Chapter 29: GD, Aeron and Mr. Unknown

Start from the beginning
                                    

Napag-alaman ko na yung sumagip noon kay Aeron ay anak ng isang staff namin. Ton-ton daw ang pangalan. Ewan ko lang kung real name niya iyon. Bilang kapalit ay si Dad yung nagpaaral sa kanya. Tapos ipinasok din ni Dad yung tatay niya sa company namin. Kapag nagbabakasyon kami sa Ilocos ay si Ton-ton ang palaging kalaro ni Aeron.

Napadami na naman ako ng kwento dahil sa swimming pool na yan. Biglang nagring yung doorbell. Mukhang nandyan na sila. Agad kong binuksan ang maindoor. Sa wakas, dumating na rin sila. Malapit na ring matapos si Natel sa pagluluto.

Kita ko sa peripheral vision ko na tinititigan ako ni Matheo. Ibinaling ko ng paningin ko sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

Jake. Bakit ka ba nagkakaganito.

.

★Natel★

Nandito na kami ngayon sa garden. Habang kumakain kami ay sinasabayan namin ito ng kwentuhan. Tawa doon, tawa dito. Dahil na rin sa magkaharap kami ni Devin. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Ang gwapo niya ngayong gabi. Katabi ko si Archie. Kanina pa siya naglalambing pero ewan ko lang, parang wala ng effect yung ginagawa niya sa akin. Siguro dahil na rin sa nakita ko. Hindi ko pa siya kinakausap doon kasi umaasa ako na mali yung inig sabihin ng nakita pero. (A/n: Hays ang tanga mo Natel. Nakita mo na ngang may kasama siyang iba tapos sasabihin mong baka nagkamali ka lang ng hinala. ISA KANG DAKILANG MARTIR)

"Ang sarap ng luto mo Natel," sabi ni Kean. Bakit niya alam na luto ko?

"Mas masarap pa itong luto mo kaysa sa kinainan nating restaurant kahapon," sabi ni Kean. If I am not mistaken, may gusto siyang ipahiwatig.

"Kinainang restaurant?" tanong ni Archie.

"Yup. Doon sa bagong tayong restaurant malapit sa may McDonalds. Actually sa McDo sana kami kakain pero nag-aya si Natel na doon na lang kami kakain. Nakaka-awkward nga eh, mukhang parang exclusive na kainan lang yon for couples. Hahaha ang daming nagsusubuan.," sabi ni Kean na tumatawa. Alam kong nagpaparinig siya. Ako naman, pangiti-ngiti lang. Ewan ko pero para bang hindi makaimik si Archie sa sinabi ni Kean. Si Devin, Leiyan at Mico ay clueless parin sa kung ano ang ipinapahiwatig ni Kean. Si kuya naman ay nag-aabang kung ano ang susunod na mangyayari. Natapos na kami sa pagkain ng naisipan nila na pumasok na kami sa loob dahil magmomovie marathon daw sila. Si Devin ay nagpaiwan dahil may tatawagan daw siya. Pero 15 minutes na ang nakalipas, hindi pa rin siya pumapasok, kaya naisipan kong lumabas upang tignan siya.

Ayun, nag-iisang nakaupo sa may bench. Malalim ang kaniyang iniisip. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya o hindi. Kusa na lang gumalaw ang aking paa patungo sa kinaroroonan niya. Umupo ako sa kaniyang tabi.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at binigyan ng hilaw na mga ngiti.

"Wala, may naaalala lang ako," sabi niya.

"Let me guess. Aeron?" tanong ko sa kanya.

"Hindi," sabi niya.

"Eh, ano?" tanong ko. Bigla na lang niyang hinawakan ang aking mga kamay. Bumilis ang tibok ng aking puso.

"Ikaw," sagot niya. Pilitin ko mang gumalaw ngunit natulala ako dahil sa sinabi niya. Mayroon siyang kinuha sa kaniyang bulsa saka niya ibinigay sa akin. Isa itong nakafold na papel. Agad ko itong binasa.

I AM GD

Y

an yung nakasulat. Kung gayon siya pala yung palaging nag-iiwan ng note sa upuan ko. Kung gayon, siya rin yung nakita kong lalaki na nakatalikod kanina sa field.

When Pogi Meets PoGayWhere stories live. Discover now