8: Is Wattpad Spamming Users with Free Premium?

90 7 0
                                    

Date: 26 January 2019

Rumor: Is Wattpad Spamming Users with Free Wattpad Premium Access?

Answer: No.

~~~

Nitong mga nakaraang araw ba ay may natanggap kang notification sa app o 'di kaya ay sa email na nagsasabing nanalo ka ng Wattpad Premium?

Ito ang laging pasimula ng mensahe bago ang link:

Ito ang laging pasimula ng mensahe bago ang link:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi po ito galing sa Wattpad.

Bisitahin n'yo ang profile na nag-notif sa inyo at marami kayong mapapansin.

1. Wala itong badge.

Ang legit na Wattpad profile ay may badge sa tabi ng name nito. You can visit Wattpad's profile to compare.

2. Bagong gawa ang account.

Lahat ng nag-spam sa stories ko ay wala pang 24 hours since ginawa.

3. Marami silang mga accounts na kakaunti ang pinagkaiba sa isa't isa.

Lahat sila ay pare-pareho ang simula pero natatapos sa mga lahok-lahok na numero at letra. Maging ang kanilang DP ay ganoon din. Tandaan, hi di dahil logo ng Wattpad ang gamit ay legit ito agad. Tingnan ang badge nito.

4. Ibang user ang naka-tag.

Ikaw daw ang nanalo pero iba ang naka-tag? O sila ang nanalo pero sa'yo ipinapaalam? Halatang hindi ito legit.

So, ano ang dapat gawin? REPORT the account.

Wattpad is aware of the situation and are removing all spammers. Pero parang kabute 'yan. Biglang may bagong susulpot kaya nagtatagal.

Ligtas ba ang link? May nagsasabi na oo, at mayroon na hindi. Pero mariin kaming nagbababala na huwag basta buksan ang kung anu-anong link lalo na at mula ito sa isang spam o kaya ay hindi kilala na account. We should know better.

To be honest, pasok ito sa campaign na nakasali ako, #makeITsafePH. Basahin n'yo ang gawa ko tapos bisitahin n'yo rin ang AmbassadorsPH para makita kung sino pa ang ambassadors na kasama sa campaign at ang mga entries sa contest ngayon.

Anyway~

Let's keep our community safe. DON'T PANIC! Don't spread fake news and do the right thing. REPORT the accounts immediately!

Paano kung hindi na ma-open ang link? Maaaring natanggal na ang account pero nakikita pa rin sa notif. Refresh n'yo lang. Pero kapag nandun pa rin after 1 hour or so, feel free to drop me a DM.

For more info: https://support.wattpad.com/hc/en-us/articles/360022219072

~~~

Debunking Wattpad RumorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon