~Chapter 77: Miracles In December

5.9K 118 4
                                    

~Chapter 77: Miracles In December

KYUNGSOO's POV



"Boiji annneun neol chajeuryeogo aesseuda
Deulliji annneun neol deureuryeo aesseuda~"




*clap clap clap*




Um-exit na kami pagkatapos kumanta ng comeback song namin na 'Miracles in December'.




"Baek, may tissue ka dyan? Penge nga." rinig kong sabi ni Chen.

"Teka lang." sagot naman ni Baek.

"Baek, may perfume ka? Penge na din." -Chen

"Kunin ko lang..... o ito." inabot naman ni Baek.

"Baek, peram ngang scarf mo, ang lamig eh." -Chen

"Scarf? O sig-- Teka nga. Lahat nalang hiniram mo sakin. Wala ka bang sarili mo?" tanong ni Baek.

"Meron. Katamad lang kunin eh." sagot ni Chen.

"Bwiset ka." sabi ni Baek.



Natawa nalang ako sa kanilang dalawa.



"Tawa ka dyan?" puna sakin ni Baek.

"Nakakatawa kayong dalawa eh." sabi ko.

"Gusto mo ikaw pagtawanan ko ha liit?" asar niya.

"Matangkad ka?" tanong ko.

"May sinabi ako? Tss." bumalik nalang ulit siya sa pagkakalikot sa gamit niya.




"Ang tagal naman ata ng ibang Exo? Nasaan na daw ba sila? Magshu-shoot pa tayo ng perf natin para sa 'Christmas Day' na kanta." sabi ni Chen.


Ah, may speacial stage pala kami ngayon. Pwera sa Miracles In December, ipe-perform din namin ang Christmad Day na kasama sa mini album namin.




*tok tok tok*


Tumingin kami sa pintong bukas ng dressing room, nakita namin ang assistant manager namin.


"Nandyan na ang iba." sabi niya at umalis din.



Maya-maya ay nagsipasukan na din ang hinihintay namin. Kaso bakit lahat sila nakasumalmal?



"Anong meron?" tanong ni Baek.


Kaso walang sumagot sa kanya.



"Ang lamig-lamig ng panahon pero ang mga itsura niyo parang tinapatan kayo ng araw sa mukha kung makasimangot." sabi ni Chen.




"Si Angel kasi." paumpisa ni Yeol.

"O anong meron kay Angel?" tanong ni Chen.

"Ang sungit! Lahat kami sinungitan!" sabi ni Tao.


Tinignan ko si Sehun.


"Kahit ikaw, Sehun?" tanong ko.


Nakasimangot na tumango siya.



"Eh nasaan ba? Ang sabi niyo kasama niyo yun kapag pumunta kayo dito." -Baek

"Nandyan nga, kasama ni manager hyung." sagot ni Suho.




May pumasok naman na dalawang tao, yung pinag-uusapan namin.



"Oh? Bakit hindi pa kayo mag-ayos?" tanong ni manager hyung. Si Angel naman nandun lang sa tabi niya, kinakalikot ang phone.


Isa-isa namang nagsitayuan ang iba. Tatlo-tatlo lang ang magpapalit ng damit kasi 3 fitting rooms lang meron dito.



"Angel! Buti nakasama ka!" bati ni Baek.


Tumingin naman sa kanya si Angel.


"Bakit? Ayaw mo?" mataray niyang sabi.



Ang sungit nga. Ano kayang meron?



"H-hindi naman sa g-ganun." mahinang sabi ni Baek.

"Akala ko ayaw mo eh." sabi pa ni Angel.



Tumingin si Baek kay Chen na lumalabi-labi.



"Nakakatakot." bulong ni Baek. Rinig ko kasi magkakatabi lang kaming tatlo.

"Ang panget naman kasi ng tanong mo, tignan mo ako. Hindi ako susungitan niyan." confident na sabi ni Chen at tsaka tinawag si Angel.


"Angel! Ang ganda mo ah! Anong meron at blooming ka?" masayang sabi ni Chen.

Tinaasan siya ng isang kilay ni Angel.


"Ano bang meron? E lagi namang ganito ang itsura ko." pagtataray niya.


Yumuko si Chen.


"Ang taray." bulong niya.



Ako? Kakausapin ko ba? Baka matarayan lang din ako eh.



"See? Ang taray niya, hindi namin alam kung bakit." bulong ni Xiumin na malapit lang din sakin.



"Hoy Kyungsoo!" mahinang tawag sakin ni Kai. Nilingon ko naman.

"Oh?"

"Ikaw naman, batiin mo. Ikaw nalang ang hindi pa natatarayan, dapat maranasan mo din." mahina niyang sabi. Iniiwasan na marinig ni Angel.


Tinuro ko ang sarili ko, "Ako?"


"Oo! Unfair naman kung hindi ka matatarayan." sabi ni Baek.

