4: Wattpad is no longer free

294 16 1
                                    

Date: 26 October 2017

Rumor: Wattpad is no longer free for all.

Answer: False.


~~~    


Ang Wattpad ay mananatiling isang libreng plataporma sa lahat ng manunulat at mambabasa. It will always be the Wattpad we love.


So ano ang kumakalat na balotang hindi na libre ang Wattpad?


Ito ay dahil sa bagong subscription-based version ng Wattpad na ino-offer para sa lahat. Ika nga ng Wattpad Premium ( https://premium.wattpad.com/ ), 'give back, get more.' Kapag naging isang Premium user ka, you don't only support Wattpad but you also unlock an ad-free experience.


Ang pagiging Premium user ay choice ng lahat kung gusto nilang gawin. Hindi ibig sabihin ng 'premium' sa context na ito ay madaming magbabago para sa ibang Wattpad users.


Kung ganoon pala, ano ang pinagka-iba nito sa free version ng Wattpad? Malaki. Ang mga gumagamit ng free version ay parating may nakikitang ads sa pagbabasa. Pero kapag naging premium user, wala ka ng ads na makikita. Plus, may access ka sa bagong theme ng Wattpad.


Gandang offer 'di ba?


Worth it ba ang maging Premium user? Sa ngayon (October 26, 2017), hindi ko pa masasabi dahil sinusuri pa ang feature na ito bago buksan para sa buong mundo ngunit may ibang app users na nakita na ang feature na ito. Pero bilang isang mambabasa, maganda ito dahil hindi ako maiistorbo sa pagbabasa at nasusuportahan ko pa rin ang Wattpad.


Pero at the end of the day, choice n'yo kung i-pupush n'yo na maging isang premium user. No one is and will be forcing anyone to do it because the choice will always be yours to make.


For more information, here is the Wattpad Premium FAQs: https://premium.wattpad.com/faqs/ (or click in the external link) or maaari n'yo ring basahin ang Wattpad's Blog Post: https://blog.wattpad.com/wattpad/2017/10/17/6pkp91yitqj1j1c6i0nhe6bqxgh7y0/.


Hintayin na lamang muna natin ang sunod nilang announcement para mas maintindihan natin ang dapat pang malaman patungkol sa Wattpad Premium!


~~~

Kung may mga alam pa kayong haka-haka, tsismis at kung anu-ano pa tungkol sa Wattpad, h'wag kayong mahihiyang magkumento at magbahagi. Sasagutin natin 'yan. :)

Until next time!

Debunking Wattpad RumorsWhere stories live. Discover now