~Chapter 50: K---???

8K 147 35
                                    

~Chapter 50: K---???

DAVE’s POV



Her heartbeat stopped that’s why we took her to the emergency room.” -Lance


“Her heartbeat stopped.”

“Her heartbeat stopped.”

“Her heartbeat stopped.”

“Her heartbeat stopped.”

“Her heartbeat stopped.”



I ruffled my hair hardly and afterwards I gazed my eyes where Angel is.  Lying on a hospital bed and up until now she’s unconscious.


Parang kailang lang nandito siya sa hospital at ngayon, nandito na naman. Magkaiba nga lang ang dahilan, nung  nakaraan stomach pain lang pero ngayon…



“Her heartbeat stopped.”




Nung dumating ako kanina dito sa hospital at nakita si Tao. Tinanong ko siya kung nasaan si Angel, tinuro niya ang ER kaya naman nagulat ako kung bakit nasa ER agad si Angel. Hindi ba simpleng atake lang ang nangyari sa kanya?


Tinanong ko si Tao kung bakit sa ER dinala pero kahit siya hindi niya alam. Sakit nga ni Angel hindi niya alam, paano pa kaya ang dahilan ng pagdala kay Angel sa ER.


Nakita ko kay Tao ang pag-alala at kaba. Umiyak pa nga, kaya sa huli naisipan kong sabihin sa kanya ang lahat kasi kahit itago ko pa. Mismong mga mata na niya ang nakakita at kapag hindi ko pa sinabi sa kanya, maari siyang tumawag o sabihin niya sa iba ang nangyari. Yun ang hindi pwede, alam kong tatlo nalang ang hindi pa nakakaalam sa Exo pero importante kay Angel na kahit papaano ay meron pang hindi nakakaalam ng sakit niya.



Kapag nakwento ni Tao ang nangyari, magtataka sina Suho lalo na si Kris na sabi ni Umin hyung na malakas daw ang kutob niya na naghihinala si Kris sa mga ikinikilos nila.





Pumapayat ng pumapayat, madalas maputla.



Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Angel at pinisil ito.


“Angel, alam kong malakas ka kaya please lang, lumaban ka lang. Alam kong lumalaban ka kasi kung hindi, sana hindi na nabalik ang tibok ng puso mo diba?” naiiyak na ako. Yumuko ako at pinunasan na agad ang namumuong tubig sa mata ko.


Kaso bumabalik ng bumabalik, lalo na kapag naaalala ko pa ang isang sinabi ni kuya Lance.



“Hindi lang pwedeng isang beses lang ‘to mangyari. Pwede siyang umulit depende sa sitwasyon, and please lang Dave. Pakibantayan maigi si Angel, ayon kasi sa isa pang doctor na tumitingin din kay Angel, mukhang madalas daw makalimutan nito ang pag-inom ng gamot sa tamang oras. At minsan, vitamins lang ata ang iniinom niya pero ang gamot… mukhang bihira na naman.”



Gamot na naman. Ano bang meron sa gamot?


“Angel, ano bang meron sa gamot at hindi mo mainom ng tama at ang malala, mukhang sinasadya mong hindi uminom. Gusto kong mainis sayo pero… hindi ko magawa kasi alam kong nahihirapan ka rin. Alam kong nakakasawa ang gamot pero sana naman isipin mo na kailangan yun. Kailangan ang gamot para tumagal ka at hindi na lumala pa kahit na may damage na.”


Alam kong hindi siya sasagot, gusto ko lang talagang sabihin ang mga bagay na hindi ko masabi sa kanya kapag magkaharap kami ng gising siya.



Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko tinignan kung sino ang pumasok, alam ko naman na si kuya Lance lang ‘yan.




“How is she? Any movements?” rinig kong tanong ni kuya Lance.

“Nothing, aside from breathing normally.” Sagot ko.


“I see.” Lumapit siya at may tinignan kay Angel. Binukas niya ang isang mata at tinapatan ng ilaw, yung parang flashlight na maliit.


“She’s now sleeping. Siguro pagkagising niya hindi niya maaalala ang lahat ng nangyari bago siya nawalan ng malay. So, mas maganda siguro kung ‘wag mo ng sabihin sa kanya na dinala siya sa ER ‘cause her heartbeat stopped for some seconds.”

I look at him, “Ha? Hindi ba mas maganda kung sasabihin natin sa kanya para mas aware siya na pwedeng maulit yun kung hindi niya aalagaan ng mabuti ang sarili niya?”

I heard him sighed, “Yes, we can use that to warn her for what might happen in the future. But what I’m trying to say is, it may affect her emotionally. Baka lagi na niyang isipin na she’s near death kasi dahil lang sa tumigil ang tibok ng puso niya ng ilang segundo.” Inayos niya ang gamit na dala niya at tsaka tumingin ulit sakin, “Well, it’s up to you if you’ll tell her or not.” Tumalikod na siya at lumabas na ng kwarto.



Ano bang dapat kong gawin? Sasabihin o hindi? May point din si kuya Lance pero… I sigh as if there’s no tomorrow.



Narinig kong bumukas ulit ang pinto ng kwarto. Si kuya Lance ulit siguro, baka may nakalimutang sabihin. Pagkatingin ko, nagulat ako ng hindi si kuya Lance ang pumasok.





Si…


Si K---



EXO's ANGEL (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon