5: Wattpad removes stories and accounts for no reason

396 36 83
                                    

Date: 4 May 2018

Rumor: Wattpad is removing/deleting stories and accounts for no reason.

Answer: FALSE.

~~~


Wattpad DOES NOT delete accounts without a good reason -- which is the violation of the TERMS OF SERVICE, CODE OF CONDUCT, or the CONTENT GUIDELINES. This includes, but is not limited to: vote trading, harassing/exposing users, posting banned content, creating multiple accounts, sexual roleplay, and more.


Bago ko simulan ang pagpapaliwanag, heto ang mga links ng bawat importanteng information na available sa ating lahat na gumagamit ng Wattpad:

      - Terms of Service: https://support.wattpad.com/hc/en-us/articles/200774344-Terms-of-Service

     - Code of Conduct: https://support.wattpad.com/hc/en-us/articles/200774234-Code-of-Conduct

      - Content Guidelines: https://support.wattpad.com/hc/en-us/articles/200774334-Content-Guidelines


Ilalagay rin ito sa comments section at kung kailangan n'yo ng links, maaari ko itong i-send.  Ipagbigay alam lamang kung may kailangan. Ipinapaalam ko rin na may kahabaan ang kabanatang ito upang mabigyang diin (at sana'y kasagutan) ang mga kumakalat na haka-haka na basta-basta at kahit kaninong account ay tinatanggal ng Wattpad.


Kung hindi n'yo pa nababasa ang tatlong links na 'yun, I strongly advise you to do so.

Nagagawa nga nating magbasa ng mga nobela hanggang madaling araw, ito pa kaya na mas maikli naman?


Basta, ngayon pa lang, I am emphasizing na lahat ng mababasa n'yo dito ay based sa mga links na nabanggit ko. I'm just explaining it lalo na kung nalalabuan kayo. The screenshots included in this chapter were accessed on May 4, 2018, and are subject to change in the future to improve the Wattpad experience.


Anyway, hindi ko maiipaliwanag lahat ng nakapaloob sa mga impormasyong nabanggit dahil ang pokus dito ay ang balita na basta-basta nag-dedelete ang Wattpad ng story at accounts - which, again, is not true at all.


So simulan na natin.


Iba-iba ang dahilan kung bakit may mga nabuburang storya o accounts at lahat ito ay nakapaloob sa Terms of Services na nag-agree tayong lahat noong nag-sign up tayo dito sa Wattpad. Bukod pa rito, mayroon ding Code of Conduct na lahat ay inaasahang susunod upang mapanatiling ligtas, patas, at masaya ang bawat miyembro - maging manunulat o mambabasa man.

Simulan natin mula sa mga nakasulat sa Code of Conduct. Kagaya sa kahit anong social media platform, may patakaran na dapat sundin upang maitaguyod ang layunin nila. Gaya ng nauna kong naisulat, hangarin ng Wattpad na mabigyan ang bawat miyembro ng masaya, patas, at ligtas na experience sa pagsusulat, pagbabasa, at pakikipag-kaibigan. Nakapaloob dito ang do's at don'ts sa Wattpad. At ang dahilan kung bakit maaaring matanggal ang ginawang storya o account ay nakasaad dito:

 At ang dahilan kung bakit maaaring matanggal ang ginawang storya o account ay nakasaad dito:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Debunking Wattpad RumorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon