6. Maddy's Bestfriend

2K 95 9
                                    

I just got out of the room and I accidentally spied Seven and Six in Five's room. The door was left ajar and so that's why I saw them clearly. The two younger morons are showing Five something.

"Hoy? Ano 'yan?" Sita ko sa kanila.

Napatingin silang tatlo sa'kin pero walang sumagot. When I looked at Five, he looked mad. His jaw clenched. Instead of answering my question, he took his things and exited the room. What the hell is going on?

"What the hell."

"Ah kuya Tres." Tawag ni Seven sabay abot ng phone niya. I creased my forehead but he gestured me to watch something on the screen. It's an edited video of Gabbi with Montemayor. This jerk!

"Kahapon 'yan kuya e. That video is edited. Nothing really happened. I was there. Binugbog ko nga 'yang gago na 'yan. If it weren't because of ate Gabbi, wasak na ang mukha ng gago na 'yan." Pagpapaliwanag ni Six.

I trust Gabbi. Sa sobrang bait at inosente non, walang kahit na sinong may matinong pag-iisip ang maniniwalang totoo ang nasa video.

"Kuya, 'wag mo na munang sabihin kay kuya Uno." Pakiusap ni Six na nagpaarko ng kilay ko. "Nakiusap si are Gab e. Siya lang daw ang magsasabi."

Umiling ako saka nagmamadaling kinuha ang susi ng kotse. Mabilis akong nakarating sa campus. Inabangan pa ako nina Cedric at Ansel. Ayon pa sa  kanila, nang makita nila ang video, alam na nila ang magiging reaksiyon ko. Syempre, lagi na rin silang nasa bahay kaya alam nila na para naring kapatid ang turing namin kay Gabriella.

"Baka nasa gym, bro." Suhestiyon ni Ansel.

Doon kami nagpunta para ipagpatuloy ang paghahanap sa gagong si Montemayor. Mukhang nagtatago talaga e. Kanina pa kami naghahanap sa kanya. But he's completely nowhere or perhaps there are people who's hiding him from us. Usap-usapan ang ginawa ng mga kapatid ko sa buong campus. Five was threatening everyone who hasn't deleted their copies of the video yet. Everyone knows that Five is the silent type, the one who never really cares. Kaya natakot talaga sila kasi nga iba magalit ang mga katulad niya.  Four on the other hand was rumored to have broken a few phones. May nahuli raw kasi itong nanonood ng video.

"Palmer? This area is restricted for you." Salubong ng mayabang na si Andrews. Galit parin talaga siya sa nangyari sa kanila noon nina kuya Uno. Dinadamay pa kami.

"Nasaan ang gagong kaibigan mo?" Diretsong tanong ko, hindi pinansin ang sinabi niya.

"Why would I tell you?" Nakangising tanong ng gunggong.

Pikon na kung pikon pero talagang matagal na akong nagpipigil na basagin ang malaking ulo niya. Ayun, siya ang napagbuntunan ko ng galit sa kaibigan niya. Kung wala lang sina Ansel at Cedric na umawat sa'kin baka hindi na makikilala ni Maddy ang mukha ng gago.

"Sabihin mo sa kaibigan mo na galingan ang pagtatago dahil sa oras na makita ko siya o ng kapatid ko, higit pa diyan ang gagawin namin sa kanya." Banta kong nginisian lang ng kumag.

"Come on dude. Let's get out of here." Bulong ni Cedric.

"Man, what was that? Mukhang hindi lang para kay Gabriella ang mga suntok na 'yon ah?" Panunudyo ni Ansel mayamaya pa. Kahit kailan talaga, walang nagagawang mabuti 'tong loko. "Bawing-bawi sa halos isang taon na pagseselos."Dugtong niya saka tumawa ng malakas. Sasapakin ko na sana buti nalang nagsalita si Cedric na talagang umagaw ng atensiyon ko.

"Shit. Kuya Uno's here."

Agarang tumingin ako sa direksiyong tinitingnan ni Cedric. Naglalakad si Uno papalapit kay Gabriella. Nang makalapit ay niyakap niya ito kaagad at hinalikan sa noo.

TAMING THE LIONESS °[KathNiel] ✓COMPLETEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt