Dala niya sa kabilang kamay ang aking bag. Hindi ako makagalaw dahil bukod sa masakit ang tiyan ko dahil sa paraan niya ng pagbubuhat ay baka maihulog nya rin ako. Gustong gusto pa naman niyang sinasaktan ako.

Tumigil siya sa paglalakad. Binaba niya ako sa may hagdanan at doon na walang pakundangang ihinagis ang aking bag.

Inayos ko lang saglit ang blouse ko at sinamaan siya ng tingin. Tatakbo sana ako pabalik sa library ngunit parehas kaming napatigil ni Eris nang bumukas ang pinto.

"Babe?!" Si Xyzhie, lumabas na siya sa library. Kung ganon ay tapos na sila. "What are you doing here? Why are you with her?" Inosenteng saad nito sa mababang tono ng boses.

Kumulo naman agad ang dugo ko nang lumapit siya samin at parang walang nangyari roon sa loob.

Napatingin ako sa may pinto. May isa pa akong tao na hinihintay na lumabas. Bakit hindi pa lumalabas si Zachary?

"Uh, no. Nakasabay ko lang s'ya. I'm not with her." Sagot ni Eris na kaagad naman akong tinalikuran.

Tumango naman si Xyzhie at mabilis na ipinulupot ang kamay sa braso ng kasintahan.

"Okay. Uhm, let's go?" Aya ni Xyzhie. "Kanina pa kita hinihintay."

Sumunod naman sa kanya si Eris. Patungo silang dalawa sa library habang ako ay naiwang nakatayo lamang sa corridor.

Napabuntong hininga na lamang ako at napapikit. Bakit kasi hindi ko hinayaang makita ni Eris ang lahat ng yon?

Nakakainis ka talaga, Demrene!

Pinulot ko ang aking bag at akmang maglalakad na pababa ng hagdan nang makita kong lumabas si Zach sa kabilang room na katabi ng library.

Bakas na bakas sa mukha ko ang gulat at hindi ko maitatanggi iyon. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Aligaga akong humanap ng daan. Hindi ko alam kung saan ako dadaan kaya tinungo ko na lang ang kabilang direksyon.

Hindi ko alam kung nakita nya ba ako kanina pero sa tingin ko naman ay hindi. Sana nga ay hindi.

Lakad-takbo akong nakalabas ng building. Hindi ko alam kung paano ako nakalabas pero nagpapasalamat ako dahil nakalabas pa rina ako.

Tumigil lang ako saglit sa labas ng building at huminga ng kaunti. Sobrang napagod ako sa paglakad at pagtakbo.

Pero... paano nakalabas sa library si Zach ng hindi ko man lang nakikita at bakit sa room na iyon siya lumabas? Si Zach ba talaga iyong nakita ko o namamalik-mata lang ako? Pero kilala ko kasi ang boses na iyon! Kanyang kanya yon.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang hapo. Huminga ako ng ilang beses bago ipagpatuloy ang paglalakad.

Habang naglalakad ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Tumatawag si Maddy. Naiinip na siguro ito sa kahihintay sakin.

"Hello?" Bungad ko.

"Asan ka na? Ang tagal mo ha!" Sigaw niya sa kabilang linya.

"Gate na."

Pagkasabi ko noon ay pinatay na rin nya agad ang tawag. Bakit kasi hindi na lang niya itinext yon? Nagsayang pa sya ng 3 minutes call.

Umiling na lamang ako at isinilid muli sa bulsa ang telepono. Mas binilisan ko pa ang aking takbo at hindi na lumingon.

Nakarating kaagad ako sa sasakyan nina Maddy. Bubuksan ko sana ang pinto sa back seat ngunit naka-lock ito.

Kinatok ko ang bintana ng tatlong beses. Bumaba naman ang salamin sa bintana ng passengers seat sa bandang unahan.

"Dito ka sa tabi ko." Boses ni Matt ang narinig ko.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now