CHAPTER FIFTY-EIGHT:

Comincia dall'inizio
                                    

For the past few months I kept myself busy just to forget what happened. Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho para lang pagkauwi ko sa bahay makakatulog agad ako at hindi na makakakapag-isip. Hangga't maaari ay iniwasan ko ang mapag-isa dahil ayokong maalala ang lahat ng nangyari at ayokong umiyak. I stuffed the pain down, never letting anyone know how I was feeling, Pero sa mga oras na ito pakiramdam ko hindi ko mapigilan ang sarili kong iiyak lahat ng sakit na itinago at iniwasan kong maramdaman sa mga nakaraang buwan.

Crying right now was incredibly painful, but was the truest and most raw emotion I'd felt in months. It felt strangely good and freeing to be able to cry with someone, to feel the pain together. But the strangest thing is that it is the most alive I've felt in months, to allow myself to just feel all that I am feeling and not push it away. For the first time in months I allow myself to feel the pain of losing my child. I allow myself to mourn for my unborn child. We are both crying and mourning as if we just lost our baby yesterday.

Nagising nalang ako kinabukasan sa sikat ng araw na tumagos sa bintana sa tabi ng kamang hinihigaan ko. Pagtingin ko sa relong nasa bedside table nakita kong mag-aalas otso na ng umaga. Bumangon agad ako saka sumandal sa headboard ng kama. I'm still wearing my undies and my bathrobe na suot ko papunta dito kaya sigurado akong walang ibang nangyari kagabi.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi sa kakaiyak pero pakiramdam ko sa nagdaang halos kalahating taon ito na yata ang pinakamahaba at pinakamahimbing na tulog na naranasan ko. Madalas kasi kahit nakakatulog agad ako pagkagaling sa trabaho paggising ko kinabukasan pakiramdam ko pagod na pagod pa din ako at ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Magaan ang pakiramdam ko paggising pero ramdam ko din ang bigat ng mga mata kong namumugto dahil sa pag-iyak kagabi.

Nakaramdam ako ng pagkadismaya ng marealize na nag-iisa nalang ako sa kwarto paggising ko. I was expecting na nasa tabi ko pa siya paggising ko but I was wrong. Kahit bakas niya na natulog siya sa tabi ko ay wala dahil maayos ang kaliwang bahagi ng kama na para bang walang humiga doon. Maybe he's needed somewhere. May inuna na naman siyang ibang bagay-

Natigil nalang ako sa pag-iisip ng bumukas ang pintuan ng kwarto at nakitang papasok si Kaede dala ang isang tray na may lamang mga pagkain.

"Good morning." nakangiting bati niya. Ngiting bakas ang lungkot at pag-aalinlangan. Medyo halata din ang pamumugto ng mga mata niya. "I prepared breakfast." aniya matapos ayusing ang almusal sa bedtray table na inayos niya saka siya umupo sa kama sa bandang harapan ko.

"Did you planned this?" bigla kong naitanong ng makitang pancakes with ham and egg na may kasamang brewed coffee ang almusal na inihanda niya. Imposible naman kasing may stock na ganitong mga pagkain dito dahil bakasyunan lang ng pamilya nila ang bahay na ito. Maliban nalang kung nitong nakaraang mga araw ay dito siya naglalagi.

Umiling agad siya bilang sagot sa tanong ko.

"Nakisuyo lang ako kay Mang Lando para magpabili ng mga yan." sagot niya. "Kain ka na."

Hindi na ako makapag-inarte dahil nararamdaman ko na ding kumakalam na ang sikmura ko sa gutom kaya inumpisahan ko ng kainin ang hinain niya.

The pancakes with ham and egg were delicious and I love the coffee, ito kasi ang timpla ng kape na gustong gusto kong iniinom tuwing umaga.

Napahinto nalang ako sa pagkain ng mapansing nakatitig siya sa akin at pinapanood akong kumain.

"Sorry." aniya ng marealize niyang napansin kong pinapanood niya akong kumain. "I just want to look at you like this for the last time. Alam ko kasing pagbalik natin ng Manila hindi na mauulit pa ang ganito." sabi niya pa kaya bahagya akong napatungo at napatitig nalang sa pagkaing nasa harap ko.

Naramdaman ko nalang ang paghawak niya sa kaliwang kamay kong nakapatong sa bedtray table kaya muli akong napatingin sa kanya at nakitang nangingilid ang luha sa mga mata niya. Para bang may gusto siyang sabihin sa mga oras na yun pero halatang nag-aalinlangan siya kaya bahagya niya nalang pinisil ang kamay ko.

"Nagpasuyo din ako kay Manang na bilhan ka ng bagong pares ng undies. Isinabay niya ng labhang ang mga iyon sa ilang damit na naiwan mo nung huling bisita natin dito. Ipapaakyat ko nalang." sabi niya nalang saka binitawan ang kamay ko at muling tumayo. "You can take a bath if you want and then we can get you home."

Lumabas na agad siya ng kwarto pagkatapos habang ako naiwang nakatulala sa harap ng pagkain. Parang biglang nanikip ang dibdib ko ng marinig ang huli niyang sinabi. I should be glad dahil babalik na kami ng Manila at ihahatid niya na ako pauwi. Dapat maging masaya akong ibibigay niya na ang gusto kong annullment at titigilan niya na ako pero bakit parang ang sakit malaman na hahayaan niya na akong magmove on without him. Bakit parang ang sakit isipin na ito na ang huling pagkakataong magkasama kami?

Maya-maya narinig ko nalang na may kumatok sa pintuan saka pumasok si Manang dala ang mga damit na tinutukoy ni Kaede kanina kaya dali dali kong pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Thank you, Manang." nakangiting sabi ko ng ilapag niya sa bedside table ang mga dala niya. Tumayo na agad ako sa kama at kinuha ang mga iyon saka pumasok ng banyo dala ang mga iyon.

Halos isang oras din pagkatapos kong maligo at magbihis bago umakyat ulit si Kaede sa kwarto. Nakapagbihis na din siya at mukhang handa na sa pag-alis namin.

"Let's go?" nakangiting yaya niya pero kitang kita ko pa din ang lungkot sa mga mata niya.

I still love him.

That's what I realize last night while we were both crying and mourning for our unborn child. Nagalit ako ng husto sa kanya ng mamatay ang baby namin dahil siya ang pinakamalapit sa akin ng mga panahong yun. Idagdag pa na nagsinungaling siya sa kin kaya inakala kong babae niya si Bethany. I blamed him for everything that had happened to lessen the guilt that I was feeling when I lost my child. I need to hold on to something at that moment and being ang ry with him was the only thing that I can hold on to. Naging sarado ang isip ko at hindi pinakinggan ang paliwanag niya dahil sa nararamdaman kong sakit. I wallowed in my own grief but not realizing that he's grieving too.

"Totoo ba?" akmang lalabas na siya ng kwarto ng bigla akong magsalita. "Totoo bang pumunta ka sa Europe para sundan at makausap ako?"

Napatingin agad siya sa akin. Mapait siyang ngumiti saka tumango ng bahagya.

"But I guess fate doesn't want me to talk to you at that time." sagot niya. "Siguro nakita nito kung paano kita nasaktan ng sobra kaya ito na ang gumawa ng paraan para hindi ko na madagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo." saka siya napatungo.

"I miss you." hindi ko na napigilang sabihin. Muli naman siyang napatingin sa akin. "And people say just because you miss someone doesn't mean you have to take him back." heto na naman ang mga luha kong nag-uunahan sa pagbagsak. "But I realized I don't just miss you." sabi ko pa. "I want to go back to the cabin at that top of this mountain and make potteries with you again. I miss Granny and your home. I love how you prepare my breakfast and I love it when you are the one who makes my coffee every morning. I miss how you massage my feet when I get home from work. I miss how you kiss my forehead and how you hug me." kitang kita ko din ang pagbagsak ng mga luha niya sa mga oras na ito. "I still love you, you know-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil naglakad na siya papalapit sa akin at mariin akong hinalikan sa labi. "I'm sorry." humahagulgol na sabi ko matapos niya akong halikan. "I'm sorry for blaming you and not listening to your explanation."

"Shh. I am the one to blame, George. And I'm the one who should be sorry."" aniya habang pinupunasan ang mga luha ko. "I miss you so much, hon." Sabay yakap niya sa akin ng mahigpit.

KAEDE (Way Back to Your Heart)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora