~Chapter 97: Lee Donghae

4.3K 106 3
                                    

HEY MAMACITA NAEGA AYAYAYAYA!!! Lol! LSS si Otor! XD Wag ng pansinin ang nababaliw! XD

~Chapter 97: Lee Donghae

KUYA DAVE's POV



"Wala pa siyang final decision na sinasabi sakin kung ipagpapatuloy niya ang surgery, kaya naghihintay pa din ako."

"Pero alam na niya ang lahat, kung gaano na kalala ang kundisyon niya?"

"Yes, nakinig siya sakin with all her braveness. Mag-isa lang siya nung kinausap ko siya, ang totoo nga niyan siya ang lumapit sakin para sabihin ko na daw sa kanya ang lahat ng nangyayari sa HVD niya. At first, I did hesitate pero nung pinilit niya ako..." he shrug his shoulder.



Ang tanga ko talaga, umalis pa kasi ako eh. Ang totoo niyan, yung project sa Jeju Island ay hindi ko pa naman dapat aasikasuhin, pero dahil nainis ako sa ginawa ni Angel, yung hindi niya sinabi kay Sehun ang sakit niya nung 100th day nila. Nainis ako, nangako kasi siya na sasabihin na niya pero di niya ginawa. Kaya para makaiwas muna, pinaaga ko ang pag-asikaso ng project doon.



Pero ngayon naiintindihan ko na, kaya pala hindi sinabi ni Angel no'n dahil may iba siyang plano. At ito na nga yun, ang mga nangyayari ngayon.



Nakwento na sakin ni Jorenna ang lahat, and even in her stories, I felt the pain na naramdaman ng kapatid ko. Mas masakit lang sa kanya dahil isa siya sa nasa loob ng istoryang nangyayari ngayon.




"Kuya Dave." tinawag ako ni Jorenna na nasa sofa, ako kasi ay nakaupo sa upuan na nasa tabi ng higaan ni Angel.


"Bakit?"


Tulala siya, pero parang natatakot. May itinuro siya kay Angel, tinignan ko naman. Ano ba yun?


"Ano yun?" tanong ko.

"Y-yung kamay niya, kuya. N-nanginginig."



Sinilip ko naman ang dalawang kamay ni Angel, oo nga. Nanginginig nga ang mga ito.


Nag-iisip lang ako kung anong nangyayari ng lumakas ang panginginig niya hanggang sa buong katawan na niya.



"TUMAWAG KANG DOCTOR! BILIS!" sigaw ko. Tumakbo naman agad si Jorenna. Pinindot ko na din ang buzzer dito.



"Angel! Angel!" sinusubukan ko siyang gisingin.

"Lord, please... help her." bulong ko, naiiyak na din ako sa takot.



"WHERE IS SHE?!" may narinig akong takbo, ang doctor na siguro.


"Dave, lumayo ka muna." nakita ko nalang si kuya Lance na nasa tabi ko. Ayoko man ay tumabi na ako, mas alam nila ang gagawin kay Angel.





Napalibutan siya ng mga doctor, pati ng ilang nurse. May ginagawa sila pero hindi ko alam kung ano.




Nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko.



"Kuya..." naiiyak si Jorenna na nasa tabi ko.


"Shh..." niyakap ko siya, "Ok lang, ok lang si Angel." sabi ko. Pero kahit ako, naiiyak na din sa takot.









**


[2 Days Later]

DONGHAE's POV



"Dude! Zup?!"

"Still handsome! Haha!"

"Self-proclaim?"

"Shut up!"

"Hahaha!"


"Hahaha! :D" -___- Haha-in mo mukha mo.



Lokong 'to. Hamak na mas gwapo naman talaga ako sa kanya. Hmp!



I'm in a bar, inom lang. Wala namang magawa, at isa pa kaibgan ko naman ang may-ari nito.



"LEE!" may sumigaw.


Pagkalingon ko.



"Woah! Siwon! You're here?! Akala ko ba busy ka ngayon?"

"Nah~ Need to chill, nakakapagod ding magpagwapo sa harap ng salamin."



-__- Siraulo.


"Ah... ewan ko sayo."

"Hahaha! E ikaw? Nandito ka na naman, napapadalas ah!"

"Kailangan ko kasing ikalat ang kagwapuhan ko. Sayang naman kung salamin lang ang makakakita, diba?!"

"LOKO!"



Hahaha! Ano ka ngayon? Psh!



Ano ba 'yan, para akong nang-aaway. Ka-member ko pa man din. >_>




Mga makikita ko lang sa bar na 'to e yung may mga pangalan lang din, kumbaga kilala sa industriya na kinalalagyan ko. Mga pagandahan at pagwapuhan, psh~ Ganyan naman ang mga yan kapag nasa likod ng camera.




Naglakad ako papunta sa stool, umupo ako do'n.



"Dumidistansya?" bati sakin ng kaibigan ko, si Karuske. Japanese pero dito gustong mamuhay sa Korea. Siya ang may-ari ng bar na 'to.

"Oo, ang papanget nila eh. Baka mahawaan ako."

"Sira. Haha! What drink?"

"The usual."

"Ok!"


Ni-ready na niya ang usual drink na gusto ko, magkaibigan nga kami kaya alam na niya yun. -_-



"Here you go." he said as he serves it.


Ininom ko naman, "Wow. Kahit kailan talaga hindi ka nagmimintis ha?! Masarap talaga ang gawa mo!"


"Ako pa!" pagmamayabang niya.


Natawa nalang ako.



Btw, kung di niyo alam nagsisigawan kami kapag nag-uusap, lakas kasi ng music dito eh.



"Nga pala!" sabi ni Karu short for Karuske.


Tinignan ko lang siya.


"Ang EXO under din ng SME, diba?!"

"OO! Bakit?"

"Yung isa do'n! Nandito pala!"

"Ha?! Sino?!"



Loko yun ah. Mga bago palang nagpapayaman mga naglalasing na?



"Nasa isang private room! Mag-isa nga lang eh! Siya yung na-i-issue ngayon, yung nagwala daw sa isang restaurant!"



Ay, tukneneng. Si siraulong bata nandito. Tsk!



"Saan PR siya nandun?!" tanong ko.

"Sa room 5!"

"Ok! Puntahan ko lang!"

"Ge! Ay, pakidala na din nito!"


May kinuha siyang three bottles, "Pakidala nalang, order niya yan eh."


Tinignan ko lang yung bote, tsk... 'wag na siguro.


"Wag na! Ako ng bahala!"

"Ok. Marami na din nainom yun eh, tatlong araw na nga din pabalik-balik yun dito."



E bakit ngayon mo lang kasi sinabi sakin? =__= Pasalamat ka tropa tayo.


Gaya ng sabi ni Karu, pumunta ako sa Room 5. At wala ng katok-katok ay pumasok na ako sa loob at isinara ulit ang pinto.




"Nasan yung order ko?" tanong niya ng hindi nakatingin sakin, akala niya ata waiter ako.

"Ulul. Pukpukin kita ng bote eh." sabi ko at lumapit sa kanya. Tinignan ko ang mga bagay na nasa mesa, ang kalat. Puro bote na halos, ang dami na ding naimom! Tsk!


"Hoy Sehun! Anong drama mo ha?! Bakit nag-lalasing ka!?" tinignan ko ang karaoke na nasa harap ko, wala namang gumagamit pero nakabukas. Tss.


Tumingala siya at pilit na minukhaan ako, "Hyung? Donghae?"


"Oo gagu ako nga. Anong nangyari sayo?" tumabi na ako sa kanya.



At ang bata, himbis na sagutin ang tanong ko, sumandal lang at pumikit. Tutulugan ata ako.



"HOY!" sinigawan ko nga sa teka.


"Sht naman!"

"Anong sht ka dyan! Hoy bata! Alam mo bang alas diyes na ng gabi?! UMUWI KA NA!"

"Tsk."


=__=



"Ano bang problema? Kumusta pala kayo nung girlfriend mo na balita ko e crush na crush daw ako nun. Makikilala ko na sana yun dati diba? Kaso may pinuntahan na kami nun ng SuJu kaya hindi na siya umabot. O ano nga? Break na kayo? Totoo ba yung sila ni Kai e may relasyon?" yun kasi ang naririnig ko, tatlong araw na nga yun trending e. Paano wala pang sumasagot kung totoo ba ang lahat, tahimik lang din ang SM Entertainment.


"Di ko alam." maiksi niyang sagot.


"Anong di alam? Kung sila ni Kai?"


"Hindi. Di ko alam kung ano ba talagang nangyayari, hyung. O di ko lang gustong intindihin kasi hanggang ngayon di ko pa din tanggap. Ang sakit, hyung."



Napaiwas ako.



Ang bakla mo Donghae, naiiyak ka sa nangyayari sa junior mo. Huk! Kadiri ka!



"Baka naman kasalanan mo din kung bakiy nagkakaganito ang lahat?" sabi ko.

"Hyung, aaminin ko may pagkapanget ang ugali ko, alam mo yun."


OO. Alam na alam. =__=


"But when it comes to her, hyung. Di ko alam kung paano nag-iiba ang ugali ko, it's like automatic na nagbabago ang kilos ko kapag siya ang kaharap at katabi. Kulang pa ba ang mga ginawa ko para sa kanya? Hyung, alam mo naman yung ginawa ko pakikiusap sa mga fans ko noon diba? Na hayaan na nila akong ma-inlove sa isang babae. Ginawa ko yun para sa kanya, isn't that enough? Para sakin nalang siya tumingin at wag na sa iba?!" halatang nahihirapan na siya. Lumagok lang ulit siya ng alak niya.



Ano bang sasabihin ko?? Wala naman akong alam sa totoong nangyari sa kanila.



"Baka naman kasi masyado mong minadali ang lahat. O masyado mo siyang nasakal."

"Tss." ngumisi siya, "I admit, I'm so deeply in love with her. Pero alam ko naman ang limit ko kapag pakiramdam ko e ayaw niya ng ginagawa ko."



Kung magsalita siya parang hindi siya nakainom, yung straight pa din.



"Umuwi ka na, lasing ka na." sabi ko nalang.

"Kahit tatlong araw na akong umiinom, di ako nakakaramdam ng kalasingan." at lumagok na naman siya.

"Ok. Sabihin nating di ka lasing, pero diba dapat mas inuuna mong asikasuhin ang problema mo kaysa ang uminom dito ng uminom?"

"Ano bang problema ko?"



Hestas naman oh! ANG GULO NG BATANG ITO!




"Si Angel, di mo ba siya kakausapin?! At tsaka yung issue niyo, ayusin niyo na. Marami ng naghihintay ng sagot niyo, at isa pa..." teka, ano ba yun? Ano bang dapat kong sabihin para magising 'to at tumigil na sa mga ginagawa niya? Sabi niya mahal na mahal niya si Angel, diba? AH! "Isa pa, alam mo bang ARAW-ARAW kinukuyog si ANGEL sa bahay nila!? Grabe!"


"Di makakapasok ng basta-basta ang mga tao sa subdivison nila."



Ay, Ganun ba yun? Ang tanga naman! >_< Malay ko ba kasi sa bahay nun!




"A-ah! Ang sabi ko sa... sa..." mag-isip ka Donghae!

"CR lang ako, hyung." paalam niya at tumayo na.



Wew! Buti nalang! @0@ Makakapag-isip pa ako kung saan... Ah! Alam ko na kung saan ako makakakuha ng idea.



Kinuha ko ang phone ko at nag-search about sa girlfr-- EX-girlfriend pala ni Sehun.




"Hmmm... ang dami namang lumabas pero... Uy! Ano 'to?!"


May nabasa ako na nasa isang hospital daw yun ngayon, at ang sabi ilang araw na ding nag-i-stay doon.



"Hospital? Siya ba 'to?" bulong ko.

"Who's in the hospital?"

"AY KALABAW! Tsk! Nakakagulat ka naman!" sabi ko, nakabalik na pala si Sehun.

"Sino ngang nasa hospital?" ulit niya.



Sino nga ba? Ay! Bahala na! Kahit hindi ako sigurado na yung ANGEL nga ni Sehun ang tinutukoy do'n sa nabasa ko.



"Y-yung ano mo nga, yung Ex mo. Kinukuyog daw s-sa hospital." >__> Bahala na.

"Ano?"

"Ha?"

"Na-hospital siya?"

"Sino?"

"Si Angel?! Nasa hospital siya ngayon!?!"



Gulp.



Patay ka Donghae. Anong palusot mo ngayon!?




"B-baka ma-HOSPITAL! A-anong nasa hospital?" wooh! Katakot 'tong batang 'to ah.

"But I heard you clearly, you said..."

"Lasing ka nga kasi! Kaya hindi mo ako naintindihan!" ang hilig mo kasing magsinungaling Donghae eh! >_<

"..." nakatingin lang siya.



Hayy naman!



"Ehem! Ganito kasi, baka mamaya o isang araw e kapag lumabas yung girl-- Ex mo, bigla siyang kuyugin ng mga fans mo at BUGBUGIN! Pang! Pang! Pang! Ganun! Paano kapag nabugbog siya? E di maho-hospital, hindi ba?! Kaya kung ako sayo, ayusin mo na ang issue na 'to. Ayusin niyo ni Kai ang lahat ng hindi pa magkagulo. AT BAGO PA MADALA SA HOSPITAL ANG EX MO!"



Wew! Enough na ba yun? Sana nakatulong diba? Baka mapalala pa eh.



"Mahal mo siya diba? At isa pa, babae yun. Niloko ka man niya o hindi, di mo maaalis ang fact na mahal mo pa siya. At alam kong natatakot ka na saktan siya ng iba, kahit siya mismo sinaktan niya." sabi ko pa.


Nagiging expert ata ako? Ehem! Maka-da-moves nga mamaya kay Yoona... ay hindi. May Seunggi na pala yun. -__- Kanino nalang kaya? Psh!



"Uuwi na ako." tumayo siya agad.

"Oy teka! Sabay na ako, hatid na din kita." lagot ako kapag nadisgrasya 'yan. Tsk.











TITO M/MANAGER HYUNG's POV



Ang tagal ni Sehun.



"Nagtext si Donghae hyung, kasama daw niya si Sehun. Ihahatid daw niya, nakita daw niya kasi sa bar eh." sabi ni Baekhyun.



Naglasing na naman. Tsk.


Pero ewan ko ba kung nalalasing yun.




Pag-uusapan namin ngayon kung paano aayusin ang lahat ng walang masasaktan at magmumukhang masama sa mata ng mga tao.


Naalala ko naman nung bumalik ako sa hospital nung gabing matapos magsuntukan nina Kai at Sehun. Pagkarating ko, nagkakagulo sa VIP room ni Angel, yun pala ay nanginginig daw ito. Ang sabi nung doctor ng matapos turukan si Angel ng pangpakalma, baka daw habang tulog ay may panaginip na hindi pa din maganda. Kaya kahit masamang panaginip ay nadadamay pa din ang puso niya, do'n daw siguro nag-iba ang tibok ng puso kaya dahilan para manginig.



And worst alam niyo ba na hanggang ngayon hindi pa siya nagigising? Ang sabi, sa sobrang stress daw siguro ng tao. Gusto daw muna magpahinga at 'wag munang gumising para kahit papaano ay makalayo sa problema.




Kawawa naman ang inaanak ko.





"Nandito na si Sehun." rinig kong sabi ni Lay.



Binuksan na agad ni Xiumin ang pinto, maya-maya ay pumasok na si Sehun at Donghae.



"Yo! Good evening!" bati samin ni Donghae.


At kahit walang maganda sa gabi, bumati din kami sa kanya. Wala naman siyang kinalaman sa nangyayari kaya bakit namin siya hindi papansinin.


"Sige, mauna na ako. Mukhang may pag-uusapan kayo. Manager hyung, uwi na po ako ha? Hinatid ko lang naman si Sehun. At nga pala, 'wag niyo ng pabayaan mag-iinom yan. Makakasama sa kalusugan, busy pa naman ang Exo ngayon." sabi niya at tuluyang lumabas ng bahay.


Hindi man lang ako hinintay na magsalita. Tsk.




Napatingin ako sa phone ko ng mag-ilaw ito at mag-vibrate. May message, binasa ko kung kanino.




From: Donghae
// Hyung, totoo bang nasa hospital ang ex ni Sehun? //



Maka-Ex talaga? -__-



To: Donghae
// Oo, at hindi yun alam ni Sehun kaya wag ka ng maingay. Bakit mo natanong? //



Habang naghihintay ng reply ay tinignan ko ang Exo, nakaupo na silang lahat. Hinihintay nalang na magsalita ako.



From: Donghae
// Pupuntahan ko kasi e, saang hospital ba? //



Pupuntahan niya? Bakit? Oh well, baka kung sakaling dumating si Donghae do'n e magising si Angel.


Sinabi ko na muna kay Donghae kung saang hospital bago muling harapin ang Exo.








"We need to clear things out. 3 days ng naghihintay ang mga tao sa sagot natin, and unfortunately... they're getting more and more impatient." I look at Kai and Sehun.


"Both of you," I point to them, magkalayo sila, di sila pwedeng magtabi baka magkasugapaan na naman at magkasugat at pasa. Mahihirapan na namang mag-make up ang make-up artist namin, "What is your plan? Tutal kayo ang pumasok sa gusot na 'to, including Angel. Pero since wala siya dito, kayo nalang ang bahala. Anong gagawin niyo? Anong sasabihin natin sa tao?"


Nagtinginan ang lahat sa kanilang dalawa.




"Mahirap, lahat ng pwedeng isagot sa kanila kahit anong mangyari sa huli magagalit at magagalit pa din ang mga tao." sabi ni Kai.


Kai has a point.


"Kung sasabihin nating nakipaghiwalay si Angel kay Sehun, sasabihin ng mga tao ang kapal ng mukha ni Angel para siya pa ang makipaghiwalay. Kapag sinabi naman nating ako ang 3rd party, lalabas na malandi si Angel at lalong mas magagalit sa kanya ang mga tao."



"Eh yun naman kasi ang totoo." mahinang sabi ni Sehun.



Walang alam si Sehun na hindi totoo ang relasyon nina Kai at Angel. Kahit ang ibang Exo hindi nila alam, mas mabuti na yun para 'wag muna nilang malaman ang kondisyon ni Angel.


Nakwento na sakin ni Kai ang lahat, pati ang plano ng inaanak ko. Sobrang bait ni Angel, dahil ayaw niyang masaktan si Sehun. Naintidihan ko naman, kahit na medyo labag ako, wala akong magagawa desisyon niya 'yon kaya kailangan ko nalang galangin.



"Shut up." sabi ni Kai.

"Tss. You just can't accept the fact na malandi ang babaeng yun."


Epekto na siguro ng alak kaya ganyan siya sumagot. Ayokong mainis dahil inaanak ko ang sinasabihan niya, kailangan ko nalang intindihin, wala siyang alam.




Tumayo bigla si Kai at aambahan si Sehun ng inawat na siya. Ito naman si Sehun parang wala lang, nakatingin lang sakin. Plain look, di ko siya mabasa.



"Tss. Ilang araw na tayong nagsusuntukan Kai, di ka pa sawa? Sawang-sawa na kasi akong bugbugin yang mukha mo eh." pang-asar na sabi ni Sehun.


Lalo namang nanggigil si Kai.



"Kai! Paawat ka naman, nakainom 'yan kaya ganyan. Hayaan mo nalang." sabi ni Yeol kay Kai.


Naintindihan naman ni Kai kaya umiwas nalang siya ng tingin kay Sehun at huminga ng malalim.



"Tss. This won't make sense." tumayo si Sehun, "Para matapos na, sabihin niyo hindi kami naghiwalay ni Angel, nagkaroon lang ng hindi pagkakaunawaan kaya nauwi sa away pero walang formal break-up. Sabihin niyo din, kaya magkayakap si Kai at Angel ay dahil sa kino-comfort lang ni Kai si Angel sa ginawa ko. Nasigawan ko si Angel kaya natakot at iniwan ako sa restau, sakto naman na nandun si Kai dahil isa siya sa hiningan ko ng tulong para ayusin ang restau. At ako dahil sa konsensya, dinaan ko nalang sa pagsira ng mga bagay sa restaurant, doon ko nalang dinaan ang galit ko at ang pagiging sorry ko dahil natakot ko si Angel at napaiyak. In that way, hindi magiging masama sa mata ng tao si Angel. That will do? Ge, mauna na ako sa taas. Tapos ko ng sabihin ang opinyon ko, yun nalang ang gawin niyo. Alam kong iniisip niyo si Angel, kaya ok lang sakin kahit na ibahin ang istorya. At isa pa, gusto ko ng matapos ang lahat ng 'to. Keysa sa paulit-ulit na sinasabi ng mga tao sa paligid ko na nakakaawa ako kasi napaglaruan ako ng isang babae. Pathetic." iiling-iling siyang naglakad palayo at umakyat na.





Mali ang mga sinabi niya pero... he has a point.




"kahit hindi sincere ang pagkakasabi niya, kahit papaano nag-aalala pa din siya sa magiging tingin ng tao kay Angel. Sige hyung, kahit hindi totoo yun, para lang matapos ang lahat ng 'to. Sundin mo nalang ang suhestyon ni Sehun." sabi ni Suho.

"Oo nga, alam naman nating lahat na tao lang sina Angel at Kai. Mga nagmamahal lang din, kahit na medyo labag samin. Ok na din yun." sabi ni Chen.


Tss. Gusto kong tumawa, kasi ang inosente nila. Hindi nila alam na wala naman talagang relasyon sina Kai at Angel.








At dahil si Sehun na mismo ang nagsabi. Napagdesisyonan namin na iyon nalang ang gawin. Bukas na bukas ay sasabihin na din namin yun, para matapos na ang ingay ng mga tao. Tamang-tama, Monday bukas, Feb.17 uumpisahan namin ang linggo ng tahimik na. Pero para sa mga tao lang, pero kaming nakakaalam ng totoo mananatiling magulo ang mundo.

-----------------------------------------

Author: WAIT~! BASAHIN NIYO ITO! Ang di magbasa di makakatuluyan ang BIAS niya! SIGE!

Ok... alam ko some of you ay naiinip na sa mangyayari, gusto niyong matapos na ang paghihirap at malaman na ni Sehun lahat, na wag ng pahabain ang drama at sakit sa PUSO na happenings pero... di ko pwedeng di habaan. Yung mga SWEET moments nga ng HUNGEL napakahaba tapos pagdating sa TRAGIC and TRIALS iiksian ko lang?? Ang bias naman diba? Ang daming sweets and happy moments pagdating naman sa pagsubok, saglit lang? In REAL LIFE kulang pa 'to, kung sakaling may TOTOONG DALAWANG TAO na katulad ng nasa sitwasyon nina SEHUN at ANGEL, mas mahirap ang lahat. SOBRA kaysa sa mga nangyayari sa kanila sa mga updates ko. At ito nalang yung way para ma-extend ko 'to as you REQUESTED. Matatapos din naman ang paghihirap kaya... konting tiis pa po, PLEASE? TT^TT jebal~ Wag kayong sumuko, suportahan niyo lang si Sehun, kung gusto niyo kunin niyo na kay Angel. :D Pero wag! Mahirap na... baka... Hmm.... MAY SASABIHIN AKO SA INYO PERO.... SECRET MUNA! Hahahaha! :D

O siya! Ang haba na nito! Dedic pala kay lezah_ecyak! Thanks for reading and for the votes! ^__^ Godbless. :)

EXO's ANGEL (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon