Agad ko rin naman yung binuksan.

"Wow pinagawa mo rin ito?"
Manghang tanong ko.

"Hmm yeah. Magugustuhan niya kaya yan?"

"Oo naman!"

"Hmm good to know and I have also something for you" sabi niya pa sabay abot ng isa pang kahong maliit.

"Hala Rave naman nag-abala ka pa" nag-aalangang sabi ko.

Nakakahiya naman...
Ang ganda pero mukhang ang mahal.

"It's a protection Gail. Please always wear that thing"

"Huh so you mean?..."

"Yes. Nanggaling sa original na necklace na binigay ni Harry and may part din na nanjan sa pinagawa kong bracelet para sa kanya"

Oh.

"Pero hindi ko naman kailangan ng protection laban sa inyo..."

"Yes you need it Gail. Maaring hindi lang kami nila Han ang Vampire na nandito sa lugar na ito. Remember the incident last time?"

"Oo..."

"That is why you have to wear that from now on"

"Hmm sige" nakangiti ko namang sang-ayon na sa kanya.

Agad din naman kaming bumalik sa school pagkatapos nun.

Medyo na late pa nga kami pero si Raven naman ang nakapagpaliwanag sa teacher namin at kina Ison na rin.

Ng makaupo na ako ay napasulyap akong muli sa bracelet na binigay ni Raven.

Hayy...
Sana lang talaga ay walang masamang mangyari sa dalawang ito. Alam kong may hindi sila sinasabi sa akin, lalo pa ang biglang pagsulpot ni Xero, ang head Knight ng palasyo nila Raven.

Nararamdaman kong may hindi tama. Si Grey masyado na siyang nagiging protective sa akin at nararamdaman kong pati si Raven ay ganun din.

Lord wag mo naman pong hayaang may mangyaring masama kina Grey at Raven.

Kung may magagawa lang din sana ako para makatulong sa kanila...

Kaso wala...

<after school>

"It's a nice bracelet" puri naman ni Grey sa binigay na bracelet ni Raven habang nagmamaneho siya.

"Ah hehe oo nga. Bigay to ni Raven... Uhm for protection" nahihiyang sagot ko na naman.

"That's great! Don't take that off kay?"

Napayuko naman ako bigla.

"Hey what's the matter princess?" Biglang baling niya sa akin ng mapansin niya ako, naihinto niya rin pala sa gilid ang sasakyan dahil dun kaya tipid na napangiti na lang ako bago siya inilingan.

"Ah wala may naalala lang ako"
Palusot ko pa.

"You know that you can't lie to me" seryoso niya namang saad. Shocks mas lalo talagang lumalakas ang dating niya pagnagseseryoso siya at ang pogi lalo sheezz...

"Hmm oo nga pala nakakabasa kayo ng isipan ng tao" sabay iwas ko na lang ng tingin sa kanya.

"Wala makakabasa nang mind mo coz you're wearing that thing... Even me or master" oh?

"Ah hehe powerful naman pala talaga itong bracey na ito" pero nagtagalog na naman siya! Shocks ang cute!

"Hey princess, tell me what's the matter... Please"

Ay. Akala ko nakalusot na ako dun...


So no choice...
"Eh kasi naman... Parang may nililihim pa kayo sa akin na kung ano"

"You really think so? Haha you're really cute princess" sheyt naman tong lalaking ito!

"Eh naman! Basta! Baka may paparating na digmaan di niyo manlang sinasabi sa akin"

"War?"

"Oo baka lang kasi ganun dahil dun sa nangyari nung minsan tapos pareho pa kayong laging alert ni Raven at yung si Xero, diba ikaw na rin nagsabi sa akin na head Knight siya sa palasyo nila Rave---"

"Haha you're really cute"
Bigla ko naman siyang sinamaan ng tingin dahil sa dinami dami ng sinabi ko ay yun lang ang nasabi niya.

"Oh I'm sorry princess..." Paumanhin niya naman agad sabay kamot sa batok niya.

"And I'm sorry also that I forgot to tell you that Xero is just investigating the incident"

Oh.

Oa ko lang pala.

"Nahanap na ba yung magnobyo?" Nag-aalalang tanong ko rin.

"Yes..." Nakayukong sagot niya.

...

"...But they're dead"

Oh my god.

Hindi na ako nakapagsalita pa matapos kong marinig yun.

Nakaramdam lang talaga ako bigla ng awa sa nabalitang missing na magnobyo na ngayo'y patay na pala... at takot na rin para kina Grey.

I know that they have nothing to do with this but still makakaapekto pa rin sa kanilang dalawa ito.

Bakit ba kasi gumulo pa ng ganito? Okay naman dati ah...
Sana talaga ay matapos na kung ano man tong mga dumadating na ito sa lugar namin, ng sa ganun ay makabalik na ang lahat sa dati.

Wala na rin sanang masaktan pang iba...










End of Chapter

THE COLD ONES BOOK 1; Awaken (COMPLETED) [to be revised in English]Where stories live. Discover now