7: Wattpad is not free anymore

152 8 3
                                    

Date: October 10, 2018

Rumour: Wattpad is not free anymore.

Answer: False.

~~~

Here we go again.

People are spreading lies and fake news about Wattpad not being free anymore. Muli po, hindi po ito totoo.

So ano 'yung Coins na nakikita sa mga stories?

This is all part of the Wattpad Next Beta Program (more info here: nextbeta.wattpad.com).

Sa kasalukuyan, may tumatakbong beta program sa Canada, United Kingdom, Mexico, at Pilipinas. Hindi pa ito final na program, it's undergoing a beta test phase at ang mga users sa mga nabanggit na bansa ang napili para sumubok sa programa.

Sa punto ng isang mambabasa, gusto nating suportahan ang mga manunulat at ang mga kwentong bumihag sa ating mga puso at isipan. At sa pagpasok ng  Wattpad Next Beta, binibigyan nito ng kakayahan ang mga mambabasa na gawin ang pagsuportang ito  

Sa mga manunulat naman, binibigyan sila ng kakayahan ng programa na kumita sa paglikha at pagbabahagi ng kanilang mga obra. Bukod pa rito, bilang isang beta test, pili ang mga manunulat sa buong Wattpad Community sa programang ito.

Libre pa rin ang milyon-milyong mga storya sa Wattpad, pero sa programang ito, may maliit na populasyon ng mga storya na magiging exclusive at mababasa lamang sa pamamagitan ng pagbili gamit ang Coins. Para malaman kung alin ang mga storya na kasali sa programa, may 'Support Story' badge ang mga ito.

Syempre, madami itong pros and cons. Hindi naman ito mawawala. Pero alalahanin din natin na hindi Wattpad ang unang app na nagkaroon ng ganitong sistema. Bukod pa dito, malinaw ang paliwanag na isa itong beta testing, sinusuri pa ng programa kung tatangkilikin ng mga mambabasa ang mga manunulat sa ganoong paraan.

After reading several chapters, it's your choice if you will purchase coins to unlock the next part or if you want to unlock the whole story. 

"Change" will always be a scary thing. It is truly fearsome. Pero why do we keep wanting improvements when we can't accept change? Bakit hindi natin bigyan ng pagkakataon ang maraming bagay na para sa atin din naman bago tayo maglabas ng mga opinyon na wala namang konkretong pinagbabasehan?

So sa lahat ng mga nagkakalat ng maling impormasyon para makahakot ng reactions at sumikat, let's just stop it. You're not helping the community. Yes, you're gaining all the attention but at the end of the day, what did you really gain?

And sa mga nag-aalala na hindi na libre ang mga stories, muli po, nasa isang beta program po kayo. Everything will undergo research and analysis. At kung ano man ang maging resulta nito, malaki ang maiitulong nito sa pag-aaral na ginagawa ng Wattpad sa mga users nito. Nasa sa inyo naman kung magiging bahagi kayo ng programa-- kung susubukan ito o hindi.

To get more information about how to unlock Wattpad Next beta stories, head to https://nextbeta.wattpad.com/unlock-wattpad-next-stories

To read the FAQs, head to https://nextbeta.wattpad.com/ph-faq/


Untill next time!

~~~

Debunking Wattpad RumorsOnde histórias criam vida. Descubra agora