3: Mature Rating Vs Private Chapters

329 16 0
                                    

Date: 8 October 2017

Rumor: Rating a story as 'mature' is equivalent to simply making the chapter private.

Answer: False.

~~~  


Sa dami ng mga ibinabahaging kwento sa Wattpad, may mga akda na naglalaman ng mga eksenang hindi angkop sa lahat ng mambabasa. Hindi dahil ginawang pribado ang bahagi ng akda ay kinokonsidera na itong mature.


Ang 'mature' ay rating at hindi kategorya o genre ng inyong gawa. Dahil kahit saang kategorya ay may makikita kayong mature na mga akda at hindi pare-pareho ang basehan nila.


May mga manunulat na ni-rate ang kwento nila na mature at ginagawang pribado ang kabanata upang nasiguradong ang followers lamang nila ang makakabasa. Ayos lamang ito dahil naka-rate pa rin ito na mature.


Ngunit kung ang kwento ay pribado lamang. Hindi naka-rate na mature kahit na naglalaman ito ng mga eksenang hindi para sa lahat ng mambabasa, hindi ito sapat.


Naka-sulat sa Content Guidelines ( https://support.wattpad.com/hc/en-us/articles/200774334-Content-Guidelines ) ng Wattpad na kung may mature na eksena (kagaya ng R-rated scenes, self-harm themes or scenes, graphic depictions of violence) na mas angkop lamang sa mga mambabasa na 17 pataas, kinakailangan ng mature ratingNasa may-ari na ng storya kung gagawin n'ya itong pribadong kabanata. May mga akda rin naman na pinahihintulutang magka-rate ng mature kahit na maaari itong mabasa ng kahit sino sa komunidad. Muli, nasa desisyon na ito ng manunulat.


Pero dapat ding tandaan na may mga kwento na hindi pinapahintulutan sa Wattpad. Nakalista rin ito sa Wattpad Content Guidelines. Ngunit hindi ito ang buong listahan at hindi lamang ang storya ang basehan ng isyu kung hindi pati na ang media (pictures, gifs, etc), at ang tema na ibinabahagi sa akda. 


Para sa buong detalye ng mga panuntunan, check out Wattpad Content Guidelines (external link available)! O maaari rin kayong mag-post sa Message Board ng AmbassadorsPH kung hindi kayo sigurado.


~~~

Kung may mga alam pa kayong haka-haka, tsismis at kung anu-ano pa tungkol sa Wattpad, h'wag kayong mahihiyang magkumento at magbahagi. Sasagutin natin 'yan. :)

Until next time!

Debunking Wattpad RumorsWhere stories live. Discover now