~Chapter 90: Guardian Angel

4.9K 103 5
                                    

Dedic to littlewinx! Hi!!! ^____^

~Chapter 90: Guardian Angel

JORENNA's POV




"Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ko.


Umiling lang siya habang tulalang nakatingin sa labas.


Napabuntong-hininga nalang ako. Ilang beses na ding nauulit 'to, aalukin ko siyang kumain pero ayaw niya, sasabihin niyang di pa siya nagugutom o di kaya'y busog pa. Kahit naman na wala pang laman ang sikmura niya.



"Angel..." umupo ako sa tabi niya at hinagod ang kanyang likod, "Hindi ka nag-almusal, late na din ngayon para sa lunch mo. Paanong hindi ka nagugutom?"

Tulala siyang sumagot, "Hindi lang talaga ako nakakaramdam ng gutom. 'Wag kang mag-alala, umiinom naman ako ng gamot."



Ok lang ba na umiinom siya ng gamot kahit na walang laman ang t'yan niya?




Tinignan ko ang tray ng pagkain na dala ko, inurong ko muna siya sa isang tabi. Nasa sahig kasi nakaupo si Angel habang nakatingin sa labas ng veranda niya, tulala siyang nakatingin sa ulap. Sa ulap nga ba? Ewan ko, basta tatlong araw na siyang nagkukulong sa kwarto niya.



Tanda ko pa nung Jan.29, nung gabing umuwi siya galing sa pagse-celebrate nila ni Sehun ng 100th day. Masasabi kong masaya siya pero hindi kumpleto, lalo ngang hindi naging masaya dahil sinalubong siya agad ni kuya Dave, tinanong kung nasabi daw ba ni Angel ang tungkol sa sakit niya kay Sehun. Simpleng iling lang ang natanggap na sagot ni kuya, na siya namang ikinagalit niya.



Nakalipas na ang tatlong araw simula ng nangyari 'yon. Tatlong araw na ding hindi nag-uusap ang magkapatid, si Angel at si Kuya Dave. Nagalit nga si kuya kaya sinabi niya na bahala na daw si Angel sa kung anong gagawin niya, tutal buhay naman daw niya yun. Si Angel naman, wala, parang ok lang sa kanya na nagalit ang kuya niya. I mean, hindi OK LANG, parang tanggap niya na galit ang kuya Dave niya sa kanya dahil kasalanan din naman niya kung bakit.


At simula nga ng nagalit si kuya, di na niya kinausap si Angel. Naging busy na din siya sa trabaho niya sa company, at ito namang si Angel, tinatanong ko siya kung bakit di niya pa din nabanggit kay Sehun. Ang sagot niya? WALA. NR! -__- Iling lang siya ng iling kapag tinatanong ko, yun lang.


Minsan, isang beses nga pinuntahan ko si Angel dito sa kwarto niya, mga bandang 6pm na din yun. Naabutan ko siyang tulog, tapos mukhang nananaginip kasi bumubulong siya ng "Sehun", panay siya Sehun. At ito namang si Sehun, busy na naman kasama syempre ang EXO.




"Ano ba kasing dahilan at di mo sinabi kay Sehun?" at sa uulitin na pagkakataon, tinanong ko na naman siya. Nagbabakasakali ako na sasagutin na niya.



Tahimik.


Wala na namang sagot.



Well, yun ang akala ko.



Kasi bumuka ang bibig niya at...



"Di niya kakayanin, nakita ko sa mata niya... di niya kaya." tapos naluha nalang siya pero tulala pa din.



Di kaya ni Sehun? Ano ba? Paanong hindi kaya?



"May nangyari ba sa date niyo nung nakaraan para maging ganyan ka ngayon?" pakiramdam ko kasi may humarang sa kanya para sabihin kay Sehun ang totoo.

"Yung 'GONE'... y-yung music video..."


Gone? Music video?


"Ha? A-anong sinasabi mo? Naguguluhan ako."



Di na siya sumagot. Galing sa pagkakatulala, unti-unti siyang humarap sakin at tinignan ako sa mata.


-__- Kung hindi ko lang 'to kilala si Angel baka natakot na ako sa way ng pagtingin niya sakin.



"Kailan nga pala ang uwi mo?" tanong niya, plain lang ang tingin niya.

"Saan? Sa Pilipinas ba?"


Tumango siya.


Excited na mawala ako? Joke.




Kailan nga ba? Ang paalam ko kasi kay Dad, mga February ako uuwi.




"Siguro bago mag-valentines day. Bakit?" sagot ko. Bakit bago mag-valentines day? Ewan. Feeling ko kasi may date ako sa araw na yun sa Pinas eh. Mehehehe~ :3


Umiwas na ulit siya ng tingin at bumalik sa dati.



"Pwede bang wag na muna? Wag ka munang umalis." pakiusap niya.

"Bakit?"

"Sa katapusan ka nalang bumalik do'n, dito ka na muna. M-mawawalan ako ng kasama at bestfriend kapag umalis ka na agad." sabi niya. Pero bakit pakiramdam ko, may ibang dahilan kung bakit ayaw niya akong paalisin?


"O-okay." sabi ko.


"Ano ng petsa ngayon?" tanong niya ulit.

"Feb.2, may pupuntahan ka ba?"

"Bukas, meron."

"Saan? Kasama mo si Sehun?" tanong ko.

"Exo." tumingin siya sakin, "Sama ka?" tanong niya.



Sasama ba ako?



SYEMPRE NOMON!!!! ^O^ XD



"Sige ba. Pero ano bang gagawin niyo ng Exo? Saan kayo pupunta?"

"Wala, hindi nila alam na pupunta ako dun bukas. Surprise lang... matagal ko din 'tong pinag-isipan." sabi niya.



Teka... may multo ba dito? Bakit bigla akong kinilabutan? Yikes!




"You mean, hindi nila alam na pupunta ka? Ibig sabihin..."

"Oo, umaga palang pupunta na ako sa tapat ng bahay nila. Ano, sasama ka pa ba?" tanong niya ulit.

"O-oo. Sasama ako, anong oras?"

"7am."

"Ok."





Kailangan kong sumama, para makakuha ako ng sagot sa mga tanong ko.



Alam kaya ni kuya Dave na aalis kami? Ay. Oo nga! Paano niya malalaman e di nga sila ayos nitong si Angel. Hayy... si kuya Lance kaya anong plano niya para magkaayos 'tong dalawa? May plano kaya yun? -__-






**



BAEKHYUN's POV



"Dalian niyo male-late na naman tayo nito eh!" sigaw ni Suho hyung.


Nagsipuntahan na kami sa tapat ng pinto, palabas na kami ng bahay.


"Hyung, quarter to 7am palang, paano tayo male-late?" sabi ni Tao at humikab.


Oo nga, 8am pa naman ang sched namin, saan ba ang venue? Malayo ba? Bakit kasi hindi ko inaalam? -3-




Isa-isa na kaming naglabasan, nauna ako. Ako kasi ang nasa unahan eh. Mauna daw ang maliliit. >_< Si Kyungsoo dapat ang pinakaunahan.




Pagkalabas ko may nakita ako. Si SHOMBA!!! SHOCKS!!! >O<




-__-



Charot lang. Ang aga-aga Shomba?






"Uy Angel at Jorenna!" tawag ko at lumapit sa kanila, nakaupo sila sa malalaking bato na nasa gilid ng bahay, yung bato na dagdag dekorasyon sa tapat ng bahay. Ganun, hindi yung bastang bato lang.

"Oppa. ^_^" sabay nilang bati ng nakangiti.

"Angel?" sumingit naman agad si Sehun at natulak pa ako.

"Aray naman! Pwedeng magdahan-dahan?"

"Sorry hyung." sabi niya pero di naman tumingin sakin at wala ni katiting na sinseridad. T_T


"Hi, Sehun!" bati ni Angel na halatang masaya.


Nakita ko naman na natulala si Jorenna sa mukha ni Angel, parang nagulat siya sa inakto nito...? Ewan.



"You didn't send me a message. Hindi mo sinabing pupunta ka, kayo. And, last 3 days din... I can't contact you." -Sehun


Ha? Hindi ma-contact ni Sehun si Angel nung mga nakaraang araw?


"Nawala kasi yung simcard ng phone ko, nahulog kaya hinanap ko pa. Ayoko na kasing bumili ng bago, mahirap magkabisa hehe." -Angel



Parang pakiramdam ko, may mali ata? Or is it just me?



Tinignan ko ang mata ni Angel, mukha namang siya masaya. Tinignan ko ang mata ni Jorenna... parang may palaisipan din na bumabagabag sa kanya eh. Weird kasi ng atmosphere, may halong chemical ata.



"Baby! Nandyan ka pala, napadaan ka?" tanong ni manager hyung. Kakalabas lang kasi niya ng bahay, maaga pa nga kasi. Si Suho hyung lang ang nagmamadali.

"Tito M! Good morning!" bati ni Angel.

"Uy Jorenna, nandyan ka din pala."

"Opo, sumama lang ako kay Angel."

"So, bakit kayo napadaan?"


Tumingin si Joren kay Angel, sinasabing siya ang sasagot ng tanong ni hyung.



"Tito M, pwede bang sumama sa mga schedule ng Exo ngayon? At tsaka bukas? Pati na din sa susunod na araw? Hehe!"



O____O




"ANO?!/WHAT?!/HUH?!" sabay na sigaw namin ng EXO.



Paanong hindi kami magugulat at di sisigaw?


"Angel, busy kami. Palipat-lipat ang pupuntahan namin, nakakapagod yun." sabi ko.

"Oo nga, baka mapagod ka lang." -Chen



"They're right." sang-ayon ni Sehun.



Inaalala ni Sehun na baka mapagod si Angel, kasi alam niya ang dinadanas namin nitong mga nakaraang araw. Pero kaming iba na may alam sa sakit niya, YUN mismo ang inaalala namin, baka mabilis siyang mapagod kung... teka nga.


"Bakit nga pala gusto niyong sumama?" tanong ko.

"Gusto kasi namin na malaman ang mga ginagawa niyo sa araw-araw at isa pa, hindi naman ako gagalaw dun eh, manonood lang kami ni  Joren sa inyo. Please???? ^u^"

"Oo nga, susunod lang kami. Marami na din kayong staff para asikasuhin pa namin kayo." -Joren


Parang nakikisakay na siya sa ginagawa ni Angel, bakit parang kanina hindi? Aish! Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko?!!! >___< Shoo!


"Sige na, sumama na kayo. Tutal ngayon lang naman eh." -manager

"Ay! Hindi, Tito M! Actually, gagawin namin 'to in ONE WEEK! Araw-araw kaming sasama sa inyo, simula ngayong MONDAY, Feb.3, hanggang SUNDAY, Feb.9! :) Wala kasi kaming magawa sa bahay eh."


Isang na namang umaatibong na...


"ANO?!/WHAT?!/HUH?!" ang nasigaw namin. Pwera kay Sehun, nakatitig lang siya kay Angel niya.


"Are you serious?" tanong ni Sehun.

"Yup. ^_^ Diba Joren?" baling ni Angel kay Joren.

"OO NAMAN! ^O^ Exciting nga eh." sagot nito.



"Hyung, you're allowing them. Right?" tanong ni maknae kay manager.

"Ano pa nga ba?"


Natuwa naman agad sina Joren at Angel.



"Ako na muna ang inyong GUARDIAN ANGEL!" sigaw ni Angel.

"E ako? Ano ako? >_<" maktol ni Joren.

"Sidekick. What else? Obvious naman." singit ni Kris.



Sinamaan ng tingin ni Joren si Kris.



"O siya! Siya! Tama na yan! Tara na bago pa tumakbo ng tumakbo ang oras at mahuli pa tayo. Angel at Joren! Sa akin na kayo sumabay, hindi na kayo kakasya sa sasakyan ng Exo-K at Exo-M." sabi ni manager.

"But..." kokontra dapat si Sehun.

"Hep! Ano? Balak mong alisin ang isa dyan sa Exo-K at gagawin mong kapalit nitong baby inaanak ko? Hindi! Sige na, sumakay na  dun. DALI!"



Sumunod nalang kami.



"Hey, maknae! Hayaan mo na, makakasama mo naman yan mamaya." tinap-tap pa ni Yeol ang balikat ni Sehun.

"Ano kayang naisip ng dalawang yun ang trip tayong samahan sa buong linggo?" -Chen

"Baka gusto lang talagang makita ang ginagawa natin." -Xiumin

"Hindi! Baka gusto lang talagang makasama ni Angel si Sehun. Kasi parang ganito yan eh, tutal hindi makapunta si Sehun kay Angel. E di si Angel nalang ang pumunta kay Sehun. O diba?" -Luhan



Ano nga kaya? Ah ewan! Basta ang importante kasama namin sila sa buong linggo. ^_^



"E ikaw, Sehun? Ano sa tingin mo?" -Lay

"I don't know. As long as I'm with her, wala na akong pakialam sa ibang bagay." sagot niya.


Pag-inlove nga naman. >_>


"Hoy Kai! Tahimik mo ah!" puna ni Suho kay Kai.



Napatingin ako sa bandang likod ko, nakita ko siya na parang malalim ang iniisip. Naglalakad kasi kami papunta sa sasakyan eh. Siya ang nahuhuli.



"W-wala." mukha siyang natauhan, "Inaantok lang."

"Bumawi ka nalang mamaya." -Kris




**



SEHUN's POV


"Ok. Break na muna, magpahinga na kayo." sabi ng isang staff.


May nakita akong tumakbo agad palapit sakin.


"Water? ^_^" alok niya.

"Thanks." kinuha ko iyon at ininom, "Akala ko ba you won't do anything, manonood ka lang. Anong ginagawa mo?"

"Eh! Parang binibigyan lang ng tubig eh. >0< Tsaka ikaw lang naman ang inaasikaso ko."


Ang kulit.


Inakbayan ko siya at naglakad kami papunta sa dressing room.


"Ok, as you say so." sabi ko.

"Sehun."

"Hm?"

"Ang pawis ng kili-kili mo. Hahaha!"


Tapos tinusok pa niya yung underarm ko.


"Pero mabango pa din."

"Talaga. Amuyin mo pa." sabi ko at dinikit sa mukha niya.

"Yah!"

"Haha!"


May lumapit na ibang staff samin.


"Yieee~ Ang sweet!" they teased.

"Dapat pala laging nandito si Angel eh, para nakikita natin na ngumingiti si Sehun." -staff1

"Ay... bakit po? Di po ba siya palangiti kapag nandito o kasama niyo?" tanong ni Angel.

"Tsk. Stop asking." hinihila ko na siya pero ayaw. -__- Tigas ng ulo.

"Oo, laging poker face 'yan eh." -staff2




-_____- Di pa ba sila sanay?




"Mana po kasi sa baraha yan, sa jack cards ba yun? Yung lagi ding naka-poker face hahaha!"

"Hahaha!" -staffs



=___=+++



"Angel." warning ko.

"Oops! Nagagalit na hahaha! Sige po, mauna na kami." paalam niya at kumapit sa braso ko.



Nakarating na kami ng dressing room, pagkapasok doon ay nakita namin agad na tulog ang iba, mga napagod agad. Hapon na kasi kaya mga inaantok talaga, nasa shooting kami ng EXO's SHOWTIME, akala ko tapos na may mga pahabol pa pala. Yung sa episode 11 binago nila, nasa tag-iisang videoke room kami tapos titignan namin ang telepathy ng EXO.



"Ikaw, matulog ka din kaya." sabi niya.

"Nah~ Si Joren, nasaan?"


Di ko siya nakikita dito sa kwarto.


"Nasa labas yun, kasama si Kai."


Kai? Oo nga, wala din si Kai dito.



"Buti meron kayong higaan dito?" tanong niya.

"Inaayos talaga yan ng mga staff, alam kasi nila na konti lang ang tulog namin kaya lagi sila nagpe-prepare ng higaan sa magiging dressing room namin. So then if we have the chance to sleep, we'll be able to."

"Ah..." she nods.


Hinila niya ako at dinala sa isang higaan na may malaki pang space.


"Halika, matulog ka dito." sabi niya.

"Ha? No. I'm not sleepy anyway."

"Hindi! Anong hindi sleepy? Yung mata mong maliit mas lalong nagiging maliit oh! Hala! Tara na. Hayaan mo, babantayan kita sa pagtulog."


I looked at her.


"Are you sure?"

"Yes. YES I AM SURE! Hahaha! Ay, ang ingay ko. Tara na kasi, gawin mong unan ang lap ko. ^_^"

"Ok." ako na humila sa kanya at nauna na siyang umupo, ako naman ay humiga at umunan sa lap niya.



"Before I go to sleep. Bakit naisipan mong sumama sa mga schedule namin?" tanong ko.

"Gusto ko kasing makita at malaman ang lahat ng ginagawa niyo sa araw-araw."

"Yun lang?"

"At tsaka, gusto kitang asikasuhin eh. Wala din naman akong ginagawa sa bahay. Ang boring! >3<"



Tinaas ko ang kamay ko at hinila ang nguso niya.


"Hmmm!"

"Wag kasing pout ng pout." sabi ko at binitawan na.

"Bakit ba?! Hmpf! >3<" hinampas niya ako sa noo, "Matulog ka na nga."

"Oo na."





**




-After 5 days-

[February 8 // Saturday // 5:12pm]


KAI's POV



"Akin na kasi!"

"Abutin mo."

"Ang tangkad mo po kaya! >0<"

"Problema mo 'yan."

"Eeeeeeh!!!!"



Kinalabit ni Sehun si Angel



"Kawawa yung kaibigan mo." -Sehun

"Hayaan mo siya, crush naman niya ang kumakawawa sa kanya. Haha!" -Angel



May inaabot kasi si Jorenna kay Kris hyung. Ewan ko kung ano yun.




Limang araw na din ang nakakalipas, last day na ng pagiging Guardian Angel ni ANGEL bukas.



Pagkatapos kaya nun anong mangayayari? Pakiramdam ko kasi, may iba eh.




"PORORO!"


Nagulat ako ng lumapit sakin si Angel.


"Si Sehun?" tanong ko agad.

"Nandun, may ituturo daw na dance step sa kanya yung choreographer niyong si... Tony ba yun?"

"Ah... Oo."

"Tahimik mo ah." puna niya.

"Pagod lang ako."

"Ah... gusto mong mawala pagod mo? ^__^"



Tsk, ngiti ng ngiti.



"O paano?"

"Bili mo akong bubble tea hahaha!"


-___-



"Kay Sehun ka magpabili."

"Damot! >3<"

"Angel." seryoso kong tawag.

"Po??"



Tinignan ko siya sa mata.


"Last day mo na bukas sa pagsama-sama samin sa mga schedule diba?"

"A-ah, oo hehe."

"Pwede bang sa monday, pumunta ako sa inyo?"

"Ha? Bakit? O-ok. Ikaw bahala. ^_^"




Kailangan ko siyang makausap, marami akong gustong itanong. Malakas ang pakiramdam ko na may mali talaga.

EXO's ANGEL (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon