~Chapter 29: Angry BaekYeol + Calm Lay

10.3K 198 23
                                    

~Chapter 29: Angry BaekYeol + Calm Lay

ANGEL's POV


"Friends?" -Sehun




Tatanggapin ko ba? Baka kasi, napipilitan lang siya e. >.<




"I guess it's too late, huh? Ok lang kung ayaw mo, naiintindihan ko naman kung bakit." sabi niya at ibababa na sana niya yung kamay na inaalok niya sakin pero mabilis ko yun kinuha at nakipag-kamay.


"Friends!" sabi ko tsaka nakipag-shakehands ng wagas. Haha!


Kasi naman nag-iisip pa ako kung tatanggapin ko tapos bigla siyang kikilos ng wala pa akong sinasabi.


"Friends na tayo ha? Ikaw nag-alok kaya pumayag ako! Basta friends ha? FRIENDS talaga ha? As in F-R-I-E-N-D-S! Wag ka ng magsusungit, wag ka ng magpa-poker face sakin, wag mo na akong bubulyawan kasi nakakatakot ka promise! >___<!!!" mabilis kong sabi. Sana naman gawin niya yung sinabi ko kasi, simula kanina, natakot na ako sa kanya. T_T


Narinig ko naman na tumawa siya, pero mahina lang.


*O* First time ko siyang nakitang tumawa sa harap ko. Ang gwapo! Ampf! >n< Oo na siya na may magandang lahi!



*Piiiiinch!*


"A-ara-aaaaaaay! Shehun ano b-ba! Masha-kiiiit~"

"Haha! Ang cute-cute mo."

"Bitaw na, ma-shakit shabiiii~" Huhuhu! TT^TT My poor cheeks! Pinisil niya magkabilang pisngi ko. TOT

"Sorry, hindi ko napigilan e. Hehe!" sabi niya tsaka pa umupo ulit sa stool. Ako nakatayo lang, hinihimas yung magkabilang pisngi ko na kinurot niya.


Salbahe! >o< Mapanakit kayong dalawa ni Kai! Suntukin ko kayong dalawa e.


"Thank you."


Ano ba 'tong nilalang na 'to! Biglang seryoso ang peg.


"Thank you kasi, pinayagan mo akong makipagkaibigan sayo. Thank you din kasi gumawa ka ng alibi kanina, kahit na masasakit yung mga nasabi ko sayo. Pero promise, hindi ko naman sinasadya yun. Nabigla lang din ako, sorry talaga. Tsaka hayaan mo, hindi na kita aawayin o susungitan para hindi ka na matakot sakin." -Sehun

"Dapat lang. >3<" singit ko.

"Ikaw din naman masungit ka sakin e."

"Inumpisahan mo po kasi!" tama naman ako e. Siya kaya nanguna.

"May dahilan kasi ako kung bakit ako nagsusungit." seryoso niyang sabi.

"Ano naman yun?" tanong ko. Chismosa e. XD

Tumingin siya sakin, tapos ngumiti. "Tara, akyat na tayo, inaantok na ako e. Magpahinga ka na din. 1am na oh." sabi niya habang nakatingin sa wrist watch niya.


1am na pala? Kaya pala medyo inaantok na din ako.


"O, sige. Tara na." sabi ko at nauna ng maglakad. May naramdaman naman akong humawak sa wrist ko, tapos hinila ako pabalik at niyakap.


*dub.dub.dub.dub.dub*


?____? Bakit ganito puso ko? Aatakihin na naman ba ako? Kanina ganito din e. >O< Wag muna!


*dub.dub.dub.dub.dub*


>//////< Parang ang init ng mukha ko.




"Aalis ka na agad. Samantalang wala ka pang good night hug sa bago mong kaibigan." sabi niya at hinigpitan ang pagyakap.

"A-ah..."

"Samantalang lahat sila kanina meron, tapos ako wala? Unfair yun."

"Ito na nga oh! Daming sinabi!" sabi ko, and daldal na niya kasi. Hindi ako sanay. >_<

"O, nagsusungit ka na naman niyan?" tapos tumawa siya.

"Hindi ah! Ang daldal mo kasi, hindi lang ako sanay. ( _ _  )" tapos humiwalay na kami sa yakap.

"Pwes masanay ka na. Good night, A!" sabi niya at kinurot na naman ako sa pisngi tapos kumaripas ng takbo.


"Aish~ Ang kulit." sabi ko at hinimas ang pisngi ko


Naiwan na akong mag-isa ulit dito sa kitchen. Pfft! >.<


Naglakad na ako paalis para makaakyat na.



Ano daw sabi ni Sehun? 'Good night,A!'


"A..?"  for Angel?



*dub.dub.dub.dub.dub*



>_____< Makainom nga ng gamot!






BAEKHYUN's POV



"Anong gagawin natin?"

"Ako pa tinanong mo e wala nga ako sa wisyo ngayon." loko 'tong si Yeol e. Ano daw gagawin namin? Magbugbugan kaya i-suggest ko papayag kaya siya? Ay! Wag na, ang laki ng halimaw na 'to kawawa ako kapag nagkataon. -__-

"Ano ba yan Baek! 3:45am na gising pa din tayo!" mahina niyang reklamo. Hindi niya pwedeng lakasan kasi si Lay hyung tulog na, baka magising. Buti pa si hyung tulog na e. Samantalang kami nitong si Yeol gising na gising pa.


Hindi kami makatulog, simula ng umakyat kami hanggang sa sinundo ni Angel sina Chen at Kyung gising pa din kami. Naninibago lang siguro, ibang bahay 'to e. Ganito din nangyari nung bagong lipat kami dun sa bahay na tinutuluyan namin dito.


"Baek ano ba! 3:48am na gising pa din tayo!" reklamo na naman nung isa.

"Oo, Chanyeol alam ko kung anong oras na. Maalam akong tumingin kaya hindi mo na kailangan ipamukha sakin kung anong oras na. 3:48am na? Tignan mo ang susunod dyan 3:49am, hula ko yun ang sunod. Promise! -__-" ang kulit e, maktol ng maktol.

"Pilosopo." bulong niya.



Hindi ko nalang siya pinansin at umupo nalang galing sa pagkakahiga. Magkatabi kasi kami, tapos si Lay hyung nakahiwalay ang hinihigaan niya. Doon siya sa may couch na medyo may kalakihan, sabi niya kasi siya nalang daw dun. Ang yaman nga naman nina Angel, guest room nalang pero kumpleto pa din ang gamit.


"Kung lumabas muna tayo? Doon muna tayo sa baba, sa sala para malibang. Uminom na din tayo ng gatas, baka sakaling makatulong." suggest ni Yeol.


Hmm... pwede na siguro yun. Hindi naman siguro magagalit si Angel kung lumabas muna kami at doon tumambay sa baba.


"Tara."



Nag-jacket lang kami at dahan-dahan lumabas ng kwarto. Baka kasi magising si Lay hyung e, sarap pa naman ng tulog.



"Magtimpla muna tayo ng gatas bago tumambay sa sala." sabi ni Yeol pagkalabas namin.

"Iyo 'tong bahay? Kung makapagsalita 'to." sabi ko.

"Hindi naman magagalit yun si Angel, ang bait kaya nun. Tignan mo nga kanina, gumawa pa siya ng palusot para hindi mapagalitan sina Kai at Sehun. Tsk, naawa nga ako sa kanya kanina e. Grabe din kasi yung mga sinabi ni Sehun." sabi niya habang naglalakad kami. Saan ba yung hagdan? Dulo kasi 'tong kwarto namin e, may likuan pa. Malaki nga kasi 'tong bahay. Mansion na ata 'to sa laki.


Sa totoo lang, kahit ako nainis sa mga isinigaw ni Sehun kanina. Hindi naman siya ganun e, kaya nagulat nalang ako kanina ng bumulyaw siya. Tapos itong sina Kai, Kyung at Chen... parang may tinatago. Alam niyo yung nararamdaman niyo na parang may alam sila na hindi namin alam. Ganun yun e, tapos nung nandun pa kami sa bahay namin talaga, madalas ko silang napapansin na nag-uusap silang tatlo, as in silang tatlo lang tapos ang hihina ng boses kapag nagsasalita. Ano kayang meron?




"Baek tignan mo!" sabi ni Yeol at hinila ako sa isang tabi.


"Aray naman! Alam mo yung word na dahan-dahan? Pisti." sabi ko. Bastos e, nag-iisip ako ng malalim dito habang naglalakad kami papuntang hagdanan para makababa, tapos bigla nalang manghihila? Kung mas matangkad lang ako dito malamang lagi ko 'tong nababatukan.


"Hindi kasi, tignan mo muna yun oh! Parang may nagkakagulo." sabi niya at may tinuro, sinundan ko naman yung tinuturo niya at nakita ko isang pintuan na bukas tapos bukas din ang ilaw sa loob ng kwarto na yun at parang... medyo natataranta yung tao sa loob nun kasi kita ko sa anino gawa ng may ilaw, na palakad-lakad sila.

"Kanino bang kwarto yan?" tanong ko. Medyo nilibot ko na din yung tingin ko. Sus! Malapit na pala kami sa hagdan.


"Hindi ko alam e, tignan natin." sabi niya at naglakad dahan-dahan papunta sa kwarto na yun.

"Ang tsismoso mo alam mo yun? Mana ka sakin. Tabi nga dyan, ako na mauuna." sabi ko tsaka umuna ng pwesto, ang bagal kasi niya e. Ninja turtle lang, as in TURTLE sa sobrang bagal.



Nung medyo nakakalapit na kami may mga naririnig na akong boses, hindi ko alam kung sino yun pero alam ko lalaki ang nagmamay-ari.


Alam niyo ba yung itsura namin ni Yeol? Naglalakad kami habang nakasiksik sa pader. Gets niyo? XD




"Hindi mo pa ba nakikita?!"

"Hindi nga! Angel saan mo ba kasi nilagay?!"

"Yung kuya niya tawagin mo!"

"Paano ko matatawag e hindi ko alam kung saan kwarto nun!"





"Sina Chen at D.O ba yun?" bulong sakin ni Yeol. Nandito na kasi kami sa gilid ng pinto, pero hindi pa kami makasilip kasi baka mahuli kami. XD Nakikinig lang muna kami.

"Parang. Ssh... wag ka munang maingay, pakinggan muna natin." sabi ko.







"Yung doctor niya na saan? Diba dito din yun natuloy?" -Kyung

"Si Dr.Suarez? Oo sabi ni Angel dito din daw natulog kaso hindi ko din alam kung saan kwarto nun." -Chen

"No choice!" sigaw ni Kyung. Bakit ba natataranta sila? At ano bang meron kay Angel?

"Bakit? Wag mong sabihin na kakatukin natin lahat ng kwarto dito?!" -Chen

"Wala na tayong magagawa! Kapag hindi pa natin tinawag ang kuya o ang doktor niya baka matuluyan 'tong si Angel!"

"Angel naman kasi bakit mo winawala ang gamot mo." biglang hinahon na sabi ni Kyung.








"Baek." narinig kong seryosong tawag ni Yeol kaya nilingon ko siya.

"Bakit?" tanong ko. Pero parang pareho na ang iniisip namin.

"Anong meron kay Angel?" -Yeol

"Hindi ko alam, but there's only one way to find out." sabi ko tsaka dumiretso ng tayo walang sabi-sabing pumasok sa kwarto kung nasaan sina Angel, Kyung at Chen. Naalala ko na dito pala sina Kyung at Chen sa kwarto ni Angel matutulog.

"Teka Baek!" narinig kong awat sakin ni Yeol pero hindi ko siya pinansin. Kaya ang nangyari, sumunod nalang siya.



Pagpasok namin, hindi ko inaasahan ang makikita ko. Si Angel nakaupo habang nakasapo ang kamay sa dibdib niya at halatang nahihirapang huminga, namumutla din siya at pinagpapawisan. Samantalang may aircon naman ang kwarto niya. Si Kyung nasa tabi niya at hinihimas ang likod si Chen naman hindi alam ang gagawin. Hindi pa nila napapansin ang pagpasok namin dahil masyado silang focus kay Angel.




"An-anong... meron dito? Anong nangyayari kay Angel?" sabi ko. Kaya napatingin lahat sila sa direksyon ko, kahit si Angel na hirap na hirap kumilos. Mas lalo ko tuloy nakita ang mukha niya na hirap na hirap.


"Sht! Bakit ang putla mo Angel?!" sabi ni Yeol at tumakbo papunta kay Angel.


"Anong ginagawa niyo dito? Bakit gising pa kayo?" tanong ni Chen. Halata sa kanya na kinakabahan siya.


Puta! Nababadtrip ako. Feeling ko talaga may tinatago sila!


"Nauna akong nagtanong kaya ako muna ang sagutin niyo. Anong nangyayari dito!?" napalakas na ang boses ko. Bakit kasi pilit pa nilang tinatago kahit obvious na?

"Pwede ba Baek wag ka ng sumabay!" inis na sabi ni Chen.

"Sumasabay!? Sino ba dito satin ang may tinatago ha?" balik ko sa kanya.

"Tinatago?! Ano bang sinasabi mo?" maang-maangan na sabi ni Chen.

Tumawa ako ng peke, "Huh! Singer tayo, Chen. Hindi actors kaya wag kang umarte na wala kang alam dyan. Ano bang meron kay Angel at nagkakaganyan siya?! May sakit ba siya?! Anong sakit niya at bakit hindi niyo sinasabi samin?!" akala ko ba ONE kami? Akala ko ba dapat nagtutulungan kami, walang sikreto sa isa't-isa pero ano 'tong ginagawa nila? Gaguhan lang?



Sasagot na sana si Chen ng may ibang nagsalita.


"Mag-aaway ba muna kayo bago niyo asikasuhin si Angel?"


Tumingin ako sa likod ko kung saan ang pinto. Si Lay.




"G-ga-m-mot... kuya La-ance..." hinang-hina na sabi ni Angel kaya napatingin naman ako sa kanya. Tinuro niya ang pinto ng kwarto niya, "Sa k-anan kwar-t-to ni-niya."



"No need. Meron ako." tapos dire-diretso siyang naglakad papunta kay Angel. "Kyung, tubig dali." sabi ni Lay.


Dali-dali naman na tumayo si Kyung at pumunta sa isang mini fridge at kumuha ng tubig.



Pinainom nila ng kung anong gamot si Angel, hindi lang isang gamot. Dalawa yun pero halatang magkaiba. Maya-maya din ay inalalayan nilang humiga si Angel.



Lumapit ako ng konti sa higaan ni Angel. Nakita ko naman na unti-unting pumipikit ang dalawa niyang mata, hanggang sa nakatulog na siya.


Nakatitig lang ako sa mukha niya na... maputla.







CHANYEOL's POV


Tahimik. Walang nagsasalita samin.


Si Angel tulog na, siguro 15 minutes na din ang nakakalipas simula ng makatulog siya.



Si Chen nasa sofa bed, nakatungkod ang dalawang siko niya sa magkabilang hita niya at nakayuko. Si Kyung nasa sahig, sa gilid ng kama ni Angel, tulala. Si Lay nandun sa may bintana ng kwarto ni Angel, nakasilip. Si Baek, nakatayo sa isang tabi halatang maraming gustong itanong. At ako? Ito nakaupo sa dulo ng kama ni Angel.



Ang sakit sa ulo. Madaming tumatakbong tanong sa utak ko na kailangang bigyan ng sagot. Katulad ng, ano bang meron? Anong nangyayari? Bakit nagkaganun si Angel? May sakit ba si Angel? Bakit parang may alam sina Chen, Kyung at pati si Lay hyung? Ano yung gamot na pinainom? Bakit nung pinainom yun kumalma agad si Angel? Bakit tahimik kami? Bakit parang takot magsalita ang isa samin? May dapat ba kaming malaman?


Ugh! Sumasakit ang ulo ko!


Napayuko ako at napapikit. Kaso sa pagpikit ko... nakita ko ang mukha ni Angel na sobrang putla, yung nakita ko kanina.


Napadilat ako sa kaba. Parang feeling ko, hindi basta-basta ang sakit ni Angel. Feeling ko sa susunod, hindi lang maputla niyang mukha ang makikita ko, parang may mas malala pa akong makikita in future.


Hindi ko na kaya 'to. Obvious na ang lahat, hindi na nila kayang itago pa.


Maputla, namamawis kahit malamig, nakahawak sa dibdib, hirap huminga, akala mo hinihika lang pero hindi, at yung gamot.



"Anong sakit meron si Angel?" tanong ko. Ako na ang bumasag ng katahimikan, wala akong mapapala kung hahayaan ko lang na ganito.


Walang sumagot.


"Bakit hirap siyang huminga kanina at nakahawak pa siya sa dibdib niya?" tanong ko pa.


Tahimik pa din.


"Para saan yung gamot? Hindi ko basta-basta nakikita kung saan-saan ang pinainom niyong gamot sa kanya kanina, kaya alam kong ibang-iba ang gamot na 'yon."


Wala pa ding sumasagot o nagsasalita.




"PUTA!!! Sumagot kayo! Wag niyo akong gawing tanga dito o kami ni Baekhyun!" napatayo na ako at isa-isang tinignan ng masama sina Chen, Kyung at Lay. Nakatingin na din sila sakin simula palang ng tumayo ako at napasigaw. Hindi naman nagising si Angel, dahil na din siguro sa pagod na naramdaman niya.




"Kung i-explain ba namin sayo, maiintindihan mo?" tanong ni Kyungsoo.

"Maintindihan ko man o hindi, at least malalaman ko kung anong meron." seryoso kong sagot.


Napansin ko na lumapit si Baekhyun sa pwesto namin ni Kyung.


"Akala ko ba ISA tayo? Pero ano 'to? Tinatago niyo samin ang isang bagay na dapat alam namin. Paano kung mangyari ulit ang nangyaro kanina? Tapos wala kaming alam. E di hindi namin alam ang gagawin?! Nakakagago lang." pinipigilang mainis ng sobra ni Baek.

"Sa tingin niyo ba gusto namin 'tong nangyayari?" tanong ni Chen na medyo may inis na tono.

"Bakit? Ano ba 'tong nangyayari? Anong ba ang tawag sa mga nangyari kanina? Ha Chen?!" -Baek


Hindi sumagot si Chen.


"Huh! Bakit hindi ka makasagot? Kasi may ITINATAGO kayo!" tapos tinignan pa ni Baek sina Kyung, Chen at Lay, "Ikaw Lay hyung, wala ka bang balak na magsalita dyan? Pati ba naman ikaw magtatago samin?! Saan mo nakuha yung gamot at bakit meron ka nun?!" baling niya kay Lay hyung.



Humarap si Lay hyung samin, pero kalmado pa din ang itsura niya.



"Sa tingin niyo Baek at Yeol. Bakit hindi namin masagot yang mga tanong niyo kahit obvious naman na may alam kami at kayang-kaya naming sabihin ang lahat?" -Lay

"Kasi makasarili kayo!" bulyaw ni Baek.

Ngumiti si Lay hyung, pero halatang peke, "Makasarili?  Kung yun ang tawag samin, ano pang maitatawag niyo kay Angel?" tanong niya.



Doon naman napatahimik si Baek at doon ako napaisip.



Tama si Lay hyung. Sino ba dito samin na nasa loob ng kwartong ito ang nagpasimula isikreto? O kanino nagsimula.




"Ayaw niyang ipaalam. Yan ang laging nakatatak sa isip ni Angel. Ang wag niyong malaman ang sakit niya, pero dahil nandito na kayong dalawa, nakita niyo na't lahat-lahat at gusto niyong malaman... bakit nga ba hindi pa namin sabihin sa inyong dalawa?" -Lay


Tahimik lang kami, hinihintay ang kasunod niyang sasabihin.


"Baekhyun at Chanyeol, hindi lang kayo ang gulat dito. Pati sina Kyung at Chen, alam kong gulat din sila. Dahil hindi nila alam na may nalalaman ako tungkol sa pinakatatago nilang tatlo nina Kai." -Lay



May alam si Kai?



"Sa tingin ko halos sabay lang kami ni Kai nang malaman namin ang sakit ni Angel, nauna lang siguro siya ng ilang oras. But we found it out on the same day. Paano ko nalaman? Aksidente kong narinig sina Tito M at Kai sa bahay natin na nag-uusap. Wala dapat akong  balak makinig nung time na yo'n pero nung narinig ko ang salitang binitiwan ni Kai, napatigil ako sa pag-alis. Ang sabi kasi ni Kai, 'Alam kong alam mo hyung, na may sakit si Angel.'. Akala ko nung una basta-basta na sakit lang, tulad ng lagnat pero hindi pala. Tinuloy ko ang pakikinig hanggang sa sinabi na ang totoong tawag sa sakin ni Angel at iyon ay..." halatang nahihirapan ituloy ni hyung ang sasabihin niya. Kaya nagsalita na si Kyungsoo.



"Heart Valve Disease. No cure, only medicines to prevent the symptoms. Ngayon, ok na ba? Alam niyo na, sana lang makita niyo si Angel na masaya kapag nalaman niya na may nadagdag na naman na dalawa, no... tatlo pala na nakadiskubre ng sakit niya." singit ni Kyung tsaka tumayo sa pagkakaupo sa sahig.



"Bakit? Hindi ba mas maganda na alam nating lahat na may sakit siya para nababantayan natin siya." sabi ni Baek.


Lumapit na din si Chen sa pwesto namin at siya ang sumagot sa sinabi ni Baek, "Baekhyun, hindi tayo normal na tao para magkaroon ng malaking oras para bantayan si Angel. Alam ni Angel yun kaya nga ayaw niyang ipaalam kasi ayaw niyang maging pabigat pa satin. Naiintindihan mo ba?"


"Kaya nga hindi ko nalang sinabi sa inyo na alam ko na. Dahil alam kong sisisihin na naman ni Angel ang sarili niya kung bakit tayo namomroblema sa kanya." -Lay




Tumahimik ulit kami.



Ako, hindi ko na nagawang magsalita pa ulit. Bakit? Bakit si Angel pa?



Tinignan ko ang mukha ni Angel na mala-anghel kung matulog. Pero halata sa mukha niya na may pinagdadaanan siya.



Bakit ang damot mo? Bakit mo sinasarili? Hindi ka naman isang pabigat samin. Sa totoo nga niyan, isa ka sa nagpapasaya samin lalo na kapag nagtetext ka araw-araw sa umaga at lagi kaming binibilinan na wag maging pabaya sa sarili kahit hectic ang schedule namin.


Kami sinasabihan mong wag pabayaan ang mga sarili namin, e ikaw? Inaasikaso mo ba ng tama ang sarili mo?

---------

AUTHOR: Ito po ay UD ko. Obviously. Hahaha! Dapat next week pa kaso napaaga kasi nagsisipag na talaga ako. LOL XD Dedic ko nga pala 'to kay pinkypromise00 ang as I've promise. Ito na siya. XD Muah! :*

EXO's ANGEL (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon