2: Your Stories Belong to Wattpad

398 18 2
                                    

Date: 8 October 2017

Rumor: Once published, your story will 'exclusively' belong to Wattpad.

Answer: False.

~~~


Bilang isang manunulat ng Wattpad, gusto natin na maibahagi ang ating gawa sa mundo ngunit ayaw rin natin na kopyahin ito ng kung sinu-sino lamang para sa kanilang pang sariling mga interes.


Kamakailan lamang ay nagkaroon ng isang maingay na pahayag mula sa isang hindi beripikadong tao na nagsasabing lahat ng kwento na ipinu-publish dito sa Wattpad ay pagmamay-ari na ng Wattpad at gagawin nila ang gusto nila sa gawa natin.


Not true!


Ang Wattpad ay isang magandang plataporma upang magbahagi ng mga kwento mula sa iba't ibang sulok ng daigdig. Hindi pagmamay-ari ng Wattpad ang mga nilalathala NGUNIT may mga patakaran na dapat sundin ang mga manunulat kapalit ng pagsali at pagbabahagi ng mga kwento.


Gaya ng kahit anong organisasyon, may mga patakaran na dapat sundin (Terms & Conditions) na naglalaman ng dapat at hindi dapat gawin.


Wala itong pinagkaiba sa ibang social media sites na may layuning panatilihing pribado ang mga personal na impormasyon, pornography, violence, abuse, at iba pa.


May lumalabas rin na story downloaders online ngunit ito ay ginagawan ng Wattpad ng paraan.


Sa Wattpad, hindi nila pagmamay-ari ang kwento PERO maaaring tanggalin ng Wattpad kung madiskubre at masuri ito na may nilalabag sa Content Guidelines ( https://support.wattpad.com/hc/en-us/articles/200774334-Content-Guidelines ).


Naglabas rin ang Wattpad ng pahayag ukol sa ginagawa nila upang mapangalagaan ang mga akda natin. Maaari n'yo itong mabasa dito: https://support.wattpad.com/hc/en-us/articles/115004400463


Maaaring gawing katwiran na wala nang ligtas sa internet. Totoo ito. Hindi lamang sa Wattpad ngunit kahit saan talaga. Ngunit totoo rin na maaaring makontrol ito. Kagaya na lamang na hindi natin ma-copy-paste ang mga kwento. We can quote but we cannot copy. Hindi kagaya sa ibang plataporma at websites na napakadaling kopyahin ng gawa ng ibang tao.


Hindi natin maaalis ang pag-exist ng mga nangongopya at mga story downloaders ngunit magagawan natin ito ng paraan basta magtutulungan tayo. Kung may alam kayo, h'wag kayong mahihiyang magsabi sa Wattpad o kaya naman ay sa AmbassadorsPH dahil pare-pareho tayo ng gusto na mapanatiling malinis, ligtas at may seguridad hindi lamang ang ating mga gawa pero kasama na ang ating pribadong impormasyon at maging ang buong Wattpad Community.


~~~

Kung may mga alam pa kayong haka-haka, tsismis at kung anu-ano pa tungkol sa Wattpad, h'wag kayong mahihiyang magkumento at magbahagi. Sasagutin natin 'yan. :)

Until next time!

Debunking Wattpad RumorsWhere stories live. Discover now