~Chapter 78: Mall

5.5K 124 7
                                    

~Chapter 78: Mall

SEHUN's POV



[I'm with Tiffany and she wants us to meet you and Angel here at the mall.]


"Ok, sasabihin ko nalang kay Angel. Tatawag nalang ako hyung kapag papunta na kami, mag-aayos lang kami saglit tapos pupunta na din kami dyan."


[Ok. Bilisan niyo nalang kung pwede, si Fany kasi eh. Kung saan-saan ako kinakaladkad, ang hyper pala nito.]


Natawa ako.


"Ganyan talaga yan hyung, hindi lang halata na may pagkamakulit din. Nahawa ata kay Taeyeon noona."


[Yeah. O sige na, papunta na si Fany sa way ko, kalalabas lang kasi ng fitting room. Panay try ng damit. Bye.]



Natatawa-tawa ako habang nilalagay ang phone sa bulsa ko.



"Hoy! Ang saya mo."



Nagulat ako ng biglang sumulpot si Angel sa harap ko.



"Masama bang tumawa?" tanong ko.

Hindi siya sumagot agad, tinignan niya muna saglit ang bulsa ko kung saan ko nilagay ang phone ko.

"Sino yung kausap mo kanina?" tanong niya. Akala mo imbestigador kung makatanong eh. Haha!



"Sa tingin mo sino kausap ko?" tanong ko.

"Malay ko! Mukha ba akong manghuhula?" masungit niyang sabi.


PMS pa din pala 'to. Hayy nako~


"Alam mo ikaw, kanina ang bait mo na eh. Tapos nagsusungit ka na naman, dinaig mo pa ang buntis ah. At dahil dyan, tara sa mall. Mag-date tayo." sabi ko at tsaka siya hinawakan sa kamay niya.

"Date?! Ayoko!" angal niya at tatanggalin ang kamay niya sa kamay ko, pero hinigpitan ko pa ang paghawak sa kanya.

"Mag-de-date tayo kahit anong mangyari."

"Tss. Ang lakas mag-aya na mag-date e ni hindi mo nga masabi sakin kung sino ang kausap mo sa phone kanina."


Sinilip ko ang mukha niya.



"Selos ka niyan?"

"Oo. Malay ko ba kung babae kausap mo, hindi pa ba ako magseselos? Tss. Mamaya si Daeun(2eyes) pala yan na kaibigan mo na nali-link din sayo. Alam kong mag-bestfriend lang kayo pero syempre, hindi ko maiiwasang magselos noh! Lalo na't mas boto ang iba sa kanya kaysa sakin para sayo. Pfft! >3<"



Ang hirap din kapag masyadong honest 'tong si Angel eh. Ako ang natatameme kapag inaamin niyang nagseselos siya eh.



"Wag ka ng magselos, kuya Dave mo lang naman ang kausap ko. Pinapupunta tayo ng Mall, magkita-kita daw tayo dun kasi kasama daw niya si Tiffany noona."

"Oh?! Talaga? Magkasama sila?"

Ang bilis magbago ng mood. -_-

"Oo nga. Magpapaalam lang ako kay manager hyung tapos pupunta na tayo ng Mall, papahatid na din tayo."








KUYA DAVE's POV


"Ito? Bagay ba?" tanong niya.

"Alisin mo nalang yung scarf, ok na." sabi ko.

"Ah ok. ^_^"



Hayy... kahit saan kami pumunta, pinagtitinginan kami ng mga tao. Nakuuu~ Mukhang magagaya pa ako kay Angel, mamaya maraming mag-bash sakin dahil akala nila nagde-date kami nitong si Tiffany.



Pero matatapos na din 'to, nagtext na kasi si Sehun at sabi niya papunta na sila dito.



"Hyung!"


And speaking of.



Nilingon ko kung saan galing ang boses at nakita ko si Sehun kasama si Angel at... Kyungsoo?




"Kasama pala si Kyung." sabi ko pagkalapit nila.

"Tanungin mo yung kapatid mo, hyung. Hindi daw kasi siya sasama dito sa mall kapag hindi kasama si Kyungsoo hyung." bulong sakin ni Sehun.


Tss.


"Hoy, Angel." tawag ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Makakapit ka sa braso ni Kyungsoo parang yan ang boyfriend mo ah." sabi ko.


Napapakamot naman si Kyung sa ulo niya at natatawa.


"Eh gusto ko sa kanya tumabi eh."



Batang 'to. -__-



"PMS." bulong ulit ni Sehun.


Ah.... kaya naman pala.




"Kyaaaah! ANGEL!!!" nagtititili si Fany habang lumalapit kay Angel.

"Unnie!" salubong ni Angel. Nagyakapan sila saglit.

"Buti naman nandito ka na. Sakto tapos na akong mamili ng damit." biglang lumapit sakin si Fany, "Thanks sa kuya mo at matsaga niya akong sinamahan at tinulungan makapili ng damit. Haha!" sabi niya at nginitian ako.



*dug.dug.dug.dug.dug*


Hala! Ano yun?? Puso ko ba yun?



"Wala yun." sabi ko nalang.





Naglibot pa kami sa mall, pinagtitinginan kami, tatlong stars ba naman kasama namin hindi pa ba kami pagkakaguluhan? I mean, sina Sehun, Kyung at Tiffany.



"Nagugutom na ako." rinig kong sabi ni Angel.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Sehun sa kanya na hawak-hawak ang kamay ng gf niya.


Holding hands. -_- Palibhasa mga naka-move on na ang karamihan sa fans ni Sehun kaya mas kinikilig na din ang mga yun kaysa sa mainis. Katulad ngayon, may naririnig ako na bulong na cute couple daw sina Sehun at Angel, na bagay daw sila, na sana magtagal sila. Masaya na din ako at ganun na ang reaksyon ng tao sa kanila. Hindi tulad dati, sandamakmak na pagkainis ang itinatapon sa kanila lalo na kay Angel.



"Oppa Kyung! Ikaw, saan mo gustong kumain?" tanong naman ni Angel kay Kyung.

"Bakit ako ang tinatanong mo? A-ah... kahit saan na. Hehe." sagot ni Soo.

"Ikaw ang tinanong ko tapos itatanong mo sa iba. Sumusobra ka na talaga ah." -Sehun

"Ano na naman ba? Aish! >_<" -Angel



Ibang klase din palang mag-PMS 'tong kapatid ko, once in a blue moon nga lang pero ang tindi naman. Dinaig pa ang buntis na nagsusungit.



"Ako! Ako! May alam akong masarap na kainan dito." suggest ni Tiffany.

"O sige, unnie! Doon nalang tayo kumain." -Angel




Gaya ng sabi ni Tiffany na may alam siyang masarap na kainan, doon nalang kami pumunta.


Pagkarating sa restaurant ay nagkagulo pa kami sa arrangement ng uupuan. Si Angel kasi gustong katabi si Soo, tapos si Sehun doon daw sa kabilang side ng table. Syempre hindi papatalo si Sehun. Ang nangyari magkakasama nalang silang tatlo sa isang line ng upuan, napaggigitnaan si Angel nung dalawa. At dahil silang tatlo ang magkakatabi, kami naman ni Tiffany ang magtatabi.



"Upo ka na, Dave." nakangiting sabi niya sakin.

"Thanks." sabi ko at umupo sa tabi niya.


May lumapit na waiter samin at kinuha ang order namin.


Habang naghihintay sa orders ay nagsalita si Angel.




"Bakit parang bagay kayong dalawa?" turo niya samin ni Tiffany.



-////- Batang 'to, walang preno ang bibig. Nga pala, alam na din niya ang buong kwento samin ni Taeyeon, matagal ko ng nasabi kasi para hindi na din siya umasa.



"Bagay kami? Hahaha! Kanina yan din ang sabi ng sales lady sa isang shop na pinasukan namin. Akala niya kasi boyfriend ko ang kuya mo."


Ang pinagtataka ko din dito kay Tiffany parang walang kontrol sa pagsasalita. Komportable siyang kami ang pinag-uusapan?? Yung totoo? Ako lang ba ang ginagawang big deal ang lahat? =__=



"Si Noona oh." turo ni Soo kay Fany.

"What's with her, hyung?" tanong ni Sehun kay Soo.

"Namumula." natatawang sagot ni Soo.


Nakita kong tinitigan nung tatlong nasa harapan namin ang mukha ng katabi kong si Tiffany.



"Oo nga! *O*" -Angel



Dahil na-curious ako, sinilip ko na din ang mukha niya.



"Nilalagnat ka ba?" tanong ko.


Umiling naman siya pero nakangiti pa din.


"Mukhang alam ko na yan." sabi ni Sehun.

"Ano naman yun? Sigurado ka, alam mo? Psh~" pambabara ni Angel.

Kinurot ni Sehun pisngi ni Angel, "Oo! Wag kang mag-alala, magkakaroon na ng love life kuya mo." tsaka tumawa si Sehun.



Love life? Ako?



"Weh? Paano mo naman nasabi? Manghuhula, ganun?"

"Obvious kaya. Tanong mo Angel kay Fany noona kung bakit siya namumula." sabi ni Soo.


Sumunod naman si Angel.


"Bakit ka nga namumula noona? Wala ka namang make up ngayong araw ah. Wala kang blush on kanina eh." tanong ni Angel.

"Hahaha! Dahil mukhang obvious naman. Aamin na din ako." nagulat ako ng biglang kumapit sa braso ko si Tiffany, "Crush ko kasi ang kuya Dave mo eh. Haha!"



*lipad kaluluwa*




Tama ba yung narinig ko?



"OMG!!! Hala kuya may love life ka na nga! Hahaha!" -Angel

"Naks naman. Babae ang nag-confess." -Soo

"Gwapo daw kasi. Haha!" -Sehun



Nag-init ata mukha ko.



"Hala! Namumula din mukha ni kuya! Pati tenga! Ibig sabihin kinikilig yan. Haha!" -Angel

"Hahaha! Inaasar niyo kasi e." bumitaw na sakin si Fany, "Ano ba naman kayo! Crush lang naman, kayo talaga." sabi pa niya sa tatlo.



Kailan ba ako na broken hearted kay Taeyeon? 3 months ago na din yun diba?

Teka nga! Bakit ko binibilang? >.<



"Kailan mo pa siya naging crush, unnie?" Angel asked Tiffany.

"Ang kulit nga nung reason kung bakit ko siya naging crush eh. Nung last 2 months pa ata yun. Mga month of October, nakita ko siya sa airport, uuwi ata siyang Philippines no'n samantalang ako papuntang L.A to visit some family relatives. His unique fashion caught my eyes, then I realized habang sinusundan ko siya ng tingin, namukhaan ko siya nung alisin niya ang shades niya. Doon ko nakita na siya pala yun, si Dave pala yun. Then it hits me, kinilig ako sa itsura niya nung araw na yun. Hahaha! Weird, right? Well, that's the story, I'm just telling the truth. I'm being honest here, as you can see." then she laughs.



Sa sobrang honest niya hindi na ako makapagsalita. Hindi ko akalain na isang magandang Tiffany Hwang, ma-attract sa fashion style ko na simpleng tao lang. Crush? Kay Tiffany ba may crush ako? Sino bang hindi na-a-attract sa babaeng 'to? Maka-TAENY ako no'n kaya pati siya napapansin ko pwera kay Taeyeon.



"Si Dave hyung natameme na." sabi ni Sehun.

"Hahaha! Uy Dave!~ Wag kang mailang sakin ha? Crush lang naman! Hayaan mo na." sabi ni Tiffany.

"Hindi naman kasi sa... hindi naman sa ganun. Masyado lang akong na-overwhelmed kasi ikaw pa talaga, ikaw na star ang nagka-crush sakin." sabi ko.

"Sus! Wag ka! Madami kayang gustong gawin kang model. Nakita ka din kasi ng isang kaibigan ko na photographer ng isang well-known magazine. Kasama ko siya sa airport nung araw na nakita kita, kinuhanan ka niya ng pictures tapos pinakita niya sa model agency. Gusto kang kunin ang kaso inawat ko lang, alam ko kasing busy ka." paliwanag niya.



Wew~ Ako model? Nakakatawa.



"Hahaha! Model daw si kuya." tawa-tawa na sabi ni Angel.

See? Nakakatawa diba? -___- Hindi ko ma-imagine.

"Ako din, hindi ko ma-imagine. Hahaha! XD" -Angel



Siraulong 'to. Nababasa niya ba ang naiisip ko?




"Hay nako! Kumain na nga kayo. Ayan na yung pagkain. ^_^" -Fany



Nagpatuloy ang takbo ng oras at ngayon ay kumakain na nga kami. Yung tatlo sa harapan namin ni Fany ay mga nag-uusap ng kung anu-anong bagay.



"Dave." tawag sakin ni Fany.

"H-ha?" naiilang pa din ako.

"Wag kang maiilang ha? Hehe. Kasi dahil umamin akong crush kita baka hindi mo na ako pansinin sa susunod na magkita ulit tayo." sabi niya.



Ganun ba ang iniisip niya? Siguro nakikita niya sa ikinikilos ko.



"Wag kang mag-alala. Karangalan ko nga na crush mo ako eh." sbai ko at tsaka tumawa.


Pagkatapos nun ay komportable na kaming nag-usap ni Fany ng tungkol sa iba't-ibang bagay. Masaya siyang kausap, nakakadagdag tuwa e yung nawawala yung mata niya kapag tumatawa. Tapos parang ang sparkly ng mata niya.



Kwentuhan lang kami ng kwentuhan ng makaramdam ako ng sipa ng paa sa ilalim ng mesa. Sinilip ko kung sino, kay Soo pala. Tinignan ko siya.



May inginuso siya sa kanan niya. Sinundan ko ng tingin at nakita kong wala si Angel. Si Sehun naman nakatingin lang sa kung saan.



"Si Angel?" tanong ko.

"Pumunta ng CR, hyung. Ang tagal ngang bumalik eh." sagot ni Sehun.

"Kanina pa ba siya umalis?"

"Mga 15 minutes ago na din siguro." sabi ni Soo.



Ang tagal naman nun. Nako, baka naman...



"Nandyan na." rinig kong sabi ni Soo.


Sumilip naman ako sa likod, since doon ang way papuntang cr. Nakita kong naglalakad na papunta dito si Angel. At ng malapit na sana siya...




"Oh my!"

"What happened?!"

"Help her! Faster!"




Nagtayuan ang lahat ng nakakita.



"ANGEL!" tawag naming apat.


Tumakbo kami palapit sa pwesto kung saan siya hinimatay bigla.



"Excuse me. Kilala namin siya." sabi ni Fany. Nagbigay naman ng way ang mga tao.


"Diba siya yung gf ni Sehun?" rinig kong sabi ng isa.

"Oo, ano kayang nangyari? Oh my~ Hope she's ok."



Hindi ko na pinansin ang usapan ng iba. Pagkalapit kay Angel ay agad ko siya binuhat. At pagkadikit ng balat niya sa balat ko...



"Hyung! Anong nagyari sa kanya?" tanong ni Sehun. Halatang nag-aala siya.

"Sht. Ang init, nilalagnat."

-----------------

Author: Ang landi kasi ni kuya Dave kaya hindi napansin na wala na pala si Angel sa harapan niya. XD Chos!

Dedic to JuliaNicole04! Hi! Hello! :D

EXO's ANGEL (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon