Chapter Twentieth: THE ANSWER TO THE QUESTION

Start from the beginning
                                    

But I stayed calm and quiet. Not even bothering to look at her again.

Narinig ko naman ang mahina ngunit malalim na buntong hininga nito habang nakatuon lamang ang mga mata ko kay Sophia na taban-taban ngayon ni Madonna. Kasalukuyan ang mga itong nasa loob ng higanteng bubble na siyang isinasagawa ng clown na kinuha ko upang mag entertain sa mga batang bisita.

"You exceeded my expectation on this party. I must say, you did a job well done."

Gusto ko itong sumbatan. Gusto kong ipakita rito na galit ako at naiinis ako. Nais kong iparamdam rito kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon maliban na lang sa pananabik kong makasama ito. Kaya naman isang blangkong pagsulyap lamang rito ang aking isinukli at muling ibinalik ang tingin ko kay Sophia at Madonna na para bang wala akong naririnig mula rito.

"Ika.." Mahinang pagtawag nito ngunit tumatagos sa aking kalamnan. Tila may kuryente ring taglay ang boses nito't nakukuryente hanggang sa pinaka dulo-duluhan ng mga ugat ko. Ngunit hindi pa rin ako tumalima sa pagtawag nito.

Manigas ka. Tugon ko sa isipan ko.

Nang balakin kong humakbang ng paa papalayo rito ay mabilis pa sa alas otso ako nitong hinatak sa siko papaharap sa kanya. At dahil sa lakas at pabiglang paghatak nito sa akin ay halos mapasubsob naman ako sa dibdib nito.

Amoy na amoy ko tuloy ang mapang-akit na pabango nito. Tila nais ko tuloy yakapin ito ng mahigpit at amoy-amuyin na lamang.

Get your self a grip, girl. This woman left you hanging. Sita ng isipan ko.

Kaya naman kung gaano ako nito kabilis hatakin ay ganoon rin naman ako kabilis tumalima at lumayo sa pagkakasubsob sa kanya kasabay ng pagwaksi ng aking kamay mula sa pagkakahawak nito.

"Ano bang problema mo ha?!" Madiin ngunit hindi kalakasan kong tanong.

"Why are you acting like that?"

"Ako? O ikaw?"

"What?"

"Huwag mo nga akong what-what-in!"

"What's your problem?"

Imbes na sagutin ko ito sa huli ay buong lakas ko itong tinalikuran ngunit gaya ng ginawa nito kani-kanina lamang ay agad din ako nitong hinatak. Ngunit ngayon ay kasabay nito ay ang paghila nito sa akin papalayo mula sa bulwagan.

Napakalakas nito kaya naman hindi na ako nagpumiglas pa hanggang sa makarating kami sa di kalayuan ngunit walang ibang taong naroroon na pupwedeng makarinig o makakita sa aming dalawa.

"Now tell me what's your problem."

"Wala!"

"Oh c'mon. You won't be actingn like that if you don't."

"Fine! Ikaw! Ikaw ang problem ko. Ngayong alam mo na, masaya ka na?"

Then silence swallowed the both of us while I was panting in anger. Until in a very swift move she came to cross the space between us and just like the old time whenever her skin touches mine, my stomach begin to ache with millions of butterflies starting to get wild as like they were trying to find their way out from my aching tummy.

But I knew exactly what is about to happen again. And just before her lips started to land on mine I tilted my head sidewards preventing her to taste my lips. I felt her frustration but I was shock to feel her calmness at the same time.

I felt then her thumb gently caressing my cheek with her forehead resting on mine. My heart still has this loud drumming beat on my chest but on the contrary, I am wanting it.

SWEET SERENDIPITY (GxG) SPGWhere stories live. Discover now