For the whole day, I am processing purchase payments, recommending and locating books for customers, receiving and displaying inventory, and organizing book shelves and tables. Sometimes, I am also involved in placing, receiving and following up on special orders for customers, in person, online, or over the phone.

Chas is the Customer Service Representative and Sandro is the Bookstore Manager who hired me. Mabait si Sandro at hindi rin marunong magalit, kaya siguro nagtagal ako rito sa Paria. Madalas nga ay nag-aalala pa siya kapag wala ako sa sarili. Ibang iba si Sandro sa lahat ng boss ko na nakilala ko.

Dalawang taon lang naman ang tanda ni Sandro sa 'kin at magkaedad naman kami ni Chas kaya hindi gano'n kapormal ang pakikitungo namin sa isa't isa. Kaming tatlo 'yong tumatao sa branch ng Paria Bookstore dito sa Briena. 'Yong main building kasi ng publishing company ng Paria ay nasa Sendan city at medyo malayo iyon mula rito. Marami ng branch ang Paria Bookstore sa iba't ibang lugar tulad ng Vera city, Vera town, Trima town, De Grande town, Sendan city, Realgorez, Belle Ville at iba pa. Ang alam ko nga ay malalawak ang mga Paria Bookstore doon kumpara sa Paria Bookstore dito sa Briena. Lahat ng Paria Bookstores ay hawak ng Paria Publishing Company na nasa Sendan city. Hindi pa ako nakakapunta roon pero sana ay mapuntahan ko rin ang lugar na 'yon kung sakali. Nagsasawa na rin kasi ako minsan dito kay Chas at Sandro dahil kaming tatlo lang ang nagkikita araw-araw.

To be honest, I think this job suits me really well. As a bookseller, I am expected to be an early bird which is not a problem because most of the time, I don't get to sleep. I get to be in the store an hour or two before opening. I can organize the shelves, catch up on setting up a couple displays, and enjoy the peace and silence that comes with not having to play music over the sound system. Pero minsan may mga araw din na nauunang pumasok sina Chas at Sandro tulad ngayong araw dahil nakatulog ako kagabi. Kapag nakakatulog kasi ako, madalas ay medyo nahihirapan akong gumising dahil kinatatakutan na ng katawan kong lumipas ulit 'yong buong araw at makatulog na naman ako sa gabi. Ayaw ko talagang nakakatulog ako, pakiramdam ko ay palaging may masamang mangyayari sa 'kin.

Lumipas ang buong araw ko at wala namang bago. Gano'n lang ulit. Gano'n lang paulit-ulit. Naging abala lang ako sa trabaho. Minsan nga ay kinatatamaran ko na 'yong pag-aayos ng shelves at mga mesa dahil nagugulo lang din naman palagi lalo na kapag maraming customer at hindi nila mapagdesisyunan mabuti kung ano ang librong kukunin nila.

"Uuwi ka na agad?" tanong sa 'kin ni Sandro.

"Oo. Maglalaba pa ako, eh," sagot ko.

"Sumama ka na muna sa 'min ni Chas, maghahapunan kami sa Buono."

Napakunot ang noo ko. "Buono na naman? 'Di ba kayo nagsasawa do'n?"

"Paano kami magsasawa? Ang sarap kaya."

Sa bagay, tama naman siya. Masarap naman talaga lahat ng pagkain sa Buono. Minsan ay doon ako bumibili ng hapunan eh.

"Ano, tara? Treat ko," aya niya pa ulit sa 'kin kaya napaisip ako. Libre niya raw, eh. Sinong 'di mapapaisip kapag gano'n, 'di ba?

"Sige," mabilis na pagpayag ko. Narinig ko naman 'yong biglaang pagtawa ni Chas habang nagliligpit siya ng mga gamit niya.

"Basta talaga libre, sasama ka eh 'no?" pang-aasar sa 'kin ni Chas at malapad siyang ngumiti. Hindi ako nagsalita at nagkibitbalikat na lang.

Sometimes, I simply miss the old times. Lalo na 'yong panahong mayaman pa kami at nabibili ko lahat ng gusto ko. Ngayon kasi ay palagi akong nagtitipid dahil hindi naman gano'n kalaki ang kinikita ko.

Pagkatapos naming magsara ng bookstore, naglakad na kami papunta sa Buono Restaurant para kumain. Napakasarap ng pasta roon pati pizza and wings.

Tulad ng dati, medyo marami din ulit ang tao sa Buono kaya natagalan din bago na-serve sa 'min 'yong foods and drinks. Nag-order din ng beer sina Sandro at Chas.

Close Your Eyes, CiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon