Hindi ko maiwasan ang pagkagat ng sariling mga labi. Napalunok ako at hinawakan ang leeg na pakiramdam ko ay masusunog na sa sobrang init.

Kailangan ko ng maligo hindi maganda ito. Hindi talaga maganada.

Kinuha ko ang tela at itinakip sa mga dibdib ko. Umakto ako ng normal. Wala naman talagang problema, pero bakit ako nagkakaganito? Hindi ko ito naranasan kailan man. Ang mailang mismo sa lalaki.

Pumanhik ako ng akyat papunta saking kwarto. Nawalan ako ng ganang kumain. Bigla na lang kasing bumaliktad ang sikmura ko. 'Yung bang hindi sa masamang paraan, para bang bumaliktad sa kilig na hindi malaman at ayoko ng ganitong pakiramdam.

Nilinis ko ang sarili ko ng maayos. Hindi na ako sumabay ng umagahan sa kanila dahil alam ko na ang mangyayare. Mabubwiset lang ako kay Sandra at malulunod nanaman ako sa mga tingin ng Ninong.

Matapos ang pag ligo ko ay kaagad na nagpatuyo ng buhok. Inayos ang sarili at nag suot ng itim na T-shirt at maong na shorts. Hindi na muna ako lalabas ngayong araw. Wala akong gana at mas gugustuhin ko na lang lunurin ang sarili sa malambot na kama.

Ilang oras pa ang lumipas.

Alam ko na ang mangyayare at tumama nga ang hinala ko. Kumatok ang isa sa mga kasambahay namin para tawagin na ako sa tanghalian. Hindi kasi ako sumabay ng umaga kaya't alam na alam ko na ipapatawag ako ng papa.

"Senyorita?"

"Bababa na ako." Ayoko ng pahabain ang usapan. Hindi ako sanay. Wala akong gana.
Umalis na ito at doon pa lang ako bumangon. Naglakad na papalabas ng kwarto. Tahimik lang akong lumabas hanggang sa may nakita akong babae na lumabas mismo sa kwarto 'kung saan ang silid ng Ninong.

Napakunot ang noo ko. Napatingin sa'kin ang babae na nakauniporme pa na pangkatulong. Maiksi ang palda ng uniporme kaya't napataas ang kilay ko. Pawis na pawis ito na parang nanggaling sa pagtatalik.

"Anong ginagawa mo diyan?" Inis na tanong ko. Napayuko ang bagong katulong sa'kin na tansiya ko'y mas matanda ng ilang taon.

"Uhm.." Hindi makasagot ang katulong. Inobserbahan ko ito ng mabuti. Napalapit ako ng ilang hakbang nang biglang bumukas ang silid at sunod naman na iniluwal ang Ninong. Kagagaling pa lang nito sa pag ligo at walang saplot sa pang itaas. Pinupunasan niya ng maliit na tuwalya ang buhok nang madatnan kami sa ganoong eksena.

"Kaya naman pala." Pataray na sabi ko. Bwiset na lalaking 'to at may gana pang gawing parausan ang mga katulong dito.

"Hoy babae you're fired." Pataray ko na sabi. Bigla naman ang pagkaputla nito at naiyak sa sinabi ko. Ang magaling na Ninong ko naman ay nagulat at nakatitig lang sa'kin. Wala akong pakialam 'kung ano ang isipin nila.

"Senyorita..."

"Wag kang mag sasalita 'kung ayaw mong kalbuhin kita." Hindi ko na muli hinarap ang mga ito matapos kong bitawan ang mga katagang nasabi.

Bumaba akong nakasimangot at nag tungo sa hapagkainan. Tahimik lang na kumakain si Sandra at wala naman ang papa. Tsk this bitch again!

"Nawalan na ako ng gana." I rolled my eyes. Hindi na muna ako kakain dahil sa babaeng to.

"Kumain ka Guia. Wag mong antayin na kaladkarin kita dito." Pumitik sa pandinig ko ang binitawang salita ng magaling na babaeng 'to.

Lumingon ako na walang anumang makikitang emosiyon saking mga mata. Nagkatitigan kami hanggang sa siya na ang unang sumuko at napadako sa iba ang paningin.

Hindi naman pala uubra. Tinignan lang akala mo parang asong natatae.

Umalis ang papa dahil sa pamamalakad nito sa pabrika. Ganoon naman ang nangyayare kadalasan dahil marami kaming sariling negosiyo. Habang ang magaling na si Sandra eto, walang ginawa kundi ang mag inarte sa hacienda.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon