CHAPTER THIRTY-FIVE:

7K 137 2
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE

Kaede's

"Parang tanga lang 'ji. Daig mo pa ang ikakasal ha." natatawang sabi ni Migs habang nakikita namin na halos hindi maipaliwanag ni Keiji ang nararamdaman dahil finally, after 11 months na panliligaw kay Cheska ay sinagot na siya nito.

"Nagbunga din ang pinaghihirapan mo pare." sabi naman ni Darius.

"Naku, huwag mong paiiyakin yang bestfriend ko kung hindi sisiguraduhin kong hindi na dadaloy ang lahi mo." pagbabanta ni George kaya nagtawanan kaming lahat.

"Loko ka talaga." natatawang bulong ko kay George sabay halik ko sa sintido niya kaya natawa din siya.

"Ang galing kasing mangbola nitong kaibigan niyo kaya napasagot ako eh." ani Cheska habang nakaakbay sa kanya si Keiji.

"Oy sincere ako sa lahat ng pinakita ko sayo ah. Walang halong pambobola ang lahat ng yun." nakangiting sabi ni Keiji sabay halik sa pisngi ni Cheska na kinurot naman siya sa pisngi.

"Tangina, ang sweet niyo. Baka magkadiabetes kami dito." bulalas ni Ashton kaya natawa ulit kami.

"Paano ba yan, apat nalang talaga kaming natitirang single sa barkada." maya-maya ay sabi ni Darius sabay kunwaring iyak nila ng sanay sabay nila Swisso, Ash at Migs.

"Napag-iwanan na tayo, mga pare." kunwaring umiiyak na sabi ni Swisso kaya natawa nalang kami.

"Mga mukha kayong gago." ani Duane na natatawa kayla Darius.

"Hindi bale, magpupursigi din ako sa panliligaw kay Faye para mapasagot ko na siya." biglang sabi ni Darius.

"Oo fafa Darius, pagbutihin mo ang panliligaw sa babaitang iyon para hindi beauty ko ang binubulabog." pagsang-ayon naman ni Art kaya nagtawanan kami ulit. "Juice Colored! Kinikilabutan ako sa pagdikidikit sa akin ng pinsan mong yun bakla!" sabi niya pa kay Stacie na natatawa nalang din.

"Eh paano kapag napasagot yun nitong si Darius edi maslalong magiging malabong maging kayo ni Darius, baks." natatawang tanong ni Cheska.

"Haynaku, keri lang. Okay lang na magkatuluyan sila ni fafa Darius kahit masakit sa aking damdamin basta't tigilan lang ako nun ni Faye. Jusko talaga kinikilabutan ako sa bruhang yun." sabi pa ni Art.

"Ang gwapo mo daw kasi, bakla." sabi naman ni Stacie.

"Che! Anong gwapo? Maganda ako. Dyosa. Ganun!" sabay pilantik pa ng mga kamay nito na lalong naging dahilan para magtawanan kami.

"Akala ba namin gusto mong magkaanak? Malay mo si Faye ang magbigay sayo nun." pang-aasar pa ni Janine.

"Girl naman! Oo gusto kong magkaanak, pero pwede namang mag-apon kesa sa chumorva ng babae ding katulad ko. Wag ganun. Ayokong maging paminta. MyGhad!" lalo kaming nagtawanan sa sinabing yun ni Art.

Lalo kaming natawa ng tumayo si Art at tumabi kay Darius saka kumapit sa braso nito.

"Kaya please lang fafa Darius..." nagmamakaawang sabi ni Art. "Galingan mo ang panliligaw sa babaitang yun. Huwag mong hayaan na yurakan niya ang puso kong babae. Kahit hindi na tayo magkatuluyan for real basta ilayo mo lang siya sa akin, please fafa Darius." seryosong sabi pa nito kaya lalo kaming nagtawanan.

Natatawa din si Darius sa pakiusap ni Art sa kanya pero tumango nalang siya para tumigil ito. Hindi din talaga ako makapaniwala sa love triangle nila ng pinsan ni Stacie na si Faye.

Ngayon lang namin nalaman na totoo pala ang pagkagusto ni Art kay Darius, na ang mga biro niya ay may kahulugan palang talaga pero handa daw siyang magparaya kay Darius na patay na patay naman kay Faye para maging si Darius at Faye basta't tigilan lang siya nito. Patay na patay kasi talaga ang pinsan ni Stacie na si Faye kay Art at kahit anong kumbinsi ang gawin nila para tigilan nito si Art ay walang epekto. Lalo lang nitong hinahabol at sinusundan ng sinusundan si Art which is minsan ang creepy na.

KAEDE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon