chapter 5: Angel's and Devil's

911 28 1
                                    

Danica's POV

Naglalakad kami ngayon sa school. Friday na ngayon. Hayys. Ang bilis ng araw. At alam nyo bang palagi nalang kaming binabadtrip ng tatlong kumag? Iba iba na ang tawag ko sa mga yon. Tss. Halos lahat ng katangian nasa kanila na.

Pagpasok namin sa room nandun na ang tatlong kumag na nakangisi na naman samin pero yung isa naka poker face pero halatang nang aasar din. Tss.

Umupo kami. Saktong dating ng proff kaya hindi na nakapangbadtrip ang katabi kong gunggong. Parang may nakatingin sakin. Inilibot ko ang tingin ko at nahagilap ko si Cole na kakaiwas lang ng tingin. Napabuntong hininga ako.

"Okay Class, i will group you into four, every four groups will be having a six members." Sabi ng proff.

"Kayo kayo nalang magkakatabi. Then sa last row..." Tumingin samin ang proff dahil kaming anim yung nasa huli. "Kayo na. Sakto na kayong anim dyan eh..."

O_________O!!


Nagkatinginan kami ni Angel at Lovely tapos tumingin sa tatlong gunggong na nakatingin rin samin sabay sabing...

"... No way!!" At hindi ko akalaing pareparehas kaming anim ng iniisip at sabay sabay kaming napasabi ng 'no way'. Tss. Feeling nila gusto namin silang ka group?

"Yan na ang final group! Bawal umayaw, kada group eh gagawa ng parang banda. Simple lang, isang taga drum, taga guitar, taga piano, isang taga background voice tapos dalawang vocalist. Ayun lang nama. Ipoperform nyo yan live sa gym at madaming manonood so pagplanuhan nyo na yan ngayon. Dahil next week na kayo magpoperform..." Pinabilog ni proff ang upuan kaya no choice kami kundi sumunod.

Nagirapan lang kami. Tss. Bakit kasi kami pa yung magkakagrupo?!!

"Ano? Tutunganga nalang kayo??" Kunot noong sabi ni Angel na bumasag ng katahimikan naming anim.

"Malamang! Ayaw naman namin kayong ka grupo eh!" Sabi nung Kyle!

"Tss! Kami rin naman! Ayaw din namin kayong ka grupo!" Inis na sabi ko. Tss. Anong feeling nila na gusto namin silang ka grupo? Feeling lang nila yun.

"Eh anong gagawin natin??!" Sabi nung Jeid. "Magtititigan at mag iirapan nalang?!" Dagdag pa nya kaya napairap kaming tatlo.

"Tss! Ako nalang ang mag pipiano..."sabi ni Angel.

"Ako nalang sa Drum.." Sabi naman nung Kyle...

"Edi ako na sa Background voice!" Sabi ni Lovely.

"Tss. Ako na sa gitara..." Napatingin naman silang lahat samin matapos magsalita ni Jeid.

"Anong tingin yan?!" Inis na sabi ni Ziel.

"Vocalist nalang ang wala. Baka pwede kayong dalawa??" Napatingin ako sa tanong ni Angel. Grr. Maganda DAW ang boses ko sabi nila pero hindi naman ako marunong kumanta!!

Nagkatinginan kami ni Ziel sabay sabing...

"Ayoko nga!!" Tss. Nagkatinginan kami at nag samaan ng tingin! Nakakainis sya!!

"Tss! Maki cooperate kayo! Pano kung hindi tayo makapasa?? Edi bagsak tayong anim!" Sabi ni Lovely.

"Malamang bagsak! Hindi nga naka pasa eh!" Pangbabara ni Jeid sa kanya at inirapan lang sya ni Lovely.

"Tss. Ayokong makapartner yan!" Turo nya sakin.

"Feeling mo?! Gusto kitang kapartner?! Ayaw ko rin!!" Inis na sabi ko.

THE 3 DEVILSWhere stories live. Discover now