6: Wattpad is deleting stories again and Ambassadors can fix this.

135 7 0
                                    

Date: August 3, 2018

Rumour: Wattpad is deleting and removing many stories again without notice. Ambassadors can fix this.

Answer: False.

~~~

Heto na muli tayo sa isyu na ito. Gaya ng nabanggit ko sa nakalipas na isyu, hindi po binubura ng Wattpad ang stories ng kahit sino ng basta-basta. Dumadaan sa pagsusuri ang mga istorya bago ito hatulan kung may nilabag ba ito o wala.

Nitong nakalipas na linggo, nagkaroon ng isang malawakang glitch sa system ng Wattpad at madami ang naapektuhan. Naglaho ang mga istorya ng walang abiso at maging account ay hindi mabuksan. Isa na ako sa nakaranas nito.

To be honest, dapat kahapon (August 2, 2018) ko pa ito ipa-publish pero isa ito sa mga naglaho kong istorya kaya ngayon ko lamang nagawa.

So heto po... Alam ng Wattpad Team ang isyu na may mga naglalahong mga istorya at may iba na hindi makapasok sa account nila. Ginagawan nila ng paraan na maayos ang system sa lalong madaling panahon.

 Ginagawan nila ng paraan na maayos ang system sa lalong madaling panahon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Link: https://support.wattpad.com/hc/en-us/articles/360001234226-Stories-Story-Parts-Missing-on-Profile
(

Screenshot from August 3, 2018)

Ngayon, kung wala kayong natatanggap na message from Wattpad sa email na naka-link sa Wattpad account n'yo na nagsasabi na may nilabag kayong rules or guidelines (Content Guidelines, Code of Conduct, or Terms of Service), kalma lang! Affected lang din kayo sa glitch at babalik din 'yan.

(Hindi 'yan gaya ng ex n'yo na nawala at pinaasa kayo sa wala. Dito sa isyu na 'to, alam nila at ginagawan nila ng paraan upang mabalik sa normal ang lahat. Nasa sa inyo na kung bibitaw kayo o maghihintay.)

Pero kung may natanggap kayong email at sa palagay n'yo ay isang malaking pagkakamali at wala kayong ginagawang mali o violations, send a ticket sa Support Team: support.wattpad.com.

Madami ring nagreklamo at naninisi sa mga Wattpad Ambassadors na ibalik ang mga istorya nila. Just to clarify po, Ambassadors are volunteers and not staff. Hindi kami ang nag-aayos ng mga issues na 'yan. We don't have the power and authority to do that. Nararanasan rin namin ang mga ganitong bagay kaya sana manatili tayong kalmado at huwag agad magtuturo upang may masisi. Tandaan na walang naaayos kapag mainit ang ulo.

Bukod pa dito, binaha rin kami ng pare-parehong mensahe at katanungan. Naiintindihan namin ang hinaing ng lahat kaya't aktibo kaming sumasagot kahit na iisa lang din naman ang sagot sa lahat.

 Naiintindihan namin ang hinaing ng lahat kaya't aktibo kaming sumasagot kahit na iisa lang din naman ang sagot sa lahat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Screenshot: Wattpad Instagram Post from August 2, 2018)

Announcements were also made sa mga social media accounts ng @Wattpad. Even AmbassadorsPH announced it yet we still received complaints.

May mga kung anu-ano pa akong nabasa na mga ideas na if hindi ni-report sa Support ba nawala ang story ay hindi maiibalik at hindi magiging priority? That's not true po. I didn't send a ticket since I am aware of the glitch and I know what the response would be but I got all my stories back after almost 30 hours of waiting.

Pero syempre, everyone is more than welcome to send a ticket to the Support Team. And, as per the screenshot above, kung wala pa rin within the next 24 hours ang istorya n'yo, send a ticket and the title of those works.

Again, there's no special treatment about this po. We are experiencing the same  issues.

Sana hindi na ito maulit pa. We can only wish that it would be the case. Pero reality check, may mga bagay na hindi natin masasabing hindi na mangyayari pang muli. Pero sana may natututunan tayo sa mga ganitong pangyayari para alam na natin ang gagawin sa sunod.

It's like hoping na 'sana hindi na mag-black out' o 'sana hindi na mabagal ang internet connection.' Pero lagi pa ring nangyayari ang hindi inaasahan, 'di ba? Same goes for this issue.

So to everyone, as long as wala kayong natatanggap na email from Wattpad na nag-violate kayo sa guidelines, your story is just there.

It was removed nor deleted. It just disappeared and will come back soon. Just have patience.

~~~

Debunking Wattpad RumorsWhere stories live. Discover now