Tumango ito. “What is it?” tanong niya.

“Ininvite niya akong magbakasyon sa kanila. Hindi—”

Hindi pa ito tapos sa litanya nito nang mag-react agad siya. “What? Pupunta kang mag-isa do’n?”

Napakamot ito ng ulo. “Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko, patapusin mo muna kasi ako.”

“Okay. Go on.” Kumagat siya ng burger niyang pasalubong nito.

“Iyon nga inivite niya akong mag-bakasyon sa kanila.” ulit nito sa sinabi nito kanina.

“Saan ang probinsya nila?” singit niyang tanong.

“Romblon.” sagot nito.

“Maraming buko do’n ‘di ba?” tanong niya.

“Oo. Madami daw, lalo na sa mga bundok—teka, we’re not talking about the coconut there.” Napangiti na lang siya. Nagpatuloy na ito. “So, like I was saying, ininvite niya akong magbakasyon sa kanila. Tutal naman on-leave ka at gusto mo siyang makilala, sasama ka sa akin.” Magpoprotesta sana siya pero itinaas nito ang kanang kamay nito para patigilin siya. Okay, mamaya na lang ang speech ko.

“At dahil hindi ko alam ang kanila. Sasabay tayo sa pinsan niya. Nakilala ko na ang pinsan niya last week. Ipinakilala sa akin ni Harold.” Boyfriend nito ang tinutukoy nito. “May trabaho pa kasi ang pinsan niya.” Napangiti ito. “Ngayon ko lang naisip, bagay kayo ng pinsan ni Harold. Parehas—”

“Bhest, may boyfriend na ako. And we’re not talking about your boyfriend’s cousin here.” singit niya sa sinasabi nito. “Kailan tayo aalis?” tanong niya.

“Sasama ka sa’kin, bhest?”

“Oo naman. Alangan namang hayaan kitang mag-isa na walang kasama.”

“Two days from now, aalis na tayo.”

Nagulat siya. “Two days from now? Ang bilis naman. Hindi pa ako nagpapaalam kay James.” Boyfriend niya ang tinutukoy niya.

“As if naman nagpapa-alam ka nga sa kaniya tuwing may pupuntahan ka.” kontra nito.

“Nagpapa-alam naman ako, eh.” nakangusong sagot niya.

“Nagpapa-alam ka lang kapag nando’n ka na sa pupuntahan mo. Kaya kahit hindi ka niya payagan, wala na siyang magagawa.”

“At bakit hindi niya ako papayagan? Boyfriend ko lang siya. Hindi ko siya asawa.”

“Iyon na nga, eh. Boyfriend mo siya. May karapatan siyang malaman kung nasa’n ka.”

Napatingin siya dito. “Parang iba ka ngayon, ikaw ba ‘yan Cathrine? O sinapian ka ng maligno?” Hinawakan niya ang ulo nito.

Hinawi nito ang kamay niyang nasa ulo nito. “Ano ba! Para kang timang!” natatawang sambit nito.

“Eh, pa’no naman kasi, dati ikaw pa itong sulsol ng sulsol sa’kin na hindi ko na kailangang magpa-alam sa kaniya. Tapos ngayon kinakampihan mo na siya.”

“Kasi dati hindi ako maka-relate sa paalam issue na iyan. At dahil ikaw ang best friend ko, sa’yo ‘ko kakampi.” dahilan nito.

“Bias ka, bhest. At dahil may boyfriend ka na ngayon…”

“Nakaka-relate na ako.” dugtong nito. Nag-high five silang dalawa.

Nang may maalala siya. “Nga pala, bhest. ‘Yong—”

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon