1: Wattpad to end in 2018?

488 22 17
                                    

Date: 8 October 2017

Rumor: Wattpad will shut down in 2018.

Answer: False.

~~~

Siguro marami na sa inyo ang nakabasa na mawawala ang Wattpad sa 2018. Kamakailan lamang ay kumalat ang balitang ito at nagpa-ingay ng buong komunidad ng Wattpad. Maging ako ay nabasa ko na rin 'yan sa social media. Ang daming negatibong saloobin at mga reaksyon na umusbong.


Hindi rin naman masisisi ang mga naglabas ng sama ng loob dahil Wattpad na ang pinag-uusapan. Pero kung isa ka sa namomroblema tungkol dito, iisa lamang ang sagot d'yan...


Hindi po totoo na mawawala ang Wattpad sa 2018. Not true at all.


Buong-buo 'yan ha. Malinaw na malinaw.


Paano ko nasabi?


Kung may plano man pong magsara o maglaho ng Wattpad sa darating na 2018, hindi ba dapat magmula ang balita sa HQ?


At may naglabas na rin ng impormasyon na prank lamang iyon. Although, hindi ko kilala kung sino ang ugat ng tsismis na 'yon. Kaya kung sino man ang nagsimula... Well, marami s'yang oras sa mga kamay n'ya.


But to know who spread it is not the point. The rumor itself is the point and unfortunately, false information spreads.


Kaya kung isa ka sa napapa-isip na mawawala ang Wattpad sa 2018, chill lang. Hindi 'yun totoo. Kaya enjoy lang sa pagsusulat at pagbabasa! :)


~~~

Kung may mga alam pa kayong haka-haka, tsismis at kung anu-ano pa tungkol sa Wattpad, h'wag kayong mahihiyang magkumento at magbahagi. Sasagutin natin 'yan. :)

Until next time!

Debunking Wattpad RumorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon