Chapter 15

746 22 3
                                    



Danica's POV

"Bakeet kami?!!!" Nagkatinginan kami nung katabi kong demonyo! Kainis! Bakit naman ang lakas ng trip nila?!!

"Hahahahahaha! Good choice!" Sabi nung president namin at nagsulat na sa papel!! What the!! Ayokooooooooo!!

"Takte!! Burahin mo yan!!" Sabi naman ni Ziel na demonyo! Tss! Bakit sya pa?!! Kung kelan galit ako sa kanya.

Bigla ko tuloy naalala ang panglalait nya na sobrang umapekto sakin. Nung nilait nya ako na wala akong pamilya. Napatahimik nalang ako. Bahala sila sa gusto nila. Basta ayoko.

"Hahahahaha! Sila na!!" Sabi naman ni Lovely!! Pati ba naman sya??

"Ayoko nga!!" Sabi naman ni Ziel. Hindi ako tatanggi. Basta alam ko sa sarili ko na ayaw ko sa kanya at ayaw ko sa idea ni Jeid!! Palagi nalang kami ang pinagtitripan nya!!

"Lovely naman.." sabi ko. Ayoko talaga.

"Wait nga!!!" Napatingin kami sa nagsalita. Si Teacher. Tss. Sana naman wag na ako!! Ayokong makasama ang demonyo na yan!! Wala syang ginawa kundi ang sirain ang araw ko!!

"Ayaw nyo nun? May pag asa na kayong manalao, may chance pa na magkabati kayo.." sabi ni Teacher!!

O______O!!

"No Way!!!!"

O________O!!

Sabay pa kami! Kainis! Umiwas nalang ako ng tingin. Ayoko talaga. Tsaka kung punayag ako eh puro pang aasar lang ang matatanggap ko sa kanya. Lalo na kapag kasama ko sya. Tsk' ayoko. Ayos na yung iwan ako ng pamilya ko, pero yung ipamuka? Masakit...

"Sorry pero final na.. palag ka Ziel? Baka gusto mong sumbong kita kay tito Josh?.." nakangising sabi nung president namin. Babae sya. Anak ata sya nung kabarkada nung tatay ni Ziel. Wag kayo! Naririnig ko lang yan!!

"Tsk! Oo na!" Inis na sabi ni Ziel. Umiling nalang ako nung tumingin sakin yung president dahil ayoko talaga. Ayoko lang magsalita dahil basta... feeling ko kasi ako sisisihin ng katabi kong to.

"Hahahaha! Daddy's Boy!!" Sabi naman ni Jeid. Sinapok sya ni Ziel.

"May respeto lang ako sa tatay ko!" Napatingin sya sakin at saka ngumisi. "Mahal kasi ako ng TATAY ko!" Diniinan nya yun sa harap ko.

Napaiwas nalang ako ng tingin dahil ayokong gumanti. Ayokong mapahiya. Parang biglang may kumirot sa puso ko. Bakit ganyan kasama ang ugali nya? Bakit ipinaglalandakan nya sakin na may pamilya sya at ako ay wala? Ano bang ginawa ko sa kanya para asarin nya ako ng ganito?

Tao din naman ako eh. Nasasaktan. ):

"Sobra ka na!!" Sabi naman ni Lovely.

"Wag kang makielam!" Sabi ni Jeid! Nakangisi sya. Napatingin ako sa paligid. Nakatingin samin lahat ng kaklase namin.

"Tss! Tama naman ako ah?!" Sabi ni Ziel na nakangisi pa sakin.

Hindi ko na kaya.

Tumayo ako at lumabas ng classroom. Walang paalam. Bastos na kung bastos. Paglabas ng room eh dumeretso ako sa cr. pagpasok ko ng cubicle eh nagbagsakan ang luha ko.

Kung pwede ko lang ibalik ang pamilya ko eh! Kung pwede lang!! Palibhasa hindi nila alam ang pinagdadaanan ko! Palibhasa may pamilya sila at ako wala!!

Sobra na ata sya? Sumobra na sya sa pang aasar sakin. Hindi ko naman ginusto na ayawan ako ng pamilya ko eh. Hindi ko naman ginusto na mabuhay. Sana nga hindi nalang ako nabuhay eh...

Parang sa pamilya ko palang susuko na ako...

***

Ziel's PoV

THE 3 DEVILSWhere stories live. Discover now