"Kasalanan ko ba kung natarayan kayong dalawa? Alam niyong mainit nga daw ang ulo pinansin niyo pa." sabi ko kayna Chen at Baek.

"Basta! Pansinin mo! Bilis!" pamimilit ni Baek.

"Ayoko nga."

"Pansinin mo sabi eh!"

"Ayoko nga, ang kulit."

"Ikaw ang makulit! Pansinin mo na ng matarayan ka din! Unfair!"

"Manahimik ka dyan kundi sasapakin kita." sabi ko. Ang kulit. Tsk!

"Ang lupet naman, mananapak agad. Magsama kayo ni Angel, susungit niyo." tampu-tapmuhan na sabi niya.




Nakakatakot na nga nung kayo ang tinarayan sa tingin niyo gagawin ko din? -_-




Dahil hindi ko nga pinansin si Angel, sina Baek ang gumawa ng paraan. Tsk. Kulit talaga.



"Angel, tawag ka ni Kyungsoo!" sabi ni Baek kay Angel.

"Hello daw!" sabi naman ni Chen.



Sinapak ko naman sa balikat yung dalawa.


"Aw~" inda nila.



Pasimple ko namang sinilip ang itsura ni Angel.




^____^ -Angel


"Oppa Kyungsoo!" tumakbo siya palapit sakin, "Waaah! Na-miss kita! Ang ganda ng boses mo, lalo na nung pinanood ko yung perf niyo ng Miracles in December sa bawat music show. Grabeee! Ang ganda talaga." masaya niyang sabi sakin.



Akala ko ba masungit?



"A-ah... ganun ba? Salamat." sabi ko.

"^___^ Mamaya galingan mo ha? Aabangan ko ang pagkanta mo." sabi pa niya.

Ngumiti ako, "Sige, gagalingan ko lalo para sayo."

"Thank you!" masaya niyang sabi.


Laglag panga naman ang itsura ng iba ng tignan ko sila. Tumayo si Baek ng padabog.



"ANG DAYA! Bakit sa kanya hindi ka nagsungit?!" sigaw ni Baek.


Tila bula naman ang ngiti ni Angel, biglang nawala. Hinarap niya sina Baek ng nakasimangot.


"Ano bang inirereklamo mo? Masungit ba ako??" tanong niya.


Nakita kong napalunok si Baek, "H-hindi. A-ang bait mo nga ngayon eh... Sobra. Hehe." at tsaka siya umalis at pumasok sa isang fitting room.


Humarap si Angel sakin at ngumiti na naman, "Oppa, samahan mo ako mamaya."

"Saan?"

"Bibiling bubble tea. ^_^"

"Bubble tea?"

"Hm-hm." tango-tango siya.


Tinignan ko si Sehun na nakasimangot na nakatingin samin.


"Bakit hindi ka kay Sehun magpasama?" tanong ko.

"Eh! Sayo ko gusto!"

"Ok. Ok. Sige, sasamahan kita." makapayag na, bago pa ako sungitan.



Tumayo si Sehun at lumapit samin.


"Hey, A. Ngayon lang ako papayag na ganyan ka ha? Sa susunod kapag umulit ka pa yari ka na sakin. Pasalamat ka nasabi sakin ni Jorenna na may red alert ka, kaya hinahayaan kitang magsungit at i-snobin ako." sabi ni Sehun at umalis din dahil magbibihis na siya.

"Pfft. Nagsusungit ba ako?" tanong niya ng nakanguso.


Kinurot ko yung kanang pisngi niya.


"Hindi ka nagsusungit. Namimili ka lang ng kakausapin ng matino haha!" sabi ko.








SEHUN's POV


Lagi ko namang binibilhan ng bubble tea tapos ngayon kay Kyungsoo hyung gustong magpasama? Tsk. Kanina pang umaga ako nakakatikim ng kasungitan nun eh, nagulat nalang ako bigla akong inirapan. Buti nalang nandun si Jorenna at sinabi sakin na may ano nga daw... yun na yun. -///-



"Nakakatakot pala si Angel kapag masungit." sabi ni Luhan hyung.

"Hindi nakakatakot, nakakapanibago kamo." sabi naman ni Lay hyung.

"Hayaan niyo nalang mga hyung, mawawala din kasungitan nun." sabi ko.

"Sabagay, baka mamaya o bukas back to normal na yun. Hindi tulad mo, mas madalas ka pang masungit kaysa dun eh, parang ikaw ang laging dinadalaw ng red alert." pang-aasar ni Luhan hyung.


Tinignan ko lang siya at siya naman ay nag-peace sign at tsaka umalis na kasama si Lay hyung. Pupunta na ng stage, sasayaw na kasi kami ng 'Christmas Day'.



"Ok na ba kayong lahat? Kung ok na, sige umakyat na kayo sa stage." sabi ng isang staff.



Ok na ba ako?


Tinignan ko ang damit ko. Maayos na siya, pati make-up ko ng napakanipis dahil hindi na naman talaga kailangan ng make-up kasi natural beauty na ako, ok na. Angal ka?



Maglalakad na ako ng may naramdaman akong humila sa damit ko sa likod. Hindi naman malakas, parang pinigilan lang ako sa pag-alis.


Sinilip ko naman kung sino at nakita ko si Angel.



Nakahawak pa din ang kanang kamay niya sa likod ko habang ang kaliwa niyang kamay ay nakatago sa likod niya.



"Bakit? May sasabihin ka?" tanong ko. Wag kayong mag-alala, hindi ko siya sinusungitan, normal ang tono ng boses ko. Mahal ko 'tong babaeng 'to kaya kahit sungitan ako habang buhay, ok lang.


Inalis na niya ang pagkakahawak sa damit ko at tsaka yumuko, "May nakalimutan ka."


Nakalimutan?


"Anong nakalimutan ko? Ikaw? Hayaan mo, babalik naman ako sayo pagkatapos ng performance." sabi ko.


Narinig ko naman ang mahihinang kilig-tawa ng ibang babaeng staff na nandito.



"Hindi yun! >.<" sagot niya.

"E ano ba kasi? Buti naman hindi ka na nagsusungit. Lakas ng mood swings mo ha." sabi ko.

"Tse!"

"Haha! Biro lang." sabi ko, "O ano ngang nakalimutan ko?"


Himbis na sumagot ay inilabas niya ang kaliwang kamay niya na nakatago sa likod niya kanina.




"Itong cap mo, nakalimutan mo." at tsaka niya inabot sakin.


Napahawak ako sa ulo ko, wala pa pala akong suot na cap.



"Yuko kang konti, ako magsusuot sayo." nakangiti niyang sabi.


Makakatanggi pa ba ako?



Nag-bend ako at tsaka niya isinuot sakin, in a way na hindi magugulo ang buhok ko.



"Ang bata-bata makakalimutin na. Haha!" sabi niya habang inaayos ang pag-suot ng cap ko.


Hindi ako sumagot, tinitigan ko nalang ang maganda niyang mukha.


"Pasalamat ka nandito ako at pinaalala sayo." sabi pa niya.



Nung napansin niya na hindi ako sumasagot, napatigil na siya at tumingin na din sa mata ko.



"Bakit?" tanong niya.

"Wala. Ang ganda daw kasi ng girlfriend ko." sabi ko them pinched her nose.

"Aray ah. >.<"

I chuckled, "Wait for me, ok? Sasayaw lang ang dancer mong boyfriend."

"E di sumayaw ka." sabi niya at tsaka tumalikod papunta sa dressing room.



=___= PMS talaga.







KUYA DAVE's POV



Ok. =___= Ako na walang nagagawa. Kung kailang ang aga kong umuwi galing sa work at tsaka naman walang tao sa bahay. Nabanggit nalang ni Jorenna na umalis daw ang Exo kasama si Angel, may performance daw kasi Exo ngayon at isinama ni si Angel. Si Jorenna hindi sumama kasi tinatamad daw siya.



Yung about pala sa gamot ni Angel na bago. Nabigay ko na sa kanya, hindi naman siya nagtanong kung bakit kailangang baguhin, basta nalang siyang pumayag.




"Kuya Dave, may alam ka bang nabibilhan ng cassava cake dito?" tanong ni Jorenna. Nandito kami sa living room, walang magawa.

"Ano ka ba naman, sa Pinas lang meron niyan."

"Ganun? Bili mo ko. Bigyan kitang pamasahe."


Siraulong bata. -__-+++


"Ikaw kaya ibalik ko sa Pinas ngayon? Tutal nami-miss mo na naman ata ang mga pagkain dun eh." sabi ko.

"Hindi ah! Parang nagtanong lang kung saan may cassava cake dito eh, nagbabakasakali lang na meron. -3-"



Ang kulit din nito eh. Buti nalang hindi ganyan katigas ang ulo ni Angel. Kundi baka sumabog na lahat ng ugat ko sa kakapigil ng inis. XD




*Diiing~Dooong~* Lol xD Doorbell! -Author




"May tao?" tanong ko.

"Kuya baka yung inimbita kong ahas at iba pang hayop. Magalang sila kaya hindi basta-basta pumasok at nag-doorbell muna." pambabara ni Jorenna.

"Papasalubungan kita ng ahas bukas." sabi ko at tumayo. Narinig ko siyang tumawa.



"Pasaway na bata." bulong ko habang naglalakad palapit sa pinto.



Pagkabukas ko ay bumungad sakin ang isang tao na hindi ko ine-expect na pupunta dito.




"Tiffany?"

"Hi! ^_^"


Anong ginagawa niya dito?


"H-hello! What brings you here? Pasok ka." pag-aaya ko sa kanya.


Pumasok naman siya kaya naglakad na kami papunta sa living room.


"Bibisitahin ko sana si Angel, nandyan ba siya?" nakangiti niyang sabi.


Kahit naman ata hindi nakangiti, para pa din siyang nakangiti eh. Eyesmile, alam niyo yun?


"Si Angel? Wala eh, kasama ng Exo pumunta sa isang music show kasi may performance ang Exo ngayon." sabi ko.

"Aww~ Sayang. Wrong timing pala ako."


Inaya ko siyang umupo at doon na nakita ni Jorenna si Tiffany.



"Omo~ Omo~ Omo!!! Tiffany Hwang?! Statue?!" sigaw ni Jorenna.

"Sta..tue??" tanong ni Fany.

"I mean, is that you? Haha!"


Napahampas nalang ako sa noo ko. Loka-loka talaga 'tong si Jorenna.


"Ah. Haha! Yup. Hi! What's your name?" tanong ni Tiffany kay Jorenna.

"Jorenna po." tsaka sila nag-shakehands.

"Kaibigan ni Angel, galing din ng Philippines. She came here for vacation." explain ko.

"Oh~ I see. :) Anyway, yayayain ko sana si Angel magshopping, kaso wala eh. Gusto ko kasi yung fashion sense niya." sabi niya.

"Ah opo, magaling po talagang pumorma si Angel. Hindi baduy o old style." -Jorenna

"True, that's why magpapasama sana ako sa kanya kaso wala nga. Sayang." then she pouts.

"Eh bakit pala kay Angel ka magpapasama? Wala ba ang ibang SNSD, si Taeyeon?" tanong ko.

"Wala eh, may kanya-kanyang ginagawa. Kasama kasi si Taeyeon sa SM BALLAD kaya busy din sa pagkanta yun."


"Ah... ganun ba?" tinign ko naman si Jorenna na nakikinig lang samin, "Kay Jorenna, try mo sa kanya magpasama." suggest ko.


Nakita kong umiling-iling si Jorenna na may kasama pang kamay, sinasabing ayaw niya.


"Nako! Nako! Wag ako, hindi ako marunong sa mga fashion na yan, kapag namimili kami ng damit ni Angel sa Pinas siya lagi ang nagsasabi ng mga babagay sa akin na damit. Nung nawala nga siya lagi nalang panget ang nabibili kong damit eh." sabi niya.



Paano 'to? Anong oras ba uuwi sina Angel? 2pm palang naman ngayon kaya siguro mga 4pm o 5pm nakauwi na siguro yun.



"Bakit hindi nalang ikaw ang magsama sa kanya kuya Dave." biglang sabi ni Jorenna.


"Bakit naman ako? Tignan mong lalaki ako eh, mas lalong wala akong alam sa fashion ng babae." sabi ko.

"Pero maganda ka ding pumorma! Kahit papaano naman siguro may gusto kang style ng damit para sa mga babae. E di ikaw nalang ang magsabi kung bagay kay unnie Fany ang mga damit na bibilhin niya."



Batang 'to talaga oh. =__= Wala nga sabi akong alam sa fashion na yan eh. Sa sarili ko magaling akong pumili ng damit pero para sa iba tapos babae pa? Ewan.




"Oo nga. Sayo nalang ako magpasama tapos, anong oras ba uuwi sina Angel? Text mo siya tapos sabihin mo i-meet tayo sa mall." sabi ni Fany.


Tinignan ko siya.



"Pretty please? *u*"


Makakatanggi ba ako sa cute na babaeng 'to?



"Ok." sabi ko at ngumiti ng pilit. Hindi naman sa ayaw kong samahan si Tiffany, ang ano ko lang kasi ay... ang ganda niyang babae. Mahirap na kapag na-attract na naman ako sa isang kpop star, mamaya mangyari na naman ang nangyari sakin kay Taeyeon. Once is enough, tatawanan ko na ang sarili ko kapag naulit ulit yun. XD




"Tara na? Para makapaghanap na din ako ng damit. Tapos kapag na-meet na natin si Angel e kakain nalang tayo at pupunta sa ibang lugar. Sayang ang free day ko kung wala akong gagawin haha!" sabi niya tsaka tumayo at hinila ako palabas ng bahay.


"Ah... t-teka." sabi ko.

"Bakit?" sabi niya pagkatigil.

"Magpapalit lang ako ng damit, ang simple lang kasi ng damit ko eh." sabi ko.


Tinignan naman niya ang suot ko simula baba, pataas.


"Simple pa yan? Bakit kapag ikaw ang may suot ang garang tignan? Ok na yan! Let's go na! Dali!" tapos hinila na niya ako ulit.

EXO's ANGEL (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon