CHAPTER THIRTY-SIX:

6.8K 133 3
                                    

CHAPTER THIRTY-SIX

Kaede's

"You don't have to bring clothes. Hindi naman natin kakailanganin ang mga yan dun." pilyong sabi ko sa kanya habang inaayos niya ang mga kakailanganin niya sa dadalhin niyang duffle bag.

Natawa nalang ako ng bigla niya akong pinalo ng hawak niyang tshirt habang nakasimangot.

"Loko-loko ka talaga." nakasimangot na sabi niya pero halatang natatawa.

"Totoo namang hindi na natin kailangan ng mga yan. Para nga maisabuhay natin si Adan at Eba." sabi ko pa kaya namula ang pisngi niya na lalo kong ikinatawa.

"Siraulo ka." aniya.

Tinulungan ko na din siyang magimpake ng mga kailangan namin para sa isang linggo para bukas aalis nalang kami at pupunta sa Antipolo.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Hindi ba natin kakailanganin ng passport?" maya-maya ay tanong niya.

Hindi ko pa din kasi sinasabi sa kanya kung saan kami pupunta. Ang sabi ko lang may pupuntahan kami at mananatili doon ng isang linggo na kaming dalawa lang.

"Diyan lang naman tayo sa clubhouse kaya hindi na kailangan pa ng passport." biro ko kaya napatingin siya agad sa akin at napasimangot ng makitang nagpipigil ako ng tawa.

"Pinaglololoko mo na naman ako. Nakakaasar ka." sabay palo niya ulit sa akin ng hawak niyang bra na lalo ko na namang ikinatawa.

"Talagang bra mo ang ipinanghampas mo sakin? Gusto mo yatang umpisahan na natin ang honeymoon ngayong gabi ah." natatawang sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata niya ng marealize na yung bra niya ang naipanghampas niya sa akin saka namula ang pisngi niya sa hiya. She looks so adorable like that. Nahihiya pa din siya kahit na nakita naman na namin ang lahat ng parte ng katawan ng isa't isa.

"Nakakaasar ka talaga!" sabay pout niya.

"O baka naman panty mo naman ang ihampas mo sakin ha." biro ko kaya muling nanlaki ang mga mata niya

"Pervert!" aniya sabay talikod saka pinagpatuloy ang pag-iimpake. Lalo akong natawa ng makitang namumula pa din ang pisngi niya.

"Eto naman nahihiya pa sa akin." sabay yakap ko sa kanya mula sa likod habang nag-aayos siya ng gamit. "Eh nakita ko naman na ang lahat sayo at mo ang lahat sa akin." pilyong sabi ko pa sabay masahe sa balalang niya dahilan para napahinto siya sa ginagawa niya at mapasinghap sa ginagawa ko.

"Naku talaga!" biglang layo niya sa akin. "Tigilan mo yang mga paganyan ganyan mo at naaano ako."

"Naaano?" puno ng malisyang tanong ko. Natawa nalang ako ng bigla niya akong batuhin ng tuwalya.

"Magshower ka na ng mawala yang init ng katawan mo at ng hindi pati ako dinadamay mo." sabi niya pa.

"Bakit ba nagpipigil ka? Okay lang naman na umpisahan natin ang-"

"Kaede? Maligo ka na." suway niya sa akin.

"Okay. Pero okay lang kung susunod ka sa loob at sabay tayong magshoshower." pilyong sabi ko habang tumatawa.

"Ewan ko sayo! Madami akong ginagawa." natatawa na ding sabi niya.

Pumasok naman na ako sa banyo para magshower, umaasa na susunod siya pero hindi talaga siya pumasok sa loob at sumabay sa aking maligo. Sayang.

Pagkatapos kong magshower at magbihis nadatnan kong tapos na siyang mag-impake ng mga gamit namin. Nakaupo siya sa couch habang kausap sa skype ang daddy at lolo Morgan niya.

KAEDE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon