CHAPTER TWENTY-SEVEN:

6.2K 146 7
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

George's

"Aray! Ano ba, nasasaktan ako!" sigaw ko ng bigla niya nalang akong hilain papasok ng bahay hawak ang kanang braso ko pero parang hindi niya ako narinig at nagdirediretso sa loob ng bahay bang hila hila ako.

Ano na naman ba ang problema ng lalaking to?

"Ano bang problema mo?!" galit na tanong ko pagpasok namin sa loob ng bahay saka ko agad na tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Halos bumakat na doon ang kamay niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin kanina habang hila hila ako. Galit na galit siyang humarap sa akin kaya natigilan ako. Nanlilisik ang mga mata niya na parang mananapak ano mang oras.

"Wala ka ba talagang kahihiyan ha?" galit na galit na tanong niya. "Talagang sa labas pa kayo nagyayakapan ng 'bestfriend''mo? Tapos nagpapabuhat at nagpapahalik ka pa sa kanya sa noo."

Sinasabi ko na nga ba. Yun nanaman ang problema niya. Bagay na madalas naming pagtalunan. Napakitid talaga ng pag-iisip niya.

"Hindi mo iniisip ang sasabihin ng mga taong makakakita sa inyo diyan sa labas? Kung makayakap siya sayo at makahalik sa noo mo parang siya ang asawa mo ha at ikaw parang gustong gusto mo naman ang ginagawa sayo ng gagong yun na parang wala kang asawa!"

"Magkaibigan lang kami ni Dominic!" galit na sagot ko saka tumalikod para umakyat ng hagdan. Paulit ulit nalang kasi ang pagtatalo naming ito. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na kaibigan ko lang si Dominic pero para parin siyang tanga na galit na galit kapag kasama ko ito o kaya may kausap akong ibang lalaki.

Napahinto nalang ako ng bigla niyang hawakan ulit ang braso ko saka ako pabiglang hinarap sa kanya.

"Ano ba?!" sigaw ko ulit sabay bawi sa braso ko. Nakakasakit na siya ha.

"Magkaibigan?" nakangising tanong niya na halatang pilit. "Talaga bang magkaibigan lang kayo ha? Baka naman may relasyon kayo ng 'bestfriend' mong yun kaya madalas kayong magkasama--" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil sa sobrang pikon ko hindi ko na napigilang sampalin siya. Nakita ko kung papaano maslalong nanlisik ang mga mata niya ng muling tumingin sa akin.

"Ang dumi ng utak mo!" nanggigigil na sabi ko. "Wala kaming ginagawang masama."

"Walang ginagawang masama?" sarkastikong tanong niya. "Kung matino kang babae, hindi ka basta basta magpapahawak sa ibang lalaki kahit pa bestfriend o kaibigan mo lang na parang gustong gusto mong hinahawak hawakan ka ng ibang--"

"Kaede!" narinig naming boses ni Tito Leo kaya pareho kaming napatingin sa hagdanan kung saan ito pababa. Si Granny at Manang naman ay nasa pintuan ng kusina at nag-aalalang nakaringin sa amin.

"Totoo naman eh kaya nga din siya nababastos dahil sa pananamit niya." ayaw paawat na sabi niya pa. Eto pa ang isang issue na paulit ulit naming pinagtatalunan. Ang pananamit ko. "Tignan niyo nga yang suot niya. Halos ibalandra niya na ang katawan niya sa labasan kaya siya nababastos dahil nagpapabastos din siya. Daig niya pa ang isang put--"

"It's enough Kaede!" galit na sabi ni Tito Leo.

Sa sinabi ni Kaede na yun ay hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak. Bagay na matagal ko ng pinipigilan sa tuwing pagtatalunan namin ang mga bagay na yun.

"Okay lang ho tito. Patapusin niyo ho siya sa sasabihin niya." sabi ko nalang kaya pareho silang napatingin sa akin.

Tinitigan ko agad si Kaede ng masama. Hindi ko akalain na yun naman pala talaga ang tingin niya sa akin.

KAEDE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon