"hindi ko na kailangan ng boyfriend para sunduin ako no, ano pang use ng pagaaral ko ng karate kung hindi ko din naman gagamitin." Sa totoo lang hindi naman talaga ako nagaral ng kahit anong martial art sinabi ko lang yun para tigilan na nila ako. Lahat kasi ng katrabaho ko dito ay may boyfriend na at ako na lang wala kaya lagi nila akong inaasar.

"sya,sya,sya tumigil na kayo at magsiuwian na baka gabihin pa kayo lalo." Sabi ni tita D samin.

"sige po una na po ako tita D." pagpapaalam ko kina tita D at sa iba ko pang katrabaho.

Mabilis lang ako nakauwi na apartment dahil malapit lang din naman ang café sa school ko at sa apartment.

Sa wakas na kauwi na din. Grabe nakakapagod ang araw na to' parang ang daming nangyari.

"whooo" ang sarap sa feeling na nakaupo na din ako sa wakas na sofa. Ilang oras na din akong nakatayo sa café kaya heaven talaga para sakin ngayon ang sofa at lalo na ang kama, pero dahil sofa ang malapit sakin ngayon dito muna ako magrerelax.

"mukhang pagod na pagod ka ata ngayon ha!" napatayo naman ako sa gulat ng bilang may nagsalita sa tabi ko.

"SINO KA!?" paano to nakapasok dito! Pero wait parang nakita ko na sya! Familiar talaga sakin yung face. Basta pogi ang hirap talagang kalimutan pero ang isang to sa sobrang gwapo di kinaya ng memory ko kaya hindi ko matandaan.

"ang bilis mo na man atang makalimot." Sabi nya at tumayo na din kaya magkaharap kami ngayon.

"ay oo nga pala hindi pa pala ako nakakapagpakilala sayo." Sabi nya na hindi ko naman gaanong naintindihan kasi iniisip ko pa din kong saan ko sya nakita.

"Benjamin de ocampo nga pala, Catherine Reyes right!?" inilahad naman nya sakin ang kamay nya.

"kilala mo ako!?" stalker ko ba to! Gwapo naman ata nya para maging stalker.

"nakita ko lang sa notebook mo." Sabi nya habang nakatingin sa notebook ko sa lamesa na may pangalan ko.

"ahhhh" akala ko pa naman stalker ko. ako na ang feeler.

"ayy sorry!" ngayon ko lang kasi napansin na kanina pa pala nakataas yung kamay nya.

Pero nasayangan lang ang effort ko ng hinawakan ko yung kamay nya pero tumagos lang naman ito. Parang sa hangin lang ako nakipagshakehands.

Para naman akong nabatukan ng malakas at bigla na lang nagflashback sakin ang lahat. Lahat ng nangyari simula kaninang umaga.

Sya...

Sya...

Sya yung..

Sya yung poging akyat bahay na multo kaninang umaga!

"so, mukhang naalala mo na ako cath." Sabi nya habang umuupo ulit sa sofa ko.

"hoy wag mo akong matawagtawag na cath ha, hindi po ako pusa." sabi ko sa kanya habang nakapamewang sa harapan nya.

Magsasalita pa sana sya kaso inunahan ko na sya.

"at higit sa lahat hindi kita kaclose para gawan mo ako ng nickname, ni hindi nga kita kilala!" masyado kasi FC, feeling close. Nako pagganto pa namang pagod ako nagtratransform talaga ako at nagiging super mataray.

"bakit ba ang sungit sungit mo! At kanina pa po akong nagpakilala sayo. Hindi mo nga lang naintindihan dahil nakatitinig ka lang kanina sa pogi kong mukha." Grabe ang hanggin.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDWhere stories live. Discover now