawrence? Di yata't masyado naman ang paglalaro ng tadhana saakin?


Galit ako kay Jarred! muntik na kaming mapahamak na mag-iina dahil sa kanya. Sana kasi kung hindi naman siya seryoso saakin hindi na sana niya ako pinaasa. ako naman itong si gaga, nag antay kahit alam na alam ko naman sa sarili kong di na siya darating! Ito nanaman ako, sabi ko na nga, hindi dapat ako nag aassume.


Hindi ko na siya kinausap at nanahimik na lamang ako sa isang tabi, parang manhid naman siya at hindi niya nararamdaman na hindi ko gusto ang presensiya niya sa loob ng kwarto. 


"Wala ka bang ibang gagawin?" Sinigurado kong mahahalata niya ang iritasyon sa aking boses.

"Wala naman! i cancelled all my appointments today, para maasikaso ko kayo."


Aba.t talaga naman. hindi pa din nakaramdam. Hayy bahala siya jan!

Ifinocus ko na lamang ang aking atensyon sa aking munting anghel. Ang hahaba ng kanyang pilik mata at napakatangos ng ilong, may kakiputan ang kanyang mapupulang labi. napakaganda sa aking paningin. Siya na yata ang pinakamagandang bagay na nakita ko sa madilim at malungkot kong buhay.

Ang mga anak ko ay parang  liwanag na nag bigay ng direksyon sa buhay ko. Alam ko na kung saan ako tutungo ngayon at kung paano ko haharapin ang buhay. Panibagong rason na ito para lumaban sa buhay.


"Jhane, I'm sorry! May biglaan kasing emergency kaya hindi ako nakapunta."

"Hindi na ako magkukunwari pa. Galit ako sayo! muntik ng mapahamak ang mga anak ko ng dahil sayo! Alam kong hindi na ako buo at nararapat para sa binatang katulad mo, pero hindi naman yata tama na paglaruan mo'ko."

"Please dont say that! Babae ka, at lahat ng babae, buo man o hindi karapat dapat na irespeto at mahalin! Mahal kita kaya nirerespeto kita!"


                 Kapwa kami nagkagulatan. At natahimik kaming pareho sa mahabang sandali.......



I'm so sorry! ang tagal ng update ano ho? anyway enjoy reading! thanks for waiting.


#samsungchinina143


MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon