CHAPTER FIFTY-EIGHT:

6.3K 159 23
                                    

CHAPTER FIFTY-EIGHT

George's

"A-Anong ginagawa mo?" nagulat nalang ako ng pagpasok namin ng kwarto at pagsara niya ng pintuan ay bigla siyang nagtanggal ng suot niyang polo shirt kaya tuloy nataranta ako at napatakbo papunta sa pintuan pero mabilis niya akong nayakap para pigilan.

Nagpupumiglas ako para makawala pero mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin kaya naihiga niya ako sa kamang nandoon kasama siya.

Kung inaakala niyang malulutas ng pakikipagsex ko sa kanya ang problema naming dalawa, nagkakamali siya. He should think better than that!

"It's not what you think." bulong niya kaya natigilan ako sa pagpupumiglas habang yakap yakap niya ako mula sa likod.

Naramdaman ko nalang na lumuwag ng kaunti ang pagkakayakap niya sa akin.

"I just want to hold you like this." bulong niya saka ko naramdaman ang paghalik niya sa buhok ko.

Hindi na mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang kumawala sa pagkakayakap niya.

"Patawarin mo ako." maya-maya ay narinig ko nalang na garalgal na sabi niya. "Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako sayo. Kung mas-inuna ko ang pagtulong kay Bethany kesa ang manatili sa tabi mo noong nagdadalang tao ka. I'm so sorry for making you feel so alone when you needed me beside you. I'm sorry for losing our child."

He's crying. Dinig ko sa boses niya ang pag-iyak niya habang nagsasalita.

"Mahal na mahal kita and I want you back." umiiyak na sabi niya pa. "But I want you to be happy more than that. At kung ang annullment ng kasal natin ang makapagpapasaya sayo. Kung talagang ayaw mo na. Kung hindi mo na talaga ako kayang patawarin sa lahat ng nagawa ko sayo, maiintindihan ko. Hindi na kita guguluhin. I will let you go and I will let you move on without me. Pero nakikiusap ako George, hayaan mo muna akong makasama ka ngayong gabi. Gusto ko lang maalala ang pakiramdam na kasama ka. Gusto ko lang maramdaman ulit ang yakap mo. Hayaan mo lang sana akong makasama at mayakap ka sa huling pagkakataon."

Galit pa din ako sa kanya dahil sa lahat ng nangyari simula ng magsinungaling siya at ng mas-inuna niya ang pagtulong kay Bethany kaysa ang manatili sa tabi ko. I'm still mad at him but I can also feel how he's hurting right now.

"I don't regret helping Bethany dahil habang buhay kong dadalhin sa konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kanila ng baby niya. Pero ang pinagsisisihan ko ay yung hindi ako nanatili sa tabi mo. I should have stayed with you. Kung alam ko lang na ang kapalit ng pagtulong ko sa kanya ay ang buhay naman anak natin at ang kaligtasan mo sana naghanap at nag-isip ako ng ibang paraan para tulungan siya ng hindi ko kailangang magsinungaling sayo. Sana sinabi ko nalang sayo ang totoo ng hindi tayo humantong sa ganito."

I can feel every ounce of regret while he's telling me those things.

"I wish I could go back to that day and make things right but I can't. Huli na ang lahat. Hindi ko na maibabalik ang buhay ng anak natin. I don't deserve you." garalgal na sabi niya pa saka ko muling naramdaman ang paghigpit ng yakap niya. "You deserve someone better. Yung taong hindi magsisinungaling at ikaw ang laging unahin."

Lalong nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya.

"Mahal na mahal kita and I want you to be happy even if that would mean I have to set you free."

Hindi na siya muling nagsalita pagkatapos nun. Tahimik siyang umiiyak pero ramdam na ramdam ko ang panginginig niya habang yakap yakap ako kaya hindi ko na din mapigilan ang sarili ko sa pagluha.

KAEDE (Way Back to Your Heart)Where stories live. Discover now