~Chapter 84: Second Time

4.8K 108 13
                                    

~Chapter 84: Second Time

ANGEL's POV


"Wag mo ng asikasuhin yan, malakas na naman ang isang yan!"

"Uy! Stop what you're doing, A. Can't you see? Naglalamya-lamyaan nalang yan!"

"Hoy Kai umayos ka nga!"






-_____-




I looked at him.



"Sandali nga, Sehun. What do you thing you're doing? Ganyan ka na kaparanoid, samanatalang inaabutan ko lang ng ONE GLASS OF WATER 'tong si Kai kasi nag PAKIusap siya na bigyan ko siya. What's wrong with that?" sabi ko.



Hindi siya umimik, instead naglakad siya papunta sa sofa at umupo.


Parang bata ah!



"Selos lang yun." mahinang sabi ni Kai habang nakaupo sa hospital bed niya. Mamaya palang siya uuwi, mga after lunch. 8am palang ngayon kaya nandito pa siya. Bumisita ulit ako, kasama sina Joren, Luhan at Soo oppa. Yung iba nasa bahay lang, hindi kasi pwede lahat sumama.


"Selos agad? E nagpaabot ka lang naman ng tubig ah." sabi ko.

Natawa naman siya ng mahina at napailing.

"Ang inosente mo talaga."


Eh? Bakit na naman ako naging inosente?


Lumapit na samin si Luhan at Soo oppa. Si daddy Kris at Tito M nandito pa din, hindi na sila umuwi kasi mamaya din naman lalabas na si Kai.


"Haven't you notice? Kanina ka pa inuutusan ni Kai ng kung ano." -Luhan

"Like, abot mo yung prutas, ipagbalat mo siya, pabukas ng TV, pakuha ng tubig. Kanina ka pa niya pinakikiusapan na gawin ang lahat para sa kanya." sabi ni Soo oppa.


Kunot noo akong sumagot, "E ano naman? Pasyente si Kai kaya ok lang naman yun sakin."

"Ok nga lang sayo, pero kay Sehun, hindi. Alam niya kasing inaasar siya ni Kai kaya naiinis siya, tapos isa ka pa, sunod ka ng sunod, iisipin no'n na hindi mo man lang naisip na nandito siya at nakikita niya ang ginagawa mo para kay Kai."


Ang gulo. E ano naman nga kung gawin ko lahat kay Kai? Ngayon lang naman, kasi PA-SYEN-TE itong si Pororo!


Lumapit na din si daddy Kris at sinuntok si Kai sa braso.


"Ikaw naman kasi, akala ko ba ok na kayo kagabi? Bakit gumaganyan ka pa? Iniinis mo pa yung mas bata sayo na si Sehun eh." sabi ni daddy.


"Wala lang naman yun hyung. Ang boring e, wala akong magawa."


Tinignan ko si Kai.


"YAH!" hinampas ko nga sa braso.


"Aray naman! Kung makahampas ka naman dinaig mo pa bigat ng kamay ni Kris hyung eh."

"Bakit mo naman kasi kami pinagti-tripan ni Sehun?! Tsk. Baka mamaya sakin pa magalit yun, kasi sinagot ko pa siya kanina."


Hala! T^T Paano na?!


Sinilip ko si Sehun.


Yay! Nakasumalmal ang mukha.



"Lapitan mo na." bulong ni Luhan oppa.

"EH! Natatakot ako."

"Bakit naman? Si Sehun yan, asa ka naman na sasaktan ka niyan."



Kahit na! >.<



"Dali na!" tinutulak pa ako ni Soo oppa, pero hindi niya ako kaya, kasi ayoko talaga!



Habang kinukulit nila ako, nakita namin na tumayo si Sehun na nakasimangot pa din at dire-diretso na naglakad papunta sa pinto at lumabas.




O_O



"HALA KA! Walk na yung isa! Hahaha!" si Joren, siya lang ang masaya sa nangyayari. Kanina tahimik siya kasi nasa sofa siya kung saan malapit sa kanya si Sehun.



Anong gagawin ko? Waaaah! MAMA!



"Sundan mo na kasi." sabi na din ni daddy Kris.

"Eh..."

"Tsk. Halika, sasamahan kita."



Pumayag na ako, sasamahan daw ako ni daddy eh.



Lumabas na din kami, nilingon namin ang kaliwa at kanan, tinitignan kung saan pumunta si Sehun.


"Baby, ayun siya. Tara." turo ni daddy Kris, nasa kanan namin si Sehun, malayo na pero, hindi naman ganun kalayo talaga. Ang gulo! Basta sakto lang. Naglalakad lang, saan naman kaya pupunta yun?


"Mauna ka na."

"Ha!? Akala ko ba sasamahan mo ako, daddy Kris."

"Oo nga, mauna ka lang maglakad, wag kang mag-alala nandito lang ako sa likod mo nakasunod sayo."

"Dyan ka lang ah!" sabi ko.


Tumango naman siya.


Nilingon ko na ulit ang gawi ni Sehun.


"Hala! Bakit ang layo na niya agad?!" sabi ko.

"Ang bagal mo kasi. Bilisan mo na!"


Tatakbo ako? Aish! Bahala na.



Nag-umpisa na ako na maglakad ng mabilis, bumebwelo pa ako para tumakbo, at isa pa... pwede bang tumakbo dito? Hospital hall 'to, bawal ata. >__<



Bahala na! Para kay Sehun!



Tatakbo na ako ng.....






KRIS's POV


"Hala! Bakit ang layo na niya agad?!" sabi ni baby.


Paanong hindi lalayo si Maknae e ang bagal niyang maglakad.


"Ang bagal mo kasi. Bilisan mo na!" sabi ko.



Nakita ko naman na unti-unting bumibilis ang lakad niya, pero sakin, dahil sa ang haba ng legs ko, isang hakbang ko dalawa ng kanya. Mabagal pa din ako maglakad.



Pabilis na ng pabilis ang lakad ni baby Angel, feeling ko tatakbo 'to eh. Wow~ Ang swerte ni maknae kay baby ko. -_- Hinahabol siya eh. Ito naman kasing si Sehun ang drama. Tss.



Tatakbo na sana siya ng...




Bigla siyang tumigil.


Oh? Anong nangyari?


Tumigil din tuloy ako, nasa likod ako ni Angel.



"Oh! Bakit ka tumigil?" tanong ko. Pero hindi sumasagot si baby, nakatigil lang siya.


"Uy baby." tawag ko.



Tsk.


Naglakad na ako papunta sa harapan niya, nakita ko siyang tulala.



"Baby, huy!" winagayway ko sa mukha niya ang kamay ko. Pero hindi man lang siya kumurap.

"Hey! Ano ba, umayos ka nga." natatakot na ako sa itsura niya.


Nakita ko ang dilat na dilat niyang mata ay unti-unting tumitirik hanggang sa napapikit at ang katawan niya ay babagsak na, pero bago pa man din ay nasalo ko na.


"Baby!" sigaw ko. Nasa bisig ko na siya, nakaluhod ako habang hawak siya.

"Baby, gising! NURSE!" sigaw ko.



Dahil malapit kami sa nurse station, agad na may lumapit na tatlo.


"What happened, sir?" tanong ng isa.

"I don't know, bigla nalang siyang natulala then suddenly past out." mabilis kong sabi.



Nung may lumapit pang isang nurse na lalaki, mukhang namukhaan niya si Angel.


"Call Dr.Lance, this is her patient! Tell him it's Ms.Angel! Faster!" utos niya sa isa.



Mabilis nilang inasikaso si Angel, binuhat at itinakbo, sumunod lang ako.


Please, be okay.






SEHUN's POV


-____-+++


Badtrip yun si Kai. Alam kong sinasadya niya eh, pero ang mas malala, sa kanya pa kumampi si Angel.

Hindi ba niya nahalata na iniinis ako nung isa?! Urgh!



Kaya himbis na makita nilang inis ako, lumabas nalang ako. Hindi ko lang alam kung saan ako pupunta. Tsk.




Nakita ko naman na yung mga nurse na nakakasalubong ko nagsisitakbuhan, siguro mga 3 o 4 na nurse sila. Ewan. Ano bang nangyayari? Baka may pasyente na nanganganib?


Lumingon ako sa likod, tinignan kung saan sila pumunta.



Tumigil sila sa medyo kalayuan sakin, doon sa nadaan kong nurse station kanina. Yung iba nakaluhod, yung iba nakatayo. Hindi ko makita kung anong nangyayari, nahaharangan kasi ng mga nurse.



I shrugged my shoulders.


"Makakain na nga lang." bulong ko at pumunta ng elevator, bababa ako sa cafeteria ng hospital.






*****




"Si Sehun yun, diba?"

"Oo nga, is he eating alone?"

"Maybe? Saan kaya yung girlfriend niya?"

"Ewan."




Tsk. -_- Kailangan ba kapag ako ang pag-uusapan o pinagbubulungan laging dinadamay si Angel? Para kasi sa tono ng iba, inis sila kay A. Kung di pa din tanggap ng iba wala na akong pakialam.



Kawalang gana tuloy.



Nasa cafeteria na ako ng may dalawang babae naman ako na naririnig na nagbubulungan, hindi ko nga alam kung bulong pa o ano eh. Rinig ko kasi. =___= Kumakain lang ako ng sandwich, masarap naman. Special daw eh.





"SEHUN!"



Sina Luhan at Soo, tumatakbo papunta sakin.



"Kyaah! Si Luhan!"

"At si D.O!"


Kinikilig na sabi nung dalawang babae na malapit sa table ko.


"Bakit?" tanong ko.

"Uwi na tayo!" they said in chorus.



Uwi?


"Ayoko."

"UUWI NA TAYO!" sabay na naman nilang sabi.


"Bakit ba mga hyung? Uuwi tayo? E si Angel na saan?" tanong ko.

"A-ah.."

"Si--"

"Ano?"


"Umuwi na sa kanila." sabi ni Kyungsoo hyung.

"Oo! Kakauwi lang." dagdag ni Luhan hyung.

"What? Umuwi siya ng wala man lang pasabi sakin? Sigurado ba kayo?"

"Oo, LBM. May LBM kaya umuwi na."


LBM? Ano bang kinain nun?


"E bakit hindi nagpaalam sakin?"

"Kasi nga.. ano... ah..." putol-putol na sabi ni Luhan hyung.

"Ano??"


Bakit ang likot ng mata nila? Parang hinahanap nila ang sagot sa mga tanong ko sa paligid nila.


"Galit ka daw, kaya hindi na siya nagpaalam sayo, ang sabi niya kami nalang daw ang magsabi sayo na umuwi na siya."



Aish! Ayan kasi Sehun! Ang drama mo, nagalit ka pa! Ayan! Hindi mo naihatid si Angel!


"Tara, hyung. Pupunta ako sa kanila." tumayo ako, "Sino pala kasama niyang umuwi? Si Jorenna?"

"Nako! Hindi pwede! W-wag ka ng pumunta sa kanila, ang sabi niya kasi mahihiya daw siyang humarap sayo gawa nga ng may LBM siya."


Nahiya pa siya sakin. Samantalang ilang beses ko na siyang narinig na umuutot.



"E bakit pa tayo uuwi?" tanong ko.

"E kasi, may practice daw."


Akala ko ba walang practice ngayon?



Naiba siguro. Tsk. Makauwi na nga.



"Sino bantay kay Kai?" tanong ko habang naglalakad na kami.

"Si Kris hyung, siya na muna at si manager."


Ah ok.


Kinuha ko yung phone ko at itetext ko si Angel.



Saabihin ko na uminom siya ng gamot pang-paalis ng LBM. Kawawa naman yun. Kung anu-ano kasi kinakain eh.






LUHAN & D.O's POV


Sorry, Sehun.


Kailangan namin magsinungalin, hindi mo pwedeng malaman na hindi lang si Kai ang nasa hospital bed ngayon. Kundi pati na din si Angel.







KRIS's POV


[@Hospital Same day, after 3 hours. Time check 11:44am]


"Where is she!?"


Napatayo ako ng dumating si Dave.


"Nasa loob pa, pero sabi nung isang intern kanina na lumabas, sandali nalang daw at ilalabas na si Angel at ililipat na sa VIP room niya." sagot ni manager.

"Bakit emergency room? Ano bang nangyari?"


Walang sumagot, wala pang may alam. Umiling lang si manager hyung, sign na hindi niya alam.



"Aargh! Please! Sana hindi tama ang hinala ko." mariin na bulong ni Dave.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"The last time na dinala siya sa ER, ang dahilan ay tumigil ang heartbeat niya for some seconds. Let's hope na hindi yun ang reason ngayon."


What? Her heartbeat stopped before? Damn.




For some... I guess, 20 minutes after lumabas na din ang iba na nasa ER, si Lance hyung nandito din. Agad kaming tumayo at lumapit sa kanila.



"How is she?" tanong namin.


Isa-isa kaming tinignan ni Lance hyung.



I got a feeling that whatever he'll say... is worst then what we thought.



"Just like before... it stopped again for the second time. And this time, it got more worst, even though we're giving her the right treatment that she needs, the right medicines that she should take. Iba pa din ang kinalabasan, hindi pa namin alam ni Dr.Kim ang reason sa ngayon, we still need to take some test, get a sample blood from her and see what's the problem."





*****




@Angel's Hospital VIP Room



"Ang sabi mo bigla siyang tumigil pero dilat ang mata at tulala. Then after some seconds tumirik at unti-unting pumikit hanggang sa bumagsak ang katawan." -Lance hyung


I nod.


"Well... nung tulala palang siya, I can say doon nagsimula na unti-unting bumagal ang tibok ng puso niya hanggang sa nawala at tumigil na talaga, doon siya bumagsak. Buti nalang nandito siya sa hospital at mabilis na naitakbo sa ER."



Nasa room na kami ni Angel, tulog siya ngayon. Kanina pa siya nailipat, 1 hour na din siguro ang nakalilipas. Si Kai nandito na din, umalis na siya sa hospital room niya at dito nalang daw siya mag-stay.



"Kailangan na niya malaman." sabi ni Dave.


We all looked at him.




Walang sumagot.



"Kailangan na malaman ni Angel, hindi ko na kayang itago o magmaangmaangan na, walang nangyayari sa kanya, sa katawan niya." dagdag pa niya.



Sinabi niya samin na noong unang beses na  tumigil ang tibok ng puso ni Angel hindi niya sinabi ang nangyari. Natatakot daw kasi sila, SIYA, sa magiging reaksyon ni Angel.



"A-anong... kailangan k-kong malaman?"



"Angel!" tawag ni Jorenna at lumapit agad sa pwesto ni Angel.



Tinignan namin at nagising na nga siya, luampit na kaming lahat sa pwesto niya.




"A-ano yung tinutukoy mo kuya Dave?" nakatingin siya kay Dave. Mahina pa ang boses niya.


"W-wala." sagot ni Dave.


I thought gusto na niyang ipaalam kay Angel? SHE HAS THE RIGHT TO KNOW! For me, that's the right thing to do.



"Meron, kuya Dave. Narinig ko, ang kailangan ko nalang malaman e kung ANO ba yung tinutukoy mo."





"Ayaw mong sabihin? Kuya Lance? Joren? Daddy Kris? Kai? Alam kong alam niyo na din, kayo nalang ang magsabi sakin."



Tinitignan niya kami isa-isa.



"Ano? Sabihin niyo naman sakin! Siguro naman may karapatan akong malaman kung tungkol yan sa sakit ko! Please lang! Kailangan ko pa bang magmakaawa para malaman ang kondisyon ng katawan ko? Ng sariling kalusugan ko?! KAILANGAN KONG MALAMAN LAHAT! Yung pagbigay niyo ng ibang gamot sakin, kahit na nagtaka ako, tinanggap ko nalang kasi alam ko na para sa ikakaayos ng kondisyon ko! Pero ngayon..." hinihingal siya, mabilis na siyang mapagod.



"Sabihin niyo na kasi! May karapatan siyang malaman! Please lang." naiiyak na si Jorenna, siya ang pinakamalapit kay Angel, hawak niya ang kamay nito.




"Since I'm your doctor, ako na ang magsasabi." paumpisa ni Lance hyung.








"Your heart...."

--------------

Author: Huhuhu~ T^T Mian kung ngayon lang nag-UD. Busy po kasi ako sa business ko. LOL XD May ibang pinagkakaabalahan kaya nahirapan akong isingit ang pag-UD. Kaya sana ok lang sa inyo na ISANG UD lang ang meron ako ngayon. :\ Baka next week na ulit yung iba.  Kapag marami naman akong na-prepare ipo-post ko naman lahat, kaso ngayon wala talaga. Hope you understand. :)

Anyway, dedic kay EXO_WeAreOne1! Thanks for reading this story. :)) <3

EXO's ANGEL (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon