Chapter 17

716 21 4
                                    




Ziel's PoV

Napatulala ako. Potek! Bakit ganito ang itsura nya?? Takte!! Bakit ang ganda? Tss! Oo aaminin ko! Nagagandahan ako sa kanya NGAYON!! Tss! Hula bukas pangit na ulit yan sa paningin ko!

"Hoy!!"

O_____O!!

"Wag kang manigaw Jeid!" Inis na sabi ko! Kakagulat to! Tsk!

"Hahaha! Baka matunaw si Danica nyan!" Natatawang sabi ni Jeid! Nanlaki naman ang mata ko hindi dahil sa sinabi nya! Kundi dahil ang lakas ng pagkakasabi nya kaya narinig ni panget at napatingin samin!!

"Tss! Tumigil ka gunggong! Hindi ako nakatitig!" Binatukan ko pa sya. Bago ako umiwas ng tingin eh nadaanan sya ng paningin ko. Nakita kong parang nahihiya sya. Tss. Nahiya pa.

"Hahahaha diskartehan mo na par.. ang ganda oh.." natatawang sabi ni Jeid habang nakaakbay sakin! Binatukan ko ulit sya!

"Baliw ka na ba? Kaaway ko yan! Tss.." iwas tingin ko.

"Talaga?... bakit titig na titig ka kanina?.." napatingin ako nung sumingit naman si Kyle! Nakangisi to.

"Tsk! Tigilan nyo ko mga gunggong!" Umalis ako sa harap nila. Nag apir pa ang dalawa! Tss!

"Ziel halika! Pipicturan ko kayo ni Danica!"

O______O!!

"Ayoko nga!" Bat naman kami pipicturan pa?! Kainis ah! Tss. Parang pinaglalaruan ata ako ng panahon?? Tss!

"Nahiya ka pa! Tss! Halika na! Susumbong kita sa tatay mo sige ka!" Takte! Palagi nalang nyang pamblackmail si dad! Tsk! Palibhasa takot ako sa kanya. Lol.

"Danica! Halika!" Nakita kong tumatanggi si panget na magpapicture! Hell! Ako namang pake ko?! Tsaka ang choosy nya! Sa gwapo kong to ayaw nya magpapicture?? Lol! Haha!

"Lakad sa gitna!!"

O______O!!

O________O!!

"Dad..." wala sa sariling sabi ko!

"Hey son.." nakangising sabi nya sakin. Napatingin ako sa direksyon nya! Kasama nya si mom at si Zyla! Hell na batang to! Sinabi nga kena mama!

"Anak! Lakad na.." tinulak ako ni mom! Napatingin ako kay president. Sinenyasan nya si Panget na tumabi sakin.

Takte bakit habang papalapit sya eh kinakabahan ako?? Hell! Ngayon ko lang naramdaman ko sa buong buhay ko! Takte! Bakit ako kinakabahan?! Pinagmasdan ko sya.

Masyado namang bunyag ang suot nya? Mababastos sya nyan eh!! Tss! Eh ano namang pake ko?! Mabastos sya dyan! Ako na uuna! Joke asa! Hindi ako napatol sa panget! Tss.

"Closer!!" Sabi ni president! Nakita kong nakangisi sya sakin! Sinamaan ko sya ng tingin pero binelatan nya ako! Hell! Inaasar nanaman nila ako! Hindi ako makatanggi dahil nandito sina mama at papa!

Napatingin ako kena Kyle. Nakangising asi si Jeid! Habang si Kyle tawa ng tawa! Tinuro pa kami ni Jeid at sinenyas na bagay daw kami! Eh totoo nam— yak!! Kadiri! Potek!

"1..2..3..click!!" Inassist nila kami sa mga pose namin mamaya! Kainis. Takte. Bat ba ako kabang kaba?? Ahh baka kasi nandito sina mama! Tama! Kaya ako kinakabahan dahil nandito sila at hindi dahil sa babaeng to!!

****

Tss! Pipicturan lang naman pala kami sa may garden! Ang banas banas kaya ng suot ko!! Kainis! Tsk! Katabi ko ngayon yung babaeng panget. Bali tapos na kami. Ipopost daw yung picture namin tapos kung sino daw yung pinakamaraming likes eh yun ang panalo. Lol. Ang ganda ng pakulo nila diba? Nakakainit ng ulo!! Kainis!

THE 3 DEVILSWhere stories live. Discover now