CHAPTER FIFTY-ONE:

7.6K 183 62
                                    

CHAPTER FIFTY-ONE

Kaede's

Nagising nalang ako sa malakas na katok sa pintuan ng tinutuluyan kong kwarto. Pangatlong araw na namin sa Davao nila Ashton, Matt at Theo para sa isang one week business conference at para narin personal na makipagbusiness deal sa prospect client naming si mr. Suzuki.

Kaya ngayon masakit pa din ang ulo ko dahil naparami ang inom ko kagabi dahil matapos naming maisara ang deal with mr. Suzuki ay nag-yaya itong uminom. Hindi ko na nga matandaan kung paano akong nakabalik sa kwarto ko dahil sa sobrang kalasingan.

Nagpatuloy ang malakas na katok sa pintuan kaya naman napilitan akong bumangon at pagbuksan ang kung sino mang nandoon.

"Pare!" bungad agad ni Ash pagkabukas ko ng pintuan saka sila mabilis na pumasok ni Matthew sa loob ng kwarto ko.

"Bakit?" pupungas pungas na tanong ko habang pinagmamasdan silang bigla nalang iniinmpake ang mga gamit ko. "Ano bang ginagawa niyo?"

"Magshower ka na. Kailangan mo ng bumabalik ng Maynila." sagot ni Ash na nagmamadaling inilalagay sa maleta ang ilan kong damit.

"Ano?!" kunot noong tanong ko.

"Nagpadala na si Keiji ng private plane na sasakyan mo pabalik ng Maynila kaya mag-ayos ka na." sagot naman ni Matt na abala din sa pag-eempake.

"Ano bang nangyayari? Bakit nagmamadali kayong pabalikin ako ng--"

"Ngayon ang flight ng asawa mo papuntang Paris kaya kailangan mo siyang habulin." mabilis na sagot ni Ash.

"W-What?!" gulat na tanong ko. Para akong nabato sa kinatatayuan ko dahil sa narinig.

"Putangina! Maligo ka na! Mamaya ka nalang magtanong kayla Darius paglapag mo sa Maynila. Kailangan mo munang maabutan ang asawa mo." sigaw ni Ashton sabay tulak sa akin papasokng CR.

Hindi na ako nakapagshower. Nagtoothbrush nalang ako at nagpalit ng damit saka kinuha ang maleta ko at nagmadaling umakyat ng roofdeck kung nasaan naghihintay ang private plane na pinadala ni Keiji.

"Bilisan mo. Sana maabutan mo siya." sigaw pa ni Ash habang pasakay ako ng eroplano.

Naguguluhan ako. Kinakabahan. Natataranta. Halo halo na ang nararamdaman kong emosyon.

Bakit siya pupunta ng Paris? Bakit hindi ko alam na ngayon ang flight niya. Bakit siya aalis?

Hindi pa nga kami nakakapagusap simula ng aksidente tapos aalis na siya ng bansa?

It only takes one hour and forty minutes bago nakalapag ang sinasakyan kong private plane sa manila pero pakiramdam ko ito na ang pinakamatagal na biyaheng naranasan ko.

Pagkalapag na pagkalapag ng private plane ay bumaba agad ako at tinakbo ang papunta sa information desk.

"Excuse me." hinihingal sa sabi ko sa babaeng nasa information desk. "Anong oras ang flight ng Manila to Paris?"

"Sir, kanina pa pong 10 minutes ago nakaalis. Mamayang 2 o'clock pm na po ang next scheduled flight." sagot ng babaeng staff kaya naman para akong nanlambot ng marinig ang sinabi nito.

"Hindi pwede." naiiyak na bulong ko sa sarili.

Hindi ko na siya naabutan. Nakaalis na siya ng tuluyan ng hindi manlang kami nakakapag-usap.

"Pare..." narinig ko nalang na boses ni Darius habang nakaupo ako sa waiting area. Kasama nito sila Cheska, Keiji at Art.

"Nahuli na ako ng dating." nanlulumong sabi ko. "Tuluyan niya na akong iniwan."

KAEDE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon