~Chapter 57: GROWL

7.4K 149 14
                                    

~Chapter 57: GROWL


KAI's POV

"Sorry kasi... ayokong masira ang kung anong meron satin ngayon. Gusto mo ako, diba? Gusto din naman kita. Kaya sana maintindihan mo na hindi ko hahayaang masira ang pagiging magkaibigan natin. Alam ko namang mabait ka at lagi kang nandyan kapag kailangan kita, pero hindi yun sapat na dahilan para gamitin kita at ituon sayo ang atensyon para lang kalimutan si Sehun. Sorry, kasi hindi ko masusuklian yung nararamdaman mo para sakin. Sana wag kang magalit, ayoko lang talagang paasahin ka pa. Mas masakit kasi kung paasahin pa kita diba? Kung sa umpisa palang wala na. Magkaibigan pa din sana tayo, Pororo ko. Napamahal ka na din kasi sakin eh, 'wag mo sana akong iwasan. Please..." -Angel




Masakit. But I need to accept the fact na... hanggang kaibigan lang.


Anong akala niyo? Binigyan ako ng chance ni Angel? Na ginagamit niya ako para makalimutan si Sehun? Nagkakamali kayo. Yan ang huli niyang sinabi sakin nung nag-usap kami sa kwarto niya a week ago.


By the way, nakabalik na kami sa totoong bahay namin, nung isang  araw pa. Hindi na nga kami sanay dito eh, ang tahimik na. Walang maingay na Angel.





I admit, nung kinagabihan ng araw na umamin ako kay Angel, umiyak ako. Na-reject eh, sinong hindi nasaktan kasi ni-reject ka ng taong mahal mo? Oo na, mahal ko si Angel. Kaya nga inintindi ko yung desisyon niya, masyado kasi yung mabait kaya hindi niya ako kayang gamitin. Pero kung sakaling gagamitin niya ako, kung papayag ba ako? Call me stupid or what, payag ako. Ganun ko siya kagusto.


Alam na din pala nina Baek, Chen, Kyung at Suho hyung yung tungkol sa pag-amin ko kay Angel. Mag-move on nalang daw ako at ibaon sa lupa ng Jeju Island ang nararamdaman ko para kay Angel. Haha! Mga sira. Sa Jeju pa talaga. Pero hindi nila alam yung tungkol sa gusto ni Angel si Sehun, wala naman ako sa posisyon para ikwento pa yun sa kanila. Well, si Kyung alam niya. Siya lang naman nasasabihan ko ng lahat eh, sinabi ko din naman sa kanya na wag niyang ipagsabi. Madali namang kausap yun.



Simula din pala ng bumalik kami dito sa bahay namin, wala na kaming balita kay Angel. Busy na kasi kami dahil comeback na ulit namin at bukas na yun. Ang sabi naman ni manager hyung, pinapupunta daw niya si Angel bukas sa M Countdown para manood. Ewan lang daw kung tutuloy sila ni Dave hyung.





"Sehun, mali ka na naman. Ano bang nangyayari sayo?" -Lay


Napatingin ako sa harapan, nandito pala kami sa dance studio ng bahay. Dahil comeback namin bukas, todo practice kami ngayon at  itong si Sehun, laging nagkakamali dun sa part niya. Hindi namin alam kung nakakalimutan o sinasadya niyang hindi gawin ng tama yung sayaw. Kasi dati naman kabisado na niya, pero ngayon kung hindi siya matutumba, maling step ang ginagawa, nung isang araw pa ganyan yan.


"Sorry."



Lagi lang siya sorry ng sorry. Ano bang problema niya? Yung pula niyang buhok? Naka-red hair kasi siya ngayon, ang tapang nga ng kulay eh.



"Sige na, tama na 'yan. Kailangan lang siguro ng pahinga niyang si Sehun. Bukas agahan niyo ang gising ha? Shooting ang gagawin niyong comeback sa M countdown kaya wala audience. It means din na hindi makakapunta sina Angel, next week nalang siguro siya makakanood kasama ang kuya Dave niya. M Countdown pass lang naman ang meron ako kaya kung manonood siya sa Music Bank, Inkigayo, etc., mahihirapan siyang makapasok. Sige na, matulog na kayo. Night." -Manager hyung




Gaya ng sabi ni manager, magpahinga na daw kami. Kinuha na namin ang mga gamit namin bago lumabas ng studio. Nahuli naman ako sa paglabas at saktong kasabay ko si Sehun, ang mga hyung namin ay nauuna na.


Tinignan ko si Sehun at hinawakan sa balikat.



"Problema mo? Hindi ka naman ganyan kapag sumasayaw ah. Pansin ko matagal ka ng walang focus." sabi ko.


Tumigil naman siya sa paglalakad kaya napatigil din ako.



Ngumiti siya pero halatang may inis, "Problema ko? Kung sabihin kong ikaw ang problema ko, may magagawa ka ba?" Inalis niya yung pagkakahawak ko sa balikat niya, "Mauna na ako." tsaka siya umalis, sinundan ko naman siya ng tingin.



EXO's ANGEL (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon