~Chapter 47.1: Always Pops Out

8K 147 8
                                    

~Chapter 47.1: Always Pops Out

ANGEL's POV


"I'M HOME!" sigaw ko pagkabukas na pagkabukas ng pinto ni kuya. May taga-bukas ako eh. Hahaha! Joke! Inaalalayan kasi ako ni kuya Dave kasi nga diba? Nagka-sprain ako sa paa kaya hindi pa ako nakakalakad ng maayos.



"ANGEL!" sigaw ng iba. Hula ko sina Chen, Baekhyun, at Chanyeol oppa ang mga sumigaw na 'yan. XD Pwede ding kasama si Suho oppa.



"Ooops!" awat ko sa kanila habang nakaangat ang dalawang kamay, signaling them to stop. Mukha kasing dadambahin ako eh, baka matumbahan ako jusko! Mga lalaki sila at mabibigat! Lalo na si Yeol oppa. XD



"Inawat mo pa kami samantalang na-miss ka namin! 2 days ka ding wala." sabi ni Yeol oppa.




Oo, 2 days ako sa hospital kahit na simpleng pananakit ng t'yan lang naman ang nangyari. Pero syempre, grab the opportunity nga daw sabi ni kuya Lance. Dapat kinabukasan din pagkadala sakin sa hospital uuwi na din ako. Kaso pina-extend ako ni kuya Lance para i-check na din ang kalagayan ng HVD ko.


Yung result? Ewan ko kung ano. Wala pa kasing sinasabi si kuya Lance.



"Sus! Parang 2 days lang, na-miss niyo agad ako?" sabi ko. Inalalayan na ako ni kuya na makapunta sa sala para makaupo sa couch. Tinignan ko ang paligid, sinilip kung kumpleto ba ang Exo. Hmm... halatang kulang. Wala si Pororo, Kyung, Luhan at Sehun.


Saan kaya sila?



"Oo naman! Nung ilang oras nga lang na wala ka dito sa bahay na-miss ka na namin eh. 2 days pa kaya." -Chen


"Weh? Paano 'yan? 2 days palang miss niyo na ako, paano kung 1 year wala ako sa tabi niyo?" Tsaka pa ako tumawa. Kaso ako lang ata ang natuwa sa sinabi ko.


Tinignan ko sila.



Nag-iba ang aura ng iba, sino pa? E di yung mga nakakaalam. Alam niyo na.



Iba ata iniisip nila. >.<


Tinignan ko si kuya na nasa gilid ko. Tahimik lang siyang tinitignan ang mukha ng iba. Inoobserbahan niya siguro.




"Syempre hindi yun mangyayari, hindi ko kayo tataguan ng isang taon. XD Siguro 1 month lang hahaha! Syempre kapag umuwi ako sa Philippines no'n para bisitahin naman ang kamag-anak namin at ang importante, mabisita ang parents at kuya Tristan ko." paliwanang ko. Mga bumalik naman ang sigla nila pero hindi na katulad ng kanina.



Wew! 'Yan ang mahirap eh. Tsk.











Naiwan akong mag-isa dito sa sala, nakahiga sa couch. Muni-muni. -__- Walang magawa eh. 3pm na ng hapon at ang Exo nandun sa rooftop ng bahay, doon sila magpa-praktis ng sayaw. Ayaw nilang ipakita sakin pero alam ko na ang title. GROWL daw. Unique lang diba?


Kanina pa silang 1pm dun. Dumating ako 12:30pm eh, tapos maya-maya nagpaalam na sila na aakyat lang daw papuntang rooftop at doon sila sasayaw.

Pfft! Hindi ko man lang nakita si ano... >__> Err... wala nevermind. AUTHOR pakibura nung naisip ko. Pisti ka kapag hindi mo in-edit.




(Author: ........)




Ok. -___- Isnabera si Author, masungit. Magsama kayo ni Sehun, parehong snob at masungit. BIPOLAR! Ay! Paano nasama si Sehun? Aish!



Nangangalay na akong humiga dito. >.< Gusto ko ng umakyat sa kwarto ko.



Umupo ako at tsaka tatayo na sana ng makalimutan kong hindi pala ako nakakalakad ng maayos ngayon. Enebeyen. -__-




May narinig naman akong yabag ng paa. Napatingin ako sa hagdan, doon kasi galing.


Nakita ko ang isang taong kanina ko pa hinahanap. >////< ANONG SABI KO?! Waaah! >o< At dahil dyan hindi ko ise-share kung sino ang dumating. Muahahaha! Bleh! :p



(Author: Si Sehun 'yung dumating. Maniwala kayo sakin, ako ang OTOR ng istoryang ito. -_-)




BAD AUTHOR! >o< Bakit mo sinabi?! TTOTT

K. -__-

Babawiin ko nalang sinabi ko, hindi ko siya hinahanap. >.> Hindi nga sabi. <.< Sinabi ngang hindi. >.< HINDI TALAGA!





=____= Alam ko hindi kayo naniniwala.



PAYN! Aamin na para kiligin naman kayo at maisip niyong UMEEMPROB (improve) na ang feelings ko!




 CRUSH ko na si Sehun! >////< Pero PRAMIS hindi ko alam kung paano at kailan! TT__TT




Waah! >o< Sinabi ko ba talaga?! Umamin talaga ako?! Huhuhu~ Ako na maharot. XD Crush lang naman!




Tumingin ulit ako sa hagdan.


Toinks! Wala na. Nakaalis na ata ulit. >__< Inuna ko kasi ang pag-amin sa inyo eh! Ayan tuloy! >3< Kasalanan niyo! Nanisi?



Ok. Mukhang mamaya pa ako makakaalis sa lugar na ito. Kwento ko sa inyo kung paano ko siya naging KRAS?


Game!



Naging crush ko si Sehun kasi...




Hindi ko din alam. -__-



Ang sungit niya, snob, mamamansin lang depende sa mood, BIPOLAR NGA KASI! Tapos... Ayiiie! Teka may naalala ako. Hahaha! Siya nga pala yung nagbuhat sakin nung sumakit sikmura ko diba? DIBA?! Kyaaah! Sinasaktan na ako ng time na yun pero hindi naalis sa pansin ko na siya ang nagbuhat sakin at... Waaaah!!! Basta kinikilig ako! Hahahaha!




Kilig-kilig lang ako dito hanggang sa nagulat ako ng may kumalabit sa balikat ko.



"Huy!"


"Ay bipolar!" gulat kong sabi. Nilingon ko naman kung sino ang nasa likod ng couch.


*dub dub dub dub*


>/////< Bakit siya nandito? Diba nawala na siya kanina?!



Tinignan naman niya ako na para akong nasisiraan ng ulo. -__- Ano na naman bang ginawa ko? Pfft! >.<



"Bipolar? Sino?" tanong niya.


Sabihin ko kayang siya? XD


"Wala. Nagulat lang ako, kaya yun ang nasabi ko." tsaka ako umiwas ng tingin. Yung puso ko kasi ang likot. >_<




Kuliglig. >__> Wala na akong narinig na nagsalita samin. Hindi ko nga alam baka umalis na siya eh.



"Hindi ka ba nagsasawa dito? Kanina ka pa dito sa sala. Gusto mo ng umakyat ng kwarto mo?"


Ay! Nandyan pa pala.


"Ah... ano... wala kasi si kuya Dave kaya hindi ako makaalis dito. Nakatulog na ata yun sa kwarto niya. Hihintayin ko nalang magising." sabi ko.


"Anong oras pa magigising yun? Tara na. Ako na maghahatid sayo." tapos umikot siya papunta sa harap ko at lumapit sakin.


Layo ka! >O< Bawal akong madikit sayo!



"Tara." tsaka niya nilahad ang kamay niya sa harap ko. Kukunin ko ba? >////<


Tinitigan ko lang ang kamay niya.


"Alam kong maganda kamay ko, 'wag mo ng titigan." sabi niya at ginalaw ang kamay sa harap ko, "Hawak na, dali!" utos niya.


Bipolar talaga. Ngayon kinakausap ako, hula ko bukas o baka mamaya lang susungitan na naman niya ako. >_<


"Sure ka? Tutulungan mo akong makaakyat?" tanong ko.

Nakita ko naman siya na umupo sa harapan ko, para makapantay ako.

"Mukha ba akong nagjo-joke?" sabi niya in a very serious face.

"Err... with that face?" tapos tinuro ko yung mukha niya, "Obvious na hindi ka nagjo-joke. >_<" sabi ko. Sobrang seryoso! Wew~ Katakot!


Nakita ko naman na unti-unting nawawala yung seryoso niyang mukha at unti-unti siyang napapangiti.


"Baliw." sabi niya tsaka tumayo, "Dalian mo na, babalik pa ako sa rooftop, hindi pa tapos practice namin. Uminom lang ako ng tubig." sabi niya.



Nakakaistorbo pa pala ako, ganun? XD Pakipot kasi. Hahaha! Joke! Nakakahiya lang kasi nga diba? Kailan lang hindi niya ako pinapansin.


Iaabot ko na sana ang kamay ko sa nakaabang na kamay ni Sehun ng biglang may mabilis na lumapit sakin at hindi ko alam kung paano siya nakapunta sa harapan ko at tinulungan akong tumayo. Ang bilis talaga!



"Halika Angel, akyat ka na sa kwarto mo. Kanina ka pa dito e." sabi niya.


"Pororo... saan ka galing?" tanong ko. Ang ibig kong sabihin, saan siya galing? Kasi parang kanina lang si Sehun ang nasa harap ko, tapos naging siya. Kabute si Pororo?

"Sa rooftop?" patanong niyang sabi.


Huh? Ang gulo.


Ngayon nakatayo na ako at nakaakbay ang kanan kong kamay sa kanya. Nagsimula na kaming maglakad. Pero bago makalayo, lumingon ako sa likod, nandun si Sehun nakatingin sa couch kung saan ako nakaupo kanina.

Anong tinitignan niya dun?




Bumalik lang ang tingin ko sa harap ng nasa tapat na kami ng hagdan.


Dahan-dahan kaming umakyat.


"Pororo, saan ka pala kanina?" tanong ko. Ang tahimik kasi.

"Kanina? Kailan?" tanong niya.

"Nung dumating ako, wala ka kanina eh. Saan ka nun?"

Ngumiti naman siya ng nakakaloko, "Uuy~ Hinanap niya ako haha!"

"Ano naman kung hinanap kita?" tanong ko. Ano naman diba? XD Ano bang meron sa paghahanap sa kanya?

"Ibig sabihin na-miss mo ako kaya pagkauwi mo agad kanina, hinanap mo agad ako. Ayie! Hahaha!" asar niya pa ulit.

"Hahaha! Grabe! Ganun? E lahat naman kayo na-miss ko, at tsaka hindi lang naman ikaw anng hinanap ko kanina!" sabi ko. Feeling ni pororo! XD

"Weh? Hahaha!" pang-aasar niya.

"Amp! >_< Oo nga! :D Si Sehun--" pagkasabi ko ng name ni Sehun pareho kaming napatigil. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Pororo at ako alam kong bakas ang gulat sa mukha ko.


Nung nakabawi ako, "A-ah... hindi lang naman ikaw hinanap ko. Si Kyung, Luhat at S-Sehun din kaya." pahina ng pahina ang boses ko nung sinabi ko iyon.


Nagpatuloy naman kami sa pag-akyat hanggang sa nakarating na kami sa taas. Naglakad kami papunta sa tapat ng kwarto ko at pagkarating doon ay binuksan ko ang pinto. Pumasok kami at dinala niya ako sa edge ng kama, doon niya ako inupo.



"Kung may kailangan ka pa, text mo lang ako ha?" sabi niya at ngumiti tsaka lumabas ng kwarto.



Sinundan ko lang ng tingin si Pororo ng nakakunot ang noo.




Mood swings? O bipolar din? Aish~

----------

Author: AKO NA ANG MABAIT! Hahaha! XD Hindi kasi ano... Hmm... mawawala ako ng one or two weeks. Kaya bago mangyaro yun, may UD ako para sa inyo! :) Love you all!

EXO's ANGEL (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon