“Thank you.” Biglang siyang napalingon sa katabi niya. Hawak nito ang earphone sa kamay nito. Tama ba ang nadinig niya? O baka hallucination lang niya ‘yon.

“Did I heard it right?” tanong niya.

“Bingi ka ba?” hindi lumilingong balik-tanong nito.

“Alam mo, Miss, kung magte-thank you ka lang din, sana ‘yong sincere naman. Kung hindi mo ‘yon kaya, huwag ka nang mag-thank you. Dahil baka sa halip na mapangiti mo ang pinasasalamatan mo, mainis pa ‘yon lalo sa’yo.”

Napabuntong-hininga ito. Bago tumingin sa kaniya. “Thank you kanina.” malumanay na sambit nito bago binaling ang tingin sa bintana ng bus.

Marunong naman pala. Gusto pang masermunan, eh. Napalingon ulit ito sa kaniya. “What?” tanong nito. “Nag-thank you na ako ‘di ba?”

Kumunot ang noo niya. “Oo nga.”

“Then why are you staring at me?”

“Ako?”

“Sino pa ba?”

Hindi niya napansin na nakatingin pa din pala siya dito.

“Stop looking at me.” wika nito, sabay iwas ng tingin sa kaniya. Isinandal nito ang ulo sa bintana.

Binaling na din niya ang tingin sa unahan. At umayos ng upo. Matutulog na lang siya. Wala pa siyang tulog kahapon dahil sa kapatid niya.


- - - - - - - -


“OUCH!” Nauntog si Princess sa bintana ng bus. Iminulat niya ang mata niya. Nakatulog pala siya. Tiningnan niya ang relo niya. Napangiwi siya. Nakatulog ako. Nakatulog ng three minutes. Ang hirap naman kasing matulog sa bus. Nakakangawit. Untog dito. Untog do’n. Hinawakan niya ang noo niya. Wala pa naman akong bukol. Napatingin siya sa katabi niya. Buti pa ‘to, ang himbing ng tulog. Lihim niyang pinagmasdan ito. Gwapo sana, nakakainis lang ang ugali. Sermunan pa daw ba ako kanina? Nabitin ang pag-hinga niya ng ibaling nito ang ulo sa gawi niya. Gwapo nga, at ang mga gwapo lapitin ng babae. Parang ‘yong mokong na boyfriend niya. Bumalik sa alaala niya ang nakita niya kanina. Walang hiya siya! Manloloko!

Sumandal siya sa bintana at pinagmasdan ang bawat nadadaanan nila. Inaantok pa din siya. Wala pa siyang tulog. Madaling araw na siya nakatulog kagabi. On-leave nga siya sa trabaho niya pero hindi naman niya maiwasang magsulat ng nobela, lalo na’t nasa mood siya. Ipinikit niya ang mga mata niya. Hanggang sa unti-unting hilahin siya ng antok niya.


- - - - - - - -


NAALIMPUNGATAN si Aeroll ng may kung anong tumama sa balikat niya. Napalingon siya sa katabi niya. Natutulog ito. Nakasandal ang ulo nito sa upuan nila. Maya-maya ay bumagsak ang ulo nito sa balikat niya. On instinct siguro ay ibabalik nito ang pagkakasandal ng ulo nito sa upuan nila. Napapailing na pinagmasdan niya ito. Hindi ba ito nahihirapan sa ginagawa nito? O baka ang himbing lang ng tulog nito kaya hindi ito magising-gising. Bahagya pang nakaawang ang mga labi nito. Wala na sa ayos ang eyeglass nito. Nang bumagsak na naman ang ulo nito sa balikat niya. Napabuntong-hininga siya. Hinawakan ng kaliwang kamay niya ang ulo nitong nakasandal sa balikat niya at umusad palapit dito.

I’m just doing this dahil naaawa ako sa kaniya. baka mamaya, magka-stiff neck na ‘to sa ginagawa nito, depensa niya sa ginawa niya. Nang magulat siya ng sa halip na sa balikat lang niya ito nakasandal ay napunta ang ulo nito sa pagitan ng leeg at balikat niya. Napatingin siya dito. Napagkamalan pa ata siyang unan nito. Huminga siya ng malalim, ng malalim na malalim. Ano kayang gagawin nito sa’kin kapag nagising ‘to? For sure, uulanin siya ng umaatikabong sermon mula dito. Sasabihan siya ng manyak! Sira ulo! Lahat-lahat na. Ano ba kasi ‘tong ginawa ko? Hindi ko naman ‘to kilala. We’re not even friends.  Napabuntong-hininga siya. Inayos niya ang eyeglass nito na kaunting galaw na lang, mahuhulog na. Tanggalin na lang kaya niya? Tuluyan na nga niya iyong tinanggal. At inilagay sa loob ng bag nito.

“Hmm…”

Napatingin siya dito. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang luha sa gilid ng mga mata nito. Umiiyak ba siya? Pinahid niya ang luhang ‘yon.  Bumalik sa alaala niya ang tagpo kanina nang makita niya ito pagbaba niya ng bus. Sino bang nagpaiyak sa’yo? Sa tapang mong ‘yan, may nakapanakit pa sa’yo? Hindi kaya ang boyfriend niya?

“Mama…”

Nananaginip pa ata ito. Umayos na siya ng upo niya at inayos ang pagkakasandal o mas tamang sabihing pagkakaunan sa kaniya nito. Wooh! Ang hirap naman ng pwesto ko. Makakatulog ba ako nito?


. . .

A\N: Makakatulog nga kaya siya? Wahehe...

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon