PROLOGUE

32K 380 13
                                    

PROLOGUE

"Nasa iyo pa din yan hanggang ngayon?" napalingon agad ako kay Duane habang pinapanood ang mga highschool students na nasa quadrangle ng Alma Mater namin nung highschool. Saka ako muling napatingin sa hairclip na hawak ko.

It was the blue hairclip na naiwan ni G thirteen years ago ng ipagtanggol niya ako sa grupo nila Bobby.

"Naalala mo na naman siya?" natatawang tanong ni Duane kaya napangiti nalang ako.

"Sa tuwing bumabalik ako sa lugar na to siya ang lagi kong naaalala." nakangiting sagot ko.

"You don't know her name. You did not even recognize her face because of the mask she's wearing that night."

Muli na namang bumalik sa alaala ko ang nangyari nung gabing yun.

"Kamusta D.K.?" that was our prom night, pabalik na sana ako sa loob ng function hall ng harangin ako ni Bobby kasama ang ilan niyang mga kaibigan.

Sila ang madalas na kaaway ng barkada namin. Pinag-iinitan nila kami simula ng paiyakin ni Theo ang kapatid ni Bobby na si Shannon.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit galit na galit sila sa aming buong magbabarkada samantalang si Theo lang naman ang may atraso kay Bobby.

"Hindi mo yata kasama ang mga kabarkada mo." nakangising sabi pa ni Bobby.

"Ayoko ng gulo." mahinahong sagot ko at akmang aalis na at babalik sa prom ng biglang may sumapak sa akin.

Hindi ko alam kung sino sa kanila. Pakiramdam ko umikot nalang ang paningin ko at napaupo sa sahig.

Tumalsik na din ang suot kong salamin kaya labong labo ang paningin ko.

"Hoy Bob!" narinig ko nalang na boses ng babae kaya napansin kong natigilan sila Bobby na akmang lalapit ulit sa akin para suntukin pa ulit ako.

"G." narinig ko nalang na sabi ni Bobby na halatang nagulat.

"Mga siraulo talaga kayo no?" narinig ko pang sabi nung babaeng tinawag ni Bobby na "G" saka ko ito naaninag na humarang sa harapan ko, nakaharap kayla Bobby at nakatalikod sa akin.

"Wag kang makialam dito. Tuturuan ko lang ng leksyon ang nerd na yan at ang mga kaibigan niya." sigang sagot ni Bobby.

"Back off!" matapang na utos naman nung G. "Kapag hindi niyo siya tinigilan isusumbong ko kayo sa head ng school. Last year niyo na sa school na to hindi ba? O baka naman ayaw niyo pang grumaduate?"

Natahimik saglit sila Bobby. Halatang inaanalisa ang sinabi nung G.

"May araw ka din sa amin, Nerdyboy." biglang sabi ni Bobby saka naglakad pabalik sa function hall.

Kinapa ko agad ang tumalsik kong salamin sa sahig. Hindi ko kasi iyon maaninag dahil medyo madilim sa hallway.

Natigilan nalang ako ng biglang hawakan ni G ang kanang kamay ko saka inilagay doon ang bali ko ng salamin.

"Kung pwede, wag kayong maghihiwahiwalay ng mga barkada mo." biglang sabi niya. "Iniisa isa niya kayong magkakaibigan. You're next to Ashton, target number two." napatingala agad ako sa kanya ng maisuot ko na ang salamin ko sa mata.

"A-Ano?" nauutal na tanong ko.

"You heard me." mahinahong sagot niya saka tumalikod at naglakad paalis.

Nakasuot siya ng itim na maskara kaya hindi ko nakita ang mukha niya. Masquerade kasi ang theme ng prom night. Hindi ko tuloy matukoy kung sino siya. Wala din akong matandaan na kaeskwela naming G ang pangalan.

Papatayo na sana ako mula sa pagkakaupo sa sahig ng may mahawakan akong hairclip sa sahig. It was a blue hairclip na may black glittered butterfly and a letter G was written at the back of it.

Sa kanya ang hairclip na ito.

I was about to call her pero nakita kong naaalis na siya.

"G." bulong ko. "G ang tawag sa kaniya nila Dominic."

"Pare, ilan bang kabarkada nilang babae ang nag-uumpisa ang pangalan sa letter G?" narinig ko nalang na boses ni Swisso na kadaraging lang kasama sila Keiji, Ashton, Arlo at Matt.

"Oo nga naman pare." sabat ni Arlo. "Gione? Grace? Gia? At sino nga ulit yung lesbiana?"

"Yung babaeng maitim na malakas manapak?" tanong ni Ashton.

"Yung Giena." sagot naman ni Matthew.

"Yeah! That girl!" bulalas ni Ash.

"Hindi naman siya ganun kaitim." ani Matt. "Naglalaro kasi siya ng baseball at madalas magskateboard kasama sila Darwin kaya ganoon ang complexion ng balat niya."

"Yeah right! But for sure hindi umaattend ng prom ang babaeng yun. Mukha ngang hindi naggogown yun eh." natatawang sabi nalang ni Keiji.

Binulsa ko agad ang hairclip na hawak ko.

Kahit makita ko siya ulit siguradong hindi niya na ako natatandaan. Baka nga hindi niya talaga ako natandaan kahit na ilang beses niya na ako noong niligtas mula sa pambubully ng grupo nila Bobby.

KAEDE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